Chapter 10

31 3 0
                                    

Chapter 10

"Nasaan sila Millie, Mama?" Tinaasan lang ako ng kilay ni Mama na parang naiirita siya sa pagmumukha ko.

"Amirah, ayusin mo nga ang sarili mo! Maligo ka muna bago kumain! Nakakahiya sa mga bisita mo!"

"Mama, gutom na gutom na ako! Pakainin mo muna ako, mamaya na ako maliligo"

"Mang, pakainin mo na si Amirah" Hindi nakinig si Mama kay Papa at pinagtulakan ako ni Mama pabalik sa kwarto. Bago pa ako makapasok ay bumukas ang pinto ni Sullivan at nakakunot na tinignan kaming dalawa ni Mama.

"Tignan mo! Baka maturn off ang boyfriend mo dahil sa mukha mo" Bulong ni Mama. Ngayon nagsisi akong hindi nakinig kay mama pero gutom na talaga ako.

"Good morning, son" Bati ni papa at tinapik ang balikat ni Sullivan "Nakahanda na ang pagkain. Bumaba na kayo"

"Good morning, Papa" Tinignan niya si Mama "Good morning, Mama"

'Aba't feel na feel niya ang pagtawag ng mama at papa sa mga magulang ko ha'

Sumimangot lang ako nang kumulo ang tyan ko. Hindi ko alam kung narinig nila ba yun o hindi. Wala akong pakealam. Gutom na gutom na ako.

"Good morning, baby" Nagulat ako ng bigla niya ayusin ang buhok ko at bumulong "Ang pangit mo"

Tinulak ko siya at padabog na pumunta sa dining area. Nandoon na sila Chase at Millie at kumakain na sila. Umupo ako at nagsandok ng kanin at ulam. Wag nila akong bwisitin dahil gutom na talaga ako. Parang sasakit ang tyan ko kapag hindi pa ako kumain.

"Amirah, hinay hinay lang sa pagkain! Last breakfast mo na ba to ha?!" Sigaw ni Mama sa akin ng makita niyang sumubo ako ng malaki. Narinig ko naman ang tawa ni Millie.

"Ganyan po yan sa bahay si Amirah" Sumbong niya kay Mama "Kapag nagugutom, nagagalit at parang halimaw kumain. Pagalitan ninyo pa nga po"

"Anak, baka mabilaukan ka" Saway ni Papa sa akin pero dahil anak ako ni Mama ay hindi ako nakinig sa kanya at sige lang sa pagkain.

Inabutan ako ni Chase ng ulam "Oh kumain ka, Amirah. Parang ang laki ng problema mo. Gusto mo ng kanin?"

Tinignan ko si Mama na pinagsandok si Sullivan ng kainin at si Papa naman ay inilapit ang mga ulam sa kanya kaya ngayon ay yung ulam na lang na nasa akin ay yung binigay ni Chase kanina. Matapos lagyan ni Mama ng kanin ang plato ni Sullivan ay nilagyan niya ng juice ang baso nila Sullivan at Chase.

Kahit noon ay alam kong gustong gusto nila magkaroon ng anak na lalaki kaya alam kong masaya silang nandito sila Chase at Sullivan.

Uminom ako ng tubig nang matapos akong kumain habang sila Sullivan at Chase ay hindi padin tapos. Paano ba naman kapag nauubos na nila ang pagkain nila ay nilalagyan ulit nila Mama at Papa ang mga plato nila.

"Mama, Papa, hindi na nila kayang kumain. Tigilan ninyo na ang paglalagay ng kanin at ulam" Saway ko sa dalawa.

"H-Hindi na po namin talaga kaya" Mahinang sabi ni Chase. Pinagmasdan ko si Sullivan, alam ko ding hindi na niya kaya pero hindi ko narinig na nagreklamo siya sa mga ginagawa nila Mama at Papa.

"Sige na nga. Kapag nagutom kayo sabihan ninyo kami, lalo ka na Mason" Ngumiti si Sullivan kay Mama at tumango.

"Parang nasusuka na ako" Narinig kong sabi ni Chase.

"Weak" Pang-aasar ni Millie sa kanya.

"Ikaw kaya ang kumain ng ganun karami"

"Hindi ninyo naman kaylangan pilitin. Hindi naman magagalit sila Tita at Tito kapag hindi ninyo inubos. Diba po?"

Mason Finn Sullivan (House Of Adonis Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon