Chapter 16 where are we going?

10.2K 183 0
                                    

Chapter 16 where are we going?

Sa sasakyan ni Aly

"Problema nung friend mo?" Tanong ni Aly kay Ella hindi niya alam pero di niya mabanggit name ni Den

"Friend ko talaga di mo friend???" Tanong ni Ella

Hindi pa nakakasagot si Aly e nagring ang phone nito.

"Pacheck besh" sabi ni Aly kasi naka focus siya sa daan

"Nay Puring" sabi ni Ella "sagutin ko na a" sinagot nito at nilagay yung cellphone sa tenga ni Aly

"Hello Nay..... Ay thank you po... Napanood nyo po?...... Hahaha nay talaga o..... Ay shoot oo nga po pala..... Ano po ????? Nagkatay na agad???? Hala ka nay sige po sige.... Sige po opo promise ko po yun e sige po..... Bye po love you po" all smiles si Aly kaya naman napansin ni Ella yun

"Sino yun besh?" Tanong ni Ella "ang saya mo"

"Si Nay Puring besh di ako sasama sa road trip may pupuntahan ako" sabi ni Aly

"Neknek mo Aly kung san ka pupunta sasama kame" sabi ni Ella dahil na curious siya

___________________

"AKO na lang kasi pupunta sa pupuntahan KO magisa" sabi ni Aly andito na sila sa bahay nila Den dito kasi meeting place at dito nagpahatid si Ella

"Anong IKAW lang magisa" pa emphasis pa ni Kim "neknek mo Baldo ready na kame o san ba tayo pupunta?"

"Yun na nga eeeeee ako lang sige na bye na" sabi ni Aly aakma na siyang tatalikod pero nagsalita si Ella

"Aly pag iniwan mo kame at umalis ka magisa where God knows FO na tayo" masungit na sabi ni Ella

Halos hindi makapaniwala si Aly sa narinig niya at eto namang si Ara at Kim e nag apir pa at natatawa

"Ate Ells if ate Aly wants to go alone I mean its her right" sabi ni Beadel

"Hay nako beadel kapag umalis yan si Aly hindi na babalik yan" sabi ni Ella

Natahimik naman silang lahat si Den naman hindi alam yung sasabihin.. Ano ba kasing iniisip at plano nitong si Aly? Tanong niya sa sarili

"Fine" sabi ni Aly

"Fine???? Sasama na kame?" Tanong ni Ara

Tumango naman si Aly. Napa apir naman si Kim at Ara at si Beadel samantalang si Ella e napatawa naman

"Hahahahahaha shit pang best actress ako" sabi ni Ella at hinagis yung susi kay Aly van kasi nila Den ang gagamitin nang mga to para isang sasakyan lang.

Pagbukas e agad umupo sa beadel sa may first row tapos pumasok na rin si Kim at Ara pati si Ella.

"Ikaw na lang sa harap Den para naman hindi mukhang driver si Aly" sabi ni Kim

"Bat ako bat hindi na lang ikaw?" Tanong ni Den na pasungit

"E nauna ako pumasok" sabi ni Kim

"Bei ikaw sa harap" sabi ni Den wala talaga siya sa mood na kasi naman pinag titripan siya nang mga to

"Ha?" Tanong ni Beadel "ate den imma sleep"

"Kung ayaw mo e di wag" sabi ni Aly

Lalo naman nairita si Den. Ayaw naman niya mag mukang pikon na brat kaya naman sumakay na rin siya sa harap.

"Okay lets go" sabi ni Aly at inistart na yung sasakyan masyado siyang pre occupied at pinoproblema niya na kasama niya ang mga ito kaya naman dinededma niya lang yung pag iinarte ni Den

"Wait Ly san ba talaga tayo pupunta?" Tanong ulit ni Ella

"Oo nga Baldo wait tatawagan ko lang si Bang kasi napapaligiran kame nang Lady Eagles baka salvage to" pabirong sabi ni Ara

"Oo nga pala no" sabi ni Kim "baldo a magkaibigan tayo"

Tawang tawa naman si Beadel sa dalawa "hahaha grabe"

Binato naman ni Ella yung dalawa nang bottled water na hawak niya "anong tingin nyo samen mapaghiganti hahahahah"

"Ouch" sabi ni Ara dahil siya yung natamaan "pwede hahahaha Baldo ano san na?"

Tumingin naman si Aly sa rearview mirror.

"Wala nang next question kapag sinagot ko yung tanong niyo a?" Sabi ni Aly

Sabay sabay naman tumango yung apat na nasa likod. Tumingin din muna si Aly kay Den na nakamangot sa tabi niya. Hindi man to tumingin sa kanya alam niyang nakikinig to.

"Ate Ly pa suspense" sabi ni Beadel

"Baldo anoooo ba?" Sabi naman ni Kim

"Jusko hulaan ba to?" Tanong ni Ella

"Ay nako na pepressure si Aly o pinagpapawisan kitang kita ko dito" sabi ni Ara

Narindi naman si Den kaya nagsalita na rin siya

"Inform us na lang kasi san pupunta hindi yung ang dami mo pang paandar dyan" sabi ni Den

Nagsmile naman si Aly...

"Okay fine" sabi nito "were going where I am in the past two years"

At pinatakbo na ni Aly yung van.

Wala naman naka imik as in wala. Maski si Ara na gustong gusto magtanong e na tameme. Si Beadel at Ella naman napapikit na lang while si Den parang tumigil ang pagtibok nang puso.

Damn it is this really happening? Tanong ni Den sa sarili niya

Gustong malaman ni Den to pero hindi niya naman iniexpect na ngayon to. Since dumating siya wala silang ginawa ni Aly kung hindi iwasan tong topic na to.

Napatingin si Den kay Aly nakatingin lang to sa daan.

Ly ano bang ginagawa mo? Gusto niyang itanong pero hindi talaga siya makapag salita...

Tumunog naman yung cellphone niya kaya napatingin siya dito

From: Bei
Ate den you good?

From Ate Den:
I dont know

From Bei:
Wanna switch seat?

From Ate Den:
Im good I can handle the seat but I dont know if I can handle kung saan tayo pupunta

From Bei:
Do you want to go down I can make an excuse?

From Ate Den:
What do you think?

From Bei:
Its up to you ate Den do you want to know or do you want to dodge it?

From Ate Den:
Of course I want to know. If Aly and I will move forward I need to know this missing piece.

From Bei:
Okay I support you

After nun tinabi na ni Den yung phone niya. Napansin naman ni Aly na text nang text kanina si Den pero she choose to ignore it na lang bakaaging cause pa para pag awayan nila lalo.

Sa likod naman e nag bubulungan pala si Ara at Kim.

"Pre ang intense" sabi ni Kim

"Oo nga e paran ako yung aatakihin sa puso" sabi naman ni Ara

"Grabe san naman kaya nagpunta to si Baldo?" Si Kim ulit

"Hindi ko alam pero kung ano man nangangamoy drama iyakan" sabi ni Ara

"OMG like OMG" sabi ni Kim

"Salamat at di talaga kayo naririnig" sabi ni Ella at si Beadel nakatingin din sa dalawa


A/N

Next chapter will be Aly missing two years ready set

Missing Piece (AlyDen Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon