Chapter 24 Maling Akala

11.2K 186 2
                                    

Chapter 24 Maling Akala

"Ate Selina naman errrrrrrr" sabi ni Aly kasi naman niloloko siya ni Selina

"Ang ganda ganda ni Aly o ang hot hot pa rin" sabi ni Selina at umakbay pa

"Ateeeeeee" nahihiya si Aly kasi naman pinagtitinginan silang dalawa

Pinisil naman ni Selina yung pisngi ni Aly

"Ang cute cuteeeeeeeeii mo talaga Aly hahahah"

Accidentally lang nagkita sila Selina at Aly sa Eastwood. Gulat na gulat si Selina nung nakita nito si Aly. Naging malapit din kasi siya kay Aly noon.

Nag kwentuhan naman at kamustahan si Selina at Aly. After noon e nagpaalaman na rin sila.

Kanina pa vibrate nang vibrate yung phone ni Aly kaya naman chineck niya yun after umalis ni Selina.

Ten missed calls from Aly.

Nagtaka naman si Aly but then called Ella.

"Hey besh bakit?" Sabi ni Aly nung sumagot si Ella

"Anong bakit ka dyan besh may sapi na naman si Den" sigaw ni Ella sa phone

Napakunot naman si Aly Sapi???? Sinasabi lang ni Ella yun tuwing halos mamatay matay si Den sa pagseselos.

"Ha?????? Bakit??? Saan nagseselos?" Takang tanong ni Aly

"Andyan kame sa eastwood kanina nakita niya may umaakbay akbay sayo at pinisil pa cheeks ikaw naman besh e tawang tawa at sayang saya sino ba yun" sabi ni Ella

Pinipigilan ni Aly tumawa pero she cant help it.

"Ha....ha... Hahahahahha besh ano ba yan" sabi ni Aly "hahahahahahha"

"Sige tawa pa besh sige pa" sabi ni Ella

Tumigil na muna kakatawa si Aly. "Si Selina yun Besh kinakamusta nya nga kayo e"

"Hahahahahahahahaha" hagalpak naman ni Ella "hahahahahahah"

"Baliw ka besh asan si Den text me" sabi ni Aly at binaba na yung phone

Natatawa si Aly. Ganun pa rin si Den. Hindi pa rin siya nagbabago. At syempre kinikilig pa rin siya kahit possesive at clingy ni Den basta siya okay lang yun.

Tinext siya ni Ella kung asan si Den. Umuwe muna daw sila kay Den nagpalit nang damit to at nagpababa sa circle para mag jogging. Kaso kailangan na ni Ellla bumalik sa office niya kaya iniwan na niya si Den doon. Okay lang din naman kay Aly at least may excuse siya para pumunta dun.

Umuwe din muna si Aly nagpalit nang pang jogging at dumiretso na sa circle.

Naka 15mins din na paikot ikot si Aly bago niya nakita ang hinahanap niya. Agad siyang tumakbo oo takbo kasi malayo layo pa siya kay Den pero noong malapit na siya e bumagal bagal siya na para bang nag jojogging na lang.

Sinasabayan niya na si Den pero mukhang hindi napapansin ni Den ito dahil seryosong seryoso at nakakunot pa ang noo.

Sumusunod lang si Aly pero nakaramdam din si Den na may mga matang nakatingin sa kanya.

"Waaaaa" napahinto si Den at nang maalala na naman niya yung pagpapacute ni Aly doon sa Eastwood napaismid naman siya "anong ginagawa mo dito?"

Nagsmile naman si Aly natutuwa siya kay Den kung pwede niya lang yakapin na to agad agad "nag jojogging" sagot niya

Nag jog na ulit si Den wala siya sa mood makipag lokohan kay Aly ngayon at besides kasi naman ang sexy ni Aly mag jojogging lang.

Papa cute na naman dito sa Circle to argh Ly sabi ni Den sa sarili niya

Missing Piece (AlyDen Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon