Chapter 31 Today and Always

12.2K 196 0
                                    

Chapter 31 Today and Always

Nagpark na si Aly.

"Lyyy di mo naman sinabi dito tayo kakain I didn't bring any sweater" sabi ni Den at umakbay dito

"Dont worry meron nagpack kayo ako" sabi ni Aly dito

Pumasok na sila sa loob and agad naman sinalubong sila Aly.

"Goodmorning maam welcome to Taal Vista" masayang bati nito "how can i help you?"

"Ahm buffet breakfast for two" banggit ni Ly

Agad naman silang inusheran sa dining hall nang taal vista.

Sa labas pa lang amoy na amoy na yung mga foods the smell of coffee pancakes fruits hot chocolate.

Napasmile naman si Den sa amoy kanina pa rin siya nagugutom. Pagpasok agad kumuha na si Den at Aly nang plate.

Si Den naman parang bata na sayang saya sa mga pagkaing nasa harap niya. Si Aly naman just a view of Den being happy masaya na siya.

Sa may overlooking sa Taal sila nakaupo. Sobrang saya ni Den because they have indeed the best breakfast best view and syempre kasama niya si Aly.

Masaya silang kumakain at nagkekwentuhan.

"Nako if andito si Ells masaya yun" sabi ni Den

"Sinabi mo pa pero patay tayo kasi di natin siya sinama hahaha" sabi naman ni Aly

"Bawi na lang tayo sa kanya" sabi ni Den naman "sama na din natin sila Ara haha"

Tumango naman si Aly. After kumain e naglakad lakad sila sa garden nang Taal Vista.

But then Aly knew better. She have to face the reality she have to face the truth whatever it is. Kung ngayon lang sobrang saya lang nila ni Den kung pwede lang araw araw ganito sila ni Den pero hindi pwede e. She can feel it in her heart parang may butas na hindi niya maintindihan.

On the other side Den is trying so hard para wag sila magusap ni Aly about sa kanya. She's too happy today para pagusapan pa yun. But then napansin niyang unti unting nagbabago yung expression nang mukha ni Aly and she's starting to get worried.

"Den upo tayo dun?" Sabi ni Aly habang nakaturo sa upuan sa ilalim nang puno

"Lakad na lang tayo Ly" sabi ni Den dahil alam niyang pag umupo na sila ni Aly yun na yun wala nang atrasan

Napansin din naman ni Aly na parang umiiwas si Den na makapagusap sila kaya hinawakan niya to sa braso at hinarap at tinulak nang dahan dahan.

"Taraaa na pleasee" sabi ni Aly

Hindi naman naka angal na si Den. Kasi naman may please pa si Aly at tinutulak na siya nito.

Pagkaupo e tatayo na sana ulit si Den kaso hinawakan siya ni Aly sa kamay.

"Den please?" Sabi ni Aly

Kitang kita ni Den yung mata ni Aly na parang nagmamakaawa ito.

Umupo si Den. Hawak pa rin ni Aly yung kamay nito.

"Den hindi na ako magpapaligoy ligoy pa whats with the nightmares? What happened in the parking lot?" Sabi ni Aly "why do you have sessions with Cienne?" Itatanong pa sana ni Aly what happened 2 years ago gusto niya din itanong why you didnt come back pero pinigilan niya yung sarili niya

Nakita niyang parang maiiyak na agad si Den sa mga tanong niya pero pinipigilan lang nito.

"Ly??? Naalala mo yung RP tryout?" Sabi ni Den

Missing Piece (AlyDen Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon