Hanny

1 2 0
                                    

Nagising ako sa tahol ni Potpot. Napatingin ako sa orasan bago ko siya kinuha at dinala sa kusina. Kaya pala nag iingay kasi gutom na. Pasado alas 9 na nang umaga. Nang mailagay ko ang pagkain niya sa kakainan niya ay pumasok ako sa banyo para maligo.
Ilang sandali pa ay lumabas ako nang nakapagbihis na. Nakita ko si Potpot sa may pintuan. Nakadapa at nginangatngat ang sapatos ko. Napailing nalang ako nang mapagtanto kong nasira na ito. Sa halip na pagalitan siya ay binigay ko ang kapares nang sapatos sa kanya, napangiti ako nang iwinagayway niya ang kanyang maliit na buntot senyales na nasiyahan siya sa ginawa ko. Ang arte nitong asong ito.
Halos araw-araw ay ganun ang eksena namin ni Potpot sa bahay. Ngunit isang araw nagising ako sa mahihinang impit at ungol niya na nagmumula sa kusina. 
Hindi ko na inaayos ang aking kama at dali daling pinuntahan si Potpot. Nakadapa siya na tila ba may karamdaman.
“ Ma, pinagalitan niyo ba si Potpot? ” tanong ko ka mama na nagluluto nang agahan namin.
“ Hindi. Pero kagabi lumabas iyan. Tapos may narinig akong iyak. Netong umaga ka lang siyang nakitang bumalik. ” sabi ni mama nang 'dan lang lumilingon sa'kin.
Maingat ko'ng kinarga si Potpot at umupo ako sa sofa. I patted her forehead as a sign na 'di niya kanilang matakot kasi nandito naman ako.
Napangiti ako nang inabot nang kanyang malalamig na nguso ang aking pisngi at dinilaan. Marahan 'kong pinisil ang kanyang likod habang karga karga siya. Nang hindi ko na namalayang nilamon ako nang antok.
Nagising ako sa ingay na nagmula sa labas nang bahay. Mabilis kong hinawakan ang aking paanan ngunit wala na roon si Potpot. Napakunot ang noo ko habang naglalakad palabas nang bahay ngunit nang tuluyan akong makalabas ay ang naging dahilan nang pagbagsak nang aking balikat. Lumaylay ang aking braso at isa isang nagsipagbagsakan ang aking mga luha habang pinagmamasdan ang aso kong si Potpot na nakahiga na at wala nang buhay. Napaluhod ako sa harap niya at dahan dahan siyang kinarga. Alam ko'ng pinapanood ako nang mga kapitbahay ko pero wala akong paki alam. Kasi sa pagkamatay ni Potpot ay para natin akong nawalan nang pag-asa.
Lumipas ang tatlong araw mula nang mailibing siya ay lagi kong pinapa alala sa sarili ko na wala na siya ngunit palagi ko lang nakakalimutan.
“ Potpot halika na kakain na tayo! ” sigaw ko ngunit mag lilimang minuto na ay wala pa ring dumating kaya iniwan ko nalang sa ilalim nang mesa ang kakainan niya. Bagsak ang mga balikat kong pumasok sa kwarto at natulog.
Hindi ko alam kong ilang oras akong nakatulog. Nagising ako sa sigaw ni mama sa labas nang kwarto ko. 
Padabog ko itong binuksan at ang sigaw niya ang unang sumalubong sa akin.
“ Ano ba! May utak ka pa ba? Hanny aso iyon at tao ka. Ano bang mapapala mo sa pagmumukmok mo diyan huh?! ” sigaw niya sa'kin.
“ Namatay lang ang aso mo gusto mo na 'ring magpakamatay? Ang kitid nang utak mo! Naisip mo ba kung paano kaming maiiwan mo? Ilang araw ka nang hindi kumakain puro ka nalang tubig. Gamitin mo ang kukute mo! ” dagdag niya.
“ Ikaw ma, nong panahong walang wala ako. Nasaan ka? Diba wala? Eh si Potpot, siya 'yong nanatili sakin no'ng mga panahong iniwan niyo 'ko nang mag isa! Siya lang ang nanatili sa'kin Ma. Kaya wala kang karapatang husgahan ang nararamdaman ko kasi ako ang nawalan at hindi ikaw. ” sagot ko sa kanya at nilagpasan siya.
Napahikbi na naman ako nang marinig ko sa aking isip ang tahol ni Potpot. Masakit. Oo ansakit kasi iyong tanging nanatili sa'kin nawala nalang bigla.
- m a y o r a

ONE SHOTSWhere stories live. Discover now