Chapter 1

126 5 2
                                    

Chapter 1

Inis ko siyang tinapunan ng tingin matapos niya akong yugyogin. Dahil sa ginawa niya ay muntik akong matapunan ng kape na iniinom ko "Anong problema mo?"

"Get a boyfriend, Amirah!"

"Sinabi ko na sayo. Hindi nabibili ang boyfriend sa mall. Tumigil ka na, Millie" Lumayo ako sa kanya at pinagpatuloy ang pag-inom ng kape ko.

"Come on! Don't get stuck with that boring ex-crush of yours! Ang boring niya talaga!" She even stomped her feet like a brat. Umiling ako sa kanya. Bakit ba gustong gusto niya akong magkaboyfriend?

"Nag-aaral pa tayo. Wala akong oras para sa mga ganyan" Nakita ko ang pagnguso niya sa akin.

"Hahanapan kita ng boyfriend, Amirah!" Napailing ako nang bigla siyang tumakbo palabas sa kwarto ko.

Naalala ko kahapon nang bigla na lang siyang nanghila ng lalaki sa kanto at binugaw ako. Palagi niya akong binubugaw sa mga lalaking makita niya. Gusto niyang magkaboyfriend na ako. Para namang may boyfriend din siya. Ako na nga ang nahihiya sa mga lalaking naiistorbo namin.

Si Millie Torres ay ang tanging pinsan ko sa nanay ko. Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay at palagi niya akong binubugaw sa mga lalaki. Simula bata pa kami ay ganyan na siya. Pinapagalitan nga siya ng mga magulang niya dahil sa pinaggagawa niya sa akin. Naalala ko noon na binugaw niya ako sa isang lalaking manyak. Muntik ko na siyang mapatay sa pagkakasakal dahil sa ginawa niyang yun. Nangako pa siya na hindi na niya gagawin ulit yun pero nabali ang pangako niya dahil hanggang ngayon ginagawa niya parin.

Nakatira ako sa bahay nila. Dito kasi ako nag-aaral at sinasamahan ko na rin siya dahil mag-isa lang siya. Nasa ibang bansa ang mga magulang niya habang ang mga magulang ko ay nasa probinsya namin.

Kinuha ko ang maliit na sketch pad ko at pumunta sa maliit na balkonahe sa kwarto ko. Nagsimula akong mag guhit ng kung ano ano.

"Ayoko nga!" Natigil ako sa pagguhit ng marinig ang sigaw na yun. Galing yun sa bintana na nasa harap ng balkonahe ng kwarto ko. Ngayon ko lang narinig ang boses na yun "Tigilan ninyo ako. Masakit pa nga ang katawan ko! Sabihan ninyo kapag may pake ako, haharapin ko sila"

Bumukas ang bintanang yun at lumabas ang isang lalaki. Luminga linga siya sa paligid hanggang ang mga mata niya ay dumapo sa akin. Hindi ko matanggal ang mga mata ko sa kanya.

"Anong tinitingin mo?! Upakan kita dyan!" Napakurap ako sa sigaw niya. Gustohin ko mang sigawan din siya pabalik pero nanatili akong tahimik.

"Sorry miss. May topak talaga ang kaibigan kong to" Umakbay sa kanya ang isang lalaki sa kanya at ngumiti sa akin. Tumango lang ako sa lalaking yun.

"Bahala kayo dyan. Maglandian kayo kung gusto ninyo, aalis na ako" Ngayon pa lang sasabihin ko ng hindi ko gusto ang tabas ng dila ng lalaking to.

Tinulak niya ang lalaking nakaakbay sa kanya ay biglang tumalon palabas. Napatayo ako sa gulat sa nakita ko. Nasa ikalawang palapag yun at tumalon siya! Mabilis ko siyang tinignan dahil baka mapaano siya. Hindi ko alam kung bakit nakahinga ako ng maluwag ng makita ang pagtakbo niya palayo. Wala na rin yung lalaki kasama niya kanina na nasa bintana.

Umiling ako at pinagpatuloy ang pagguhit pero hindi parin mawala sa isip ko ang lalaking yun. His green eyes. Those beautiful green eyes are very captivating.

"Amirah, tumatawag si mama at papa! Sagutin mo dali!" Pawisan at humihingal si Millie ng lumapit siya sa akin. Namumutla din siya dahil siguro sa pagtakbo "Alam yata nilang babagsak ako sa isang subject ko. Patay ako nito"

Sinagot ko ang tawag ng mga magulang niya. Kinamusta muna nila ako bago nagtanong kung nasaan ang anak nila. Tinignan ko siya para sabihin na siya ang hinahanap.

Mason Finn Sullivan (House Of Adonis Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon