[ E R R O R S A H E A D you've been warned ! ]
Nakatingin lang siya sa'kin na tila ba wala nang pag-asa pa ang meron kami, 'di ko na ramdam ang presenya nang pagmamahal niya.
" Please, h'wag ka nang maghabol pa. Ayoko na, Maureen. " sabi niya
Nanatili akong nakatayo at nakatitig sa mga mata niya umaasang babawiin niya ang kaninang sinabi niya.
" I'm choosing my job. My career. " he added.
" Paano ako ? Paano tayo ? 'di pa ba sapat kung anong meron tayo ngayon ? napatungo ako at pilit na pinipigilan ang aking luhang nagbabadya nang bumuhos. " Sabay tayong pumasok sa mundong 'to. Sabay tayong sumaya sa mundong 'to. Naging masaya tayo sa mundong 'to pero bakit ngayon iiwan mo 'ko ? " wala sa sariling tanong ko sa kanya.
" Sorry. I need to go, Maureen. " sabi niya at tinalikuran ako ngunit hinawakan ko ang kanyang kamay nag susumamo, nagmamakaawa.
" Please. Nasaan na 'yong mga pangako natin sa isa't isa ? 'Wag namang ganito oh masakit. " di ko na napigilan ang pagbuhos nang aking luha nang kinuha niya ang kamay ko at binitawan iyon at naglakad papalayo sakin.Tuluyan nang bumagsak ang aking mga balikat..napa upo ako sa sakit na nararamdaman ko na para bang binuhusan ako nang isang litrong mainit na tubig.
--
Pinahid ko ang butil nang luha sa pisngi ko at sinara ang maliit na photo album na hawak ko. Napangiti ako nang pumasok ang taong naging dahilan nang pag bangon ko mula sa sakit. Ang anak ko.
" Rome, what happened to you ? " tanong ko sa anak ko nang makalapit sa'kin na nakabusangot ang mukha at may dalang naka tuping bond paper.
" Mama, sabi nang kalaro ko kamukha ko ang guy na 'to. " nakanguso niyang binuksan ang nakatuping bondpaper at pinakita sa'kin ang litrato. " Siya ba ang papa ko mama ? " napatingin ako sa litrato at mapang nang pilit at hinarap ang anak ko." Gusto mo ba siyang makita, Rome ? " I asked at tumango naman siya " Go change your clothes. Puntahan natin ang papa mo. " Sabi ko sa kanya at nagmadali naman itong tumakbo papunta sa kwarto niya.
I've made my decision... he needs to know the truth. Tama na ang apat na taong nangulila si Rome sa kanyang ama.
Nagpunta kami sa mall kung saan gaganapin ang book signing niya ngayon at saktong pagdating namin ay kaunti nalang mga tao. Sa 'di inaasahan nauna nang tumakbo si Rome papunta sa kanya.
Nakita ko ang gulat na rumihestro sa mukha niya nang bigla siyang yakapin ni Rome at tinawag na papa. Napalingon siya sa gawi ko at naningkit ang kanyang mga mata.
" Anong ibig sabihin nito ? " nagtatakang tanong niya.
Sa halip na sagutin siya ay hinawakan ko ang kamay ni Rome at pinalapit sa'kin " Rome, meet your papa. Sicario, anak natin... si Rome. " sabi ko sa kanya.
Napuno nang pagkalito ang mukha niya ngunit agad siyang tumingin kay Rome na nakahawak sa kamay ko. Pumantay siya kay Rome at binuhat ito " Di na ko magtatanong pa. Alam kong anak ko 'to. Manang mana sa papa oh " sabi niya at niyakap si Rome.
" Mapanakit ka, Sicario. Pasalamat ka mahal kita. " sabi ko sa kanya.
Di niya 'ko sinagot sa halip ay hinalikan niya ko. Ang virgin kong Sicario!
- this is a work of fiction.-MayoraMaureshia