Chapter Eleven

127 8 0
                                    

Elizabeth's POV:

It's dinner time at inaya ako nina Bea at Lea na kumain na kaya pumunta na kami sa dining hall.

Lumapit ang waiter sa amin at binigyan na kami ng menu. Tinignan ko ang options nun at wala man lang ako nagustuhan. I don't usually eat fancy foods. I prefer fast foods than this.

Napapout ako nang wala talaga akong magustuhang kainin. Napansin naman iyun ni Lea kaya siya na rin ang nag order ng pagkain ko.

I guess I'll randomly eat something.

"Sina Aine yun diba?" turo ni Bea sa entrance kaya napatingin kami doon. Nandun ang buong team nila. Nagpalinga linga sila na parang may hinahanap. And when our eyes met, parang natakot ito at agad na lumabas ulit kasama ang taong umapak ng paa ko.

Tsk! Wala pa naman akong ginagawang masama sa kaniya ah! Kaya bakit natakot na agad sa akin yun?

"She's scared" komento ni Lea na hindi ko naman pinansin kasi dumating na ang pagkain namin. Kumain na kami ng tahimik. Nag uusap usap naman din kami pero hindi long conversations.

Matapos naming kumain ay bumalik na kami sa hotel room namin. Nakaupo ako sa sofa habang nanonood ng cartoons.

"Why are you watching cartoons Elizabeth?" taas kilay na tanong ni Lea sa akin na inirapan ko naman. Anong masama kapag nanood ako ng cartoons?

"I love cartoons" maiksi kong sagot sa kaniya. Kumakain ito ng nachos habang nakahiga sa kama at nakatingin sa cellphone nito.

"There's another murder here" basa nito sa cellphone niya.

"In the hotel?" gulat na tanong ni Bea na ikinailing ni Lea.

"Malapit lang sa Laguna. It says here na nagdro-droga dw ang victim and no one knows who killed him" pinakita ni Lea sa akin ang picture ng pinatay. He died in a very brutal way. Madami itong saksak sa katawan at parang kinuhaan ito ng mata at puso.

"Gross!" nasusukang komento ni Bea "Why do people kill others? Hindi man lang ba nila naisip ang nararamdaman ng pinapatay nila?"

Inabot ko na ang remote at pinatay ang tv. Tumayo ako at lumapit na sa kama ko.

"Minsan ay hindi sinasadya ng tao na pumatay. Nasa huli nalamang nila nalaman na nakapatay na pala ito. And you don't know how regretful they felt"

After I said those words ay natulog na ako.












Nagising ako nang may nagyugyog sa akin. Pero tinakpan ko ng kumot ang ulo ko para bumalik sa pagtulog. Wala naman na akong gagawin ngayong araw dahil sa injury ko. Bwiset kasi yung umapak ng paa ko. Wag lang siya magpapakita sa akin ulit dahil hindi na ako magdadalawang isip na sugurin siya pati na rin si Aine.

Ugh!

My admirers are so bad luck! Lahat nalang ng nag a-admire sa akin ay malaking gulo ang dinudulot sa akin. Magagalit na talaga ako sa susunod kapag may magsabi na admirer ko sila.

Napakunot ang noo ko nang kunin ni Bea ang kumot ko kaya wala akong naging choice kundi ang bumangon. Kinusot kusot ko naman ang mata ko papunta sa c.r para magmumog at maghilamos ng mukha.

"You should atleast watch the game, Elizabeth" wika ni Lea sa may pintuan. Nakatingin ako sa kaniya mula sa salamin.

"Mas gugustuhin ko pang matulog buong araw" inaantok kong sagot at naglakad pabalik sa kama at umupo sa gilid habang nakatingin sa kanila na nag aayos na para sa practice game.

Fighting Love [Fake Boyfriend Part 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon