Leigh's POV:
[[Elizabeth here ready to throw bullets in your face]]
Pinipigilan kong umirap sa bungad ni Elizabeth. She has a new greeting eh?
"Asan ka?"
[[Nasa Earth]]
"Seryoso ako Elizabeth"
[[Anong gusto mong isagot ko? Nasa Jupiter ako ganun?]]
Napasapo nalang ako sa noo ko dahil sa inis. Napakapilosopo talaga ng babaeng toh. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya.
"Sinong hiningan mo ng tulong?"
[[Edi yung hiningan ko, duh?]]
"Ano ba Elizabeth?! Sumagot ka naman ng maayos!" mahina kong singhal. Baka kasi kapag sumigaw ako dito ay maririnig ako.
[[Anong sagot ba ang gusto mo? Sa alien ako humingi ng tulong ganun?]]
Napahigpit ang hawak ko sa phone at pinikit ang mga mata ko habang humihinga ng malalim para mapakalma ang sarili ko.
"Nasa labas na kami at sasagipin na ang ana--"
[[Alam ko]] seryosong sagot nito na napakunot ng noo ko.
[[Kasama ko sina Josh ngayon sa pinagtataguan nila. Nakita ako eh HAHAHA... Oo master! Mabuti at nakita namin siya bago pa siya tumak-- manahimik ka nga!]]
Nagtatalo pa sila mula sa kabilang linya. Maiinis lang ako kapag pinakinggan ko pa ang pagtatalo nila kaya papatayin ko na sana ang tawag pero nagsalita si Elizabeth.
[[Asan ka?]]
"Nasa Earth"
*toot*toot*
Hindi agad ako nakapagsalita nang namatay na ang tawag. Napikon siguro dahil ginaya ko ang sinabi niya kanina. Napa chuckle nalang ako.
"Bakit nga pala kayo nandito Lily?" tanong ko nanaman sa kaniya dahil hindi ako nakontento sa sagot niya kanina.
"Pinapunta kami ng queen" simple niyang sagot.
"Bakit?"
"Kasi pinapunta niya kami?" hindi niya sure na sagot. Nakataas pa ang isang kilay.
Fvck
Baka magkapatid sila ni Elizabeth. Mga pilosopo.
"Naka standby na kami, kasama ang leader ng Black" kausap nito sa taong kausap niya malamang. Nakahawak ito sa tenga at parang doon nag co-communicate. Ear piece ata ang nasa tenga niya.
"Bakit dw kayo nandito?" kunot noong tanong ni Lily sa akin.
"Anak anakan ng..." napaiwas ako ng tingin "... Kaibigan ko ang dinukot"
Napatango tango lang ito at kinausap na ang nasa kabilang linya. Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi niya dahil nag uusap na rin kami ni Zack para sa plano.
"May palapit na van" sabi ni Lily kaya napalingon ako sa itim na van palapit sa abandoned building. Nanatili kaming tahimik sa pwesto namin para hindi kami mahuli.
Biglang tumawag si Josh kaya sinagot ko iyun kaagad habang naghihintay pa dito para sa tamang tyempo ng pag atake.
"Bakit?"
[[M-Master]] bakas sa boses nito ang kaba kaya napakunot ang noo ko.
"May problema?"
BINABASA MO ANG
Fighting Love [Fake Boyfriend Part 2]
Novela Juvenil"I'll fight for our love-- your love. So please, kahit pumatay ka pa ng libo libong tao, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko"