DEATH

1 1 0
                                    

Entry # 0019

Remembering the last story I've read, I managed to ask him “ Will you cry when I die? ”

He looked at me with his usual bored look, he sighed and then said “  Magagalit ako. ”

Napaiwas ako nang tingin sa kanya at hinarap ang madilim na kalangitan. Nakabibinging katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Pinagmasdan ko ang iilang bituin na tila ba wala nang kislap. Ang ilan naman ay natatabunan nang ulap. Muli akong tumingin sa kanya nang nilabas niya ang kanyang cellphone.

Mula sa ilaw nang screen ay nakita ko ang pag ngiti niya. Ilang sandali pa ay nakarinig ako nang pagsinghap galing sa kanya. I can see how hurt he is.

Alam kong gaya ko ay gusto niya ring gumaling. Ngunit sadya atang malupit ang tadhana sa aming dalawa. 

Kung pwede lang ay matagal na aking umalis para naman mabawasan lahat nang sakit ngunit hindi. 
Kung sana lang ay wala akong cancer. Kung sana lang.

Balik na tayo sa loob. ” aya niya sa'kin. Agad rin naman akong sumunod sa kanya. “ A-Ang hirap takasan nang oras no? G-Gusto ko pang mabuhay. Ngunit pagod na pagod na 'ko. ” nakayuko at mahina niyang sabi. Napansin ko ang pagpunas niya sa kanyang pisngi. Umiiyak na naman siya. Tumigil siya at hinarap ako, nakangiti ngunit nakikita ko sa kanyang mga mata ang lungkot 
“ Room 25, dalawin mo 'ko. ” tanging sabi niya at tuluyan nang pumasok sa loob nang kwarto.

Agad na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan habang papasok ako sa aking kwarto. Bumalik na naman ako dito. 'Di ko alam kung kailan ako makakapagpahinga.

Kinabukasan ay panibagong gamot na naman ang ininom ko. Nanghihina ang katawan ko pero ang isip ko lumalaban pa. Ngayon pa lang alam kong malapit na. Sakay sa wheelchair ay nagpahatid ako sa bantay kong nurse sa Room 25. Gusto ko siyang makita.

Ngunit iba ang aking nadatnan doon. Nakakabasag nang puso. Nakakabinging iyak at hinagpis nang kanyang pamilya. Napatingin ako sa glass window at ganoon na lang ang pagsikip nang aking dibdib nang makita ko ang pag ubo niya nang dugo at tila ba hirap na hirap na.

Nagtama ang aming paningin at tila ba sinasabi nang kanyang mga mata na “ Paalam na. Hanggang sa muli. ” Napatingin ako sa mga nurse at doctor nang nagsimula silang nataranta nang unti unti ay naging flat ang line sa life machine. Ang kaninang mahigpit na paghawak niya sa kanyang kama ay biglang nawalan nang higpit. Bumukas ang pintuan nang kwarto at lumabas ang Doctor. Tiningnan muna neto ang kanyang wrist watch bago nagsalita. 
September 24, 8:45 am. Ginawa na natin lahat pero 'di parin ito naging sapat. I'm sorry.” he excused himself pagkatapos no'n.

Wala sa sariling pumasok ako sa kwarto kasabay nang kanyang magulang na 'di alam kung anong gagawin. Hinawakan ko ang kanyang kamay saka ito hinalikan. “ Malaya ka na sa lahat nang sakit, Sean. Hintayin mo ako diyan sasamahan kita. ” mahina kong sambit bago ako napahagulgol nang iyak.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero nagising ako nang nagkakagulo ang nasa paligid ko. Pakiramdam ko ay may naghihilahan sa katawan ko. Masyadong mabigat at 'di ko maigalaw ang mga kamay ko. Hanggang sa maramdaman ko ang mainit na likidong umagos galing sa aking mga mata habang nakatingin sa mga taong nasa labas nang aking silid. Ganito rin ba ang naramdaman ni Sean nang unti unti ay nawawalan na siya nang kapit? Mahina man ay pilit kong inangat ang aking daliri na para bang aabutin ko si mama at papa na nasa labas at umiiyak. Ngunit bago ko pa man magawa ay tuluyan na akong nawalan nang lakas. Unti unti nilalamon ako nang kadiliman. Tapos na.Unti unti kong nararamdaman ang pagkapos nang aking hininga, ang mahihinang pintig nang aking puso at nakikita ko ang isang liwanag...tanda nang panibagong paglalakbay. 
Nakikita ko na ang sarili kong nakahiga sa kama habang yakap yakap ni mama at papa. Ang sakit.

“ Death is easy, leaving everything behind is not. ”

- MayoraMaureshia

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ONE SHOTSWhere stories live. Discover now