Mich

2 2 0
                                    


" Aren't you tired of this, Mich? Huh? Lagi ka nalang ganyan eh! " pasigaw na sabi niya habang nakatutok sa daan ang paningin niya.
" Tama na kasi Zack! Nakaka tanga ka na eh! Tama na! " I shouted back. Dapat ako lang ang galit kasi ako ang nasasaktan ngayon, kasi ako ang niloko.
" Tama na? Ayaw mo na? Hindi! Hindi ako papayag." mas lalong nag init ang ulo ko sa sinabi niya.
" Zack? Wake up! Kahit 'di ka papayag wala akong pakialam! At pwede ba? Wala nang tayo. " ganti ko sa kanya
" I'm still your fiancée Michelle! " he counted back.
" Our relationship ended when you kissed Gayle. Ano ako tanga? Gago ka ba? Fiancée mo nga ako pero bakit nanghahalik ka nang iba?! May utak ka ba?! Ihinto mo tong sasakyan! " umiiyak na sigaw ko sa kanya
" Let's end this. I don't want to argue with you. I'm driving. Ihahatid na kita sa inyo. Let's just talk some other time. " he said calmly.
" I can walk. So please just stop this car. " pagmamatigas ko
" Malapit na kaya 'wag ka nang mag inarte. " sabi niya.
" Eh di dalian mo. Ang bilis mo ngang makahanap nang kabit sa pag da-drive pa kaya. " I murmured
Pinilit kong manahimik kesa mag sisigaw sa kanya. Zack and I are engaged last year.
Nakarating kami sa bahay nang di nagkikibuan. I don't want to talk baka ano pa ang masabi ko. I also don't want to look at him.
" Nandito na tayo. Let's just talk tomorrow. I'll just text you the address. " he said and then left. 
He's really good at leaving people behind. Even me. Almost 8 years na kami ni Zack and I thought magbabago siya, dati ayokong mawala siya sa 'kin kahit madami na siyang nagawang mali sa relasyon namin. He cheated not once, not twice not thrice but countless times. I know ang tanga pakinggan pero wala eh masyado akong tanga… dati.
Tinanggal ko and makeup at accessories ko at naligo. Natapos ko na rin ang routine ko bago matulog.
Nagising ako sa ingay nang alarm clock. Bumangon ako at naligo. Nag ayos ako sa sarili ko bago bumaba. Naabutan ko pa si Kuya na nagka-kape.
" Lil sis, pupunta ka ba ngayon sa designer mo? " he asked
" No kuya. I'm planning to cancel the wedding. " I answered without looking at him
I heard him frowned before answering me " Nagloko na naman ba? Ok ka lang? " Sunod sunod na tanong niya
" He did it countless times, Kuya. And I don't know, ewan ko, Kuya. Galit lang ako pero 'di na masakit. " I answered while stirring my coffee.
" Good thing that you want to cancel the wedding. I don't want to see you suffer from infidelity. " he said
" I know, Kuya. " nakangiti kong sagot sa kanya. Kukuha na sana ako nang toasted bread nang tumunog ang phone ko. He texted me the address. He wants it now, I see.
" Kuya, alis na muna ako. I'll be back around noon. " Di ko na inintay na sumagot si kuya, lumabas ako at sumakay sa kotse ko. Wala namang traffic at coding kasi Sunday ngayon.
I arrived at our meeting place. Yung lugar kung saan kami nagkakilala. Sa lumang court. I saw him standing, he's facing the ring with a ball down oh his feet.
" Bakit dito? " mahinang tanong ko sa kanya . 
" Nothing. Can we talk now? " he asked
" I want to cancel the wedding. " mahinang tugon ko sa kanya na halos ikinadurog nang puso ko.
" Bakit? Dahil doon lang? Mich? " tanong niya habang kinukuha ang bola.
" Give me enough reasons not to cancel it, Zack." mahinahon ngunit malamang utos ko sa kanya
" Lalaki ako, Mich. May pangangailangan din ako. " sagot niya sabay upo
" Is that why you cheated? Ako din naman Zack, may pangangailangandin ako. Nag cheat ba 'ko? Naghanap ba 'ko nang parausan? Naghanap ba 'ko nang iba? Hindi diba? Kasi nga mahal kita. " umupo ako sa tapat niya pagkatapos kong sabihin 'yon sa kanya.
" I'm sorry. " tanging naging sagot niya sa mga tanong ko
" Sorry? Ilang sorry ba ang natanggap ko simula nong nagloko ka? Pang ilan na ba? Di ko na kasi mabilang Zack." sabi ko sa kanya
" Mahal kita. " mahinang sabi niya na nakatungo habang pinaglalaruan ang bola.
" Kung mahal mo 'ko bakit di ka nakuntento? Bakit naghanap ka nang iba?" nanatiling nasa kanya ang paningin ko habang nagsasalita " Mahal mo ba rin siya? " tanong ko sa kanya na naging dahilan nang pag angat nang tingin niya. 
" Anong klaseng tanong iyan, Mich?" pabalik na tanong niya sa'kin
" It's a yes for no question, Zack. Minahal mo rin ba si Gayle? " tanong ko uli sa kanya 
[ Play the music: Imahe by Magnus Haven ] 
Tumango siya nang dahan dahan na naging dahilan nang pagtulo nang luhang kanina ko pa pinipigilan. Bumagsak ang aking mga balikat at umawang ang aking bibig sa pag amin niya. Akala ko ako lang ang mamahalin niya. Bakit dalawa kami?
" Gusto mo ba siyang makasama kesa sa 'kin? " naglakas loob akong nagtanong sa kanya kahit alam kong walang kasiguraduhan na sasagot siya nang "hindi".
" Paano ka? Paano tayo? " he asked, para namang gusto kong may kahati sa kanya, tapos na ko sa pagiging tanga, kaya tama na. 
" I-I'm l-letting yon go. Tapusin na natin to Zack." I faked a smile and hold his hands.
" If I can't be that someone na kayang ibigay lahat nang gusto mo, kakayanin ko. If I can't be that someone na kayang magpasaya sayo, kakayanin ko. Just please, don't beg for forgiveness kasi hindi ko alam kung kaya kong ibigay sa inyo ni Gayle iyon. And please, kapag binitawan kita wala nang balikan pa. Kalimutan na natin ang isa't you. From now on, let's ignore and forget each other like you and I don't exist." And with that hinubad ko ang engagement ring na suot ko at binigay iyon sa kanya " Give that to someone else. Thank you. " binitawan ko ang mga kamay niya at tumayo. Dali-dali akong tumalikod para di niya makita kung paano ako nasasaktan sa nangyayari.
" Akala ko ba mahal mo ako. " mahinang tugon niya
" Mahal kita, oo. Pero oras na siguro para mahalin muna ang sarili ko. Bye. " naglakad ako palabas nang court, umaasang hahabulin niya ako't pipigilan. Pero hindi. Mas maigi na siguro ito kesa paulit-ulit lang akong masaktan.

- m a y o r a

ONE SHOTSWhere stories live. Discover now