“ Ano pong masasabi niyo sa'kin na gusto pong magsulat? ” tanong sa'kin ni Carrie
“ Sulat ka lang Carrie. At kapag umangat ka 'wag kang manapak nang iba. ” sagot ko sa kanya.
Isa-isang nagsilapitan sila habang hawak hawak ang librong papapirmahan nila. Nakangiti ko itong tinanggap at pinirmahan. Dalawang oras akong nakaupo at nagpipirma ngunit 'di ko ramdam ang pagod dahil ang daldal nang mga kaharap ko. Nakikipagtawanan pa sa mga biro ko.
“ Congratulations, Black Aphrodeath. Your first book signing is successful.” nakangiting bati nila sa'kin.
Nagpasalamat ako sa kanila bago ako nagpaalam.
Sasakay na sana ako nang kotse ko nang marinig ko ang pangalan ko galing sa isang babaeng tumatakbo. Hawak hawak ang libro ay huminto siya sa harap ko, tagaktak man ang pawis ay kita pa rin sa mukha niya ang pagiging maganda at elegante.“ Akala ko ay 'di kita maaabutan, Winter. ” she said.
“ Pauwi na ako pero 'di naman kita matatanggihan. ” nakangiti ko'ng tugon sa kanya at nilahad ang aking kamay para kunin ang librong hawak niya.
Nakangiti niya itong inabot sa'kin.
Pinirmahan ko ang libro at binalik sa kanya. May kinuha siya sa bag niya ang binigay sa'kin. An invitation.“ I want you to be my guest, Winter. ” sabi niya sabay abot sa akin nito “ Next month na ang kasal ko at gusto kong nandoon ka. ” dagdag niya.
Tinanggap ko ang sobre bago ako sumagot “ Sure, I'll be there. Can I bring a friend? ” nakangiti kong tanong sa kanya.
“ Of course you can. See you next week. May photoshoot pa kami ngayon eh. ” paalam niya.
Mabilis akong sumakay sa kotse at hinapo ang aking dibdib. 'Di ko mawari ang pintig neto. Ilang beses akong huminga para ikalma ang sarili ko bago ko pinaandar ang kotse at pinaharurot.
“ Winter, you're ready? ” Jon asked.
“ Hhm yeah. Tara na. ” sagot ko at pilit na ngumiti.
Ilang sandali pa ay nakaabot kami sa mismong venue nang kasal. Isa isa kaming inalalayan nang mga organizer bago magsimula. Ilang sandali pa ay nagsimula nang pumasok ang mga abay kasunod kaming mga espesyal na bisita.
Halos magsinghapan ang mga dumalo sa kasal nang pumasok ang bride. Umiiyak siyang naglalakad habang nasa tabi niya ang kanyang mga magulang. Nang umabot sila sa altar ay kinuha na siya nang groom. Saglit na nagtama ang paningin namin ngunit agad ko iyong binawi.Pagkatapos nang seremonya ay 'di nawala ang batian at pag bibigay nang regalo sa bagong kasal.
Nanatili akong nakaupo nang ayain ako ni Jon upang maisayaw. Tinanggap ko ang alok niya nang makitang marami na rin pala ang sumasayaw.“ You can smile, you know. Para ka namang robot. ” pabiro niyang sabi sa akin.
“ Ok lang ako, Jon. 'Yon lang 'di ako masaya. ” sagot ko sa kanya at naramdaman ko ang unti unting pagyakap niya sa'kin bago ako pinaikot papunta sa iba ngunit saktong pagikot ko ay napunta ako sa mga bisig nang groom. Napatingin ako kay Jon na tinanguan lamang ako habang kasayaw niya ang bride. Wala akong nagawa at nagpaubaya nalang. Ilang sandali pa ay binasag niya ang katabi sa pagitan namin.
“ Kumusta? Balita ko ay sikat ka na.” simpleng tugon niya na naging dahilan nang pag angat nang tingin ko.
Muling nagtama ang aming mga mata ngunit sa ikalawang pagkakataon ay ako ang unang bumitaw.
“ Maayos naman ako. ” maikli kong sagot sa kanya nang 'di man lang tinitignan.
Naghari muli ang katahimikan sa aming dalawa nang biglang mamatay ang ilaw. Napahigpit ang paghawak ko sa kanya nang maramdaman ko ang kakaibang kaba mula sa dibdib ko. Takot ako sa dilim. Ayoko sa dilim.
“ Stay on your position! Huwag niyo munang bitawan ang kapareha ninyo. May inaayos pa ang line man.” narinig kong sigaw nang isa sa mga tauhan.
Muli akong kinabahan nang marinig iyon dahil alam kong magtatagal ang dilim. Ngunit nang maramdaman ko ang mga bisig ni Levi ay parang hinigop lahat nang takot ko at napalitan nang kaba. Unti unti siyang lumapit sa'kin at bahagyang yumuko. Sa kabila nang dilim ay nakita ko ang dahan dahang paglapit niya sa'kin bago angkinin ang aking labi. Ang malalambot niyang labi ang sumakop sa akin.
“ Ikaw parin Winter. Ikaw parin. ” pabulong niyang sabi sa akin.
Natigilan ako sa katotohanang ang taong nasa harap ko ay ang unang lalaking minahal ko. Ang lalaking kinasal na sa iba ngunit nagawa pa akong halikan.
- m a y o r a