Chapter 2 Not Really a Reunion

16.4K 282 0
                                    

Chapter 2 Not really a reunion

"Please come inside" sabi ni Den

Nakaupo si Aly sa hood nang sasakyan niya. Wala siyang matawagan na mekaniko ayaw din naman niya mambulabog sa mga kakilala nila kasi its 2am.

Hindi pinapansin ni Aly si Den. And hindi niya rin maintindihan bakit si Den ang nasa labas at hindi si Ella.

"Please Come inside" ulit pa ni Den hindi niya mabanggit yung pangalan ni Aly sa harap nito

Kinuha ni Aly yung phone niya si Kim na lang tatawagan niya.....

Pero bago pa makasagot si Kim kinancel na ni Den yung tawag.

"Alyssa Valdez please naman o come inside" halos pasigaw na sabi ni Den kaya naman tumahol yung aso sa kapitbahay na kinagulat naman ni Den at napatakbo siya sa kay Aly

Napaakbay siya kay Aly at si Aly naman e natulala for 2 years no communication ni hindi nila nakita ang isat isa ngayon Denden is in her side nakayakap sa kanya.

Nung tumigil yung aso napabitaw si Den at para siyang kamatis na pulang pula.

"Aly please.... Please pasok ka na stay mamaya na yan" sabi ni Denden and this time hawak na niya yung kamay ni Aly

Hindi namalayan ni Den yun hindi niya sinasadya na mapa akbay at hawakan ang kamay ni Aly.

Hindi alam ni Aly kung ano mararamdaman niya..... Halos manghina yung tuhod niya kaya naman nakaladkad siya ni Den hanggang sa bahay nila.

Si Ella naman nakaupo dun sa door noong una kabang kaba si Ella pero nung nakita niyang successful si Den sa paghila kay Aly e napangiti siya.

"O ayun naman pala e aber tara matulog" sabi ni Ella

Gusto man tumawa ni Den hindi niya magawa kasi naman sobrang lamig nang kamay ni Aly at hindi pa rin to nagsasalita.

Pagpasok sa loob sa bahay nila Den .. Aly again felt that wave of emotions. Ang daming memories sa bahay nila Den and everything just came back...

The first time she went here was their time nung magka team mate sila sa national youth team at kung hindi nagkakamali si Aly e ganitong ganito yun. Hila hila sya ni Denden dahil nahihiya syang pumasok kasi feeling nya sobrang laki nang bahay.

"Besh dun na lang tayo sa room mo a ayaw ko sa guest room lakas maka horror house nitong bahay nyo" sabi ni Ella at umakyat na sa taas

Bahala kayong dalawa muna Ella said to herself....

Aly and Den is standing awkwardly sa living room. Walang gustong magsalita walang gustong gumalaw... Hindi pa rin pala hinahawakan ni Den yung kamay ni Aly although naka hang lang to sa kamay niya.

"Alyssa please tara na" sabi ni Den

Coma state pa rin si Aly physically and emotionally kaya naman nakaladkad siya ulit ni Den pataas.

Pagdating nila sa kwarto ni Den nakahiga na si Ella sa kama at halos masakop niya yung buong kama.

"Ella talaga o" sabi ni Den while looking at their besh

Sakto naman may isa pang mattress na naka roll sa isang side. Yan yung mattress na ginagamit nang mga team mates ni Den at Aly nun kapag may pajama party sila.

Binitawan naman ni Den yung kamay ni Aly para ayusin yung mattress pa na isa at kumuha nang bedsheets comforters at mga bagong pillow cases.

Habang nagaayos si Den e nakatulala pa rin si Aly asking herself anong ginagawa niya dito sa kwarto ni Den. She was about to leave tumalikod na siya when she felt arms wrapped around her.

Missing Piece (AlyDen Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon