Elizabeth's POV:
Days had passed and I'm completely recovered. Everything in me recovered!
Ang hindi lang gumaling ay ang utak ni Leigh. Nauntog ata siya ng malakas kaya nagustuhan niya ako eh noh? I can't see a single reason why a person should like me.
I'm a problem child. Gugulo lang ang buhay mo.
"Uuwi na ako bukas. Last day ko na ngayon dito sa bahay mo. Anong gusto mong gawin natin?" Tinaas baba nito ang kilay niya. Umirap ako at nilayo ang mukha niya malapit sa akin.
Sunday na kasi ngayon at uuwi na siya bukas. Isasabay niya na pag uuwi na siya galing sa school.
"Wala tayong gagawin Leigh Evans"
Ngumuso ito. Bakit ba ang hilig nitong ngumuso?! Hindi bagay! I just ignored him and continued focusing on my game.
"What about going out for dinner, Elizabeth Evans?"
I unconscioualy nodded pero natigil din nang marealize ang sinabi niya. Tinignan ko siya ng masama pero nag ngising aso ito.
"Elizabeth Evans? Sa pagkakaalam ko ay Santos ang apelyido ko"
Hinampas ko ito sa braso pero tumawa lang ito ng tumawa kaya umirap ako.
"Papalitan ko pa rin naman ang apleyido mo kaya wag ka nang umangal"
"Aasawahin ba kita?! Huh?!"
"Kung hindi ako ang asawa mo! Wala ibang pwedeng mag asawa sa'yo!"
Tinaasan ko ito ng isang kilay.
"Mga pangarap mo ang taas! Hindi naman ako papayag na pakasalan ka!"
Nag act ito na parang nasaktan. Hinawak nito ang puso na akala mo ay sinaksak ko siya ng patalim doon.
"Kikidnapin naman kita kaya okay lang"
Hinampas ko siya ng magazine na nakapatong sa lamesa. Tumawa ito kaya umirap ako.
"Let's go out for dinner na, please?" Pagpapacute nito sa akin. I rolled my eyes again.
"Fine. Gusto ko na rin makakita ng bagong mga mukha" sabi ko at tumayo na para umakyat.
"Sawa ka na ba sa mukha ng baby mo?"
"Hindi kita baby. At oo, sawang sawa na" sabi ko at binelatan siya. Pumasok na ako sa walk in closet ko at pumili ng damit.
"Saan tayo mag di-dinner?!" Sigaw ko mula sa taas. Baka kasi mag shorts ako tapos sa isang fancy restaurant kami. Kaso ayaw ko dun! Pero baka dun kami kasi maarte yang lalakeng iyan!
"I know a place. Just wear something casual"
"Okay" sabi ko at naghanap na ng damit. Hindi naman ako matagal pumili ng damit. Nagsuot lang ako ng cargo pants at white oversized long sleeves crop top. Sinuot ko, as usual ang necklace na binigay sa akin ni Karl, nakasabit din doon ang singsing.
Hayst!
I looked myself at the mirror and kissed the necklace while closing my eyes. I miss him.
After that ay bumaba na ako at nagsuot ng sapatos. Wala si Leigh sa loob kaya pagkatapos kong kumuha ng pera, phone at susi ay lumabas na ako.
Nakita ko siyang nakasandal sa harap ng kotse niya. He's wearing a black shirt and pants. Naka shades din ito. Perfect match with his messy hair. Damn! Hindi na ako magdedeny na ang hot niya. It's the truth!
BINABASA MO ANG
Fighting Love [Fake Boyfriend Part 2]
Teen Fiction"I'll fight for our love-- your love. So please, kahit pumatay ka pa ng libo libong tao, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko"