Chapter 7

29 3 0
                                    

Chapter 7

"A-Alisha" Papunta na sana ako sa klase ko nang bigla nila akong harangan at masama akong tinignan. Kinabahan ako pero pinilit kong hindi yun ipakita "Padaan ninyo ako"

"Sino kaba sa tingin mo, Amirah" Hindi ko inaasahan na tinulak niya ako ng malakas. Huminga ako ng malalim para pigilan na mainis.

"Padaan ninyo ako. May klase pa ako" Pero tulad ng kanina ay parang wala silang narinig.

"Akala mo naman magugustuhan ka ni Gustavo. Hindi ka naman gaano ka sikat at hindi ka naman sobrang talino kaya wag kang magmayabang sa amin" Tinulak niya ulit ako at mas naging malakas yun.

"Ayoko ng gulo, Alisha" Mahinahong sabi. Sa tanang buhay ko ay hindi ako nakipag-away kaya alam kong talo ako kapag sinabunutan niya ako dito mismo sa tinatayuan namin. Lalo na at may mga kasama siya.

"Layuan mo si Gustavo kung ayaw mo ng gulo"

"Siya pilitin mong layuan ako" Mas lalong sumama ang mukha niya.

"Sa tingin mo kaya mo ko?! Wag mo kong yayabangan!" Napalunok ako nang makita ko na handang handa na siyang sumabunot sa akin.

"Hoy!" Malakas na tinulak ni Millie si Alisha at dinuro ito "Sapakan ang gusto mo, ha?!"

"Wag kang makisali dito, Millie. Away namin to ni Amirah"

"Paanong hindi ako makikisali eh pinagtutulungan ninyo tong pinsan ko.  Gusto ninyo ng gulo. Tara sa labas. Sasapakin ko mukha ninyo"

Hinawakan ko si Millie para pigilan siya. Sa aming dalawa, si Millie ang palaging humaharap sa mga umaayaw sa akin. Kahit noong bata pa kami ay sinasapak niya ang mga umaaway sa akin, mapalalaki o babae man yun. Kahit na binubugaw niya ako ay napaprotective niya sa akin at ayaw na ayaw niyang may gumugulo sa akin. Yun lang ang pumipigil sa akin na sakalin siya kapag binubugaw niya ako sa mga lalaking nakikilala niya.

"Pagsabihan mo yang pinsan mo. Wag siyang didikit kay Gustavo"

"Pagsabihan mo din si Gustavo na wag siyang didikit sa pinsan ko!" Pumangewang pang sabi ni Millie.

"Kahit kaylan hindi dumidikit si Gustavo sa kanya"

"Sorry ka dahil si Gustavo mismo ang dumidikit kay Amirah. Wag ninyo ng guguluhin ulit si Amirah kundi-"

"Ano? Sasapakin mo kami? Sa tingin mo kaya mo kami?" Pinagmasdan ni Millie ang mga kasama ni Alisha.

"Isusumbong ko kayo kay Finn!" Nagulat ako sa sinabi ni Millie. Paanong nasali si Sullivan sa usapan?! "Kayang kaya kayo ni Finn at hinding hindi siya magdadalawang isip na sapakin kayo kapag ginulo ninyo ulit si Amirah"

"Sa tingin ninyo tutulungan kayo ni Finn kapag sinabunutan namin kayong dalawa? Nagpapatawa ka ba?"

"Wag mong subukan! Isusumbong ko talaga kayo ni Finn!"

"Hindi naman kayo kilala ni Finn para tulungan. Wag mo kaming subukang patawanin, Millie. Gumagawa ka na lang ba ng kwento para matakot kami" Tumawa si Alisha at ang mga kasama niya.

"Finn!" Biglang sumigaw si Millie. Nakita ko ang pagkabigla nila Alisha at ang pagkaputla nila. Hinay hinay silang lumingon sa direksyon na nakatingin si Millie. Kahit ako ay tinignan ko rin pero nagulat na lang ako nang bigla akong hilain ni Millie paalis "Bilisan mo!"

Wala akong nagawa kundi tumakbo din at magpahila sa pinsan ko. Piste! Wala naman dun si Sullivan eh! Huminto kami nang makita ko ang classroom namin.

"Tumakbo ka kapag nakita mo ulit sila, maliwanag?"

"Hmm. Maliwanag pa sa buwan"

"Hindi lang buwan, Amirah. Siguraduhin mong maliwanag pa sa araw. Babatokan talaga kita kapag nagkataon"

Mason Finn Sullivan (House Of Adonis Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon