Elizabeth's POV:
My head already got healed pero yung daplis sa mukha ko, nandyan pa rin. Nilagyan ko nalang ng band aid. Ang hapdi pa rin kasi. Yung saksak ko naman sa hita, nandyan pa rin. Magaling ang pagkakatahi dahil isang doctor si Alec. Hindi halata noh? Pero wag ko muna dw ipatama sa kung anong bagay dahil baka bumukas.
Hayst!
Nandito nanaman po tayo. Eto na ang starting line na sa susunod ay walang buwan na hindi ako magkakasugat. Lagi nalang! Nakakainis!
From: Alec
Wag mong kakalimutan ang saklay mo.
Napairap ako.
To: Alec
Wag mong kakalimutang tumingin sa paligid mo. Baka matamaan ka ng bala ko.
Reply ko sa kaniya. Ang O.A naman niya! Hindi ko naman kailangan ng saklay. Kaya ko naman maglakad kahit paika ika ako.
Pagkababa ko ng kotse ay sinalubong ako kaagad ng nandidiring mga tingin nila. Sanay na ako sa masasama at nandidiri nilang tingin pero parang iba ngayon. Parang may something.
Tapos kanina, pansin ko lang. Nung hindi pa nila ako nakikita, may sari sarili silang mundo. Pero ngayong naglalakad na ako, nagbubulungan na sila habang nakatingin sa akin.
Anong meron?! Alam kong maganda ako! Hindi na kailangang ipagkalat! Ano ba?! Ako lang ito!
Naabutan ko si Angel at Lily na nag uusap at tumatawa habang naglalakad kaya tinawag ko sila para sumabay.
"Men! Lily!" sigaw ko at nagwave para makita nila ako. Nawala kaagad ang ngiti ni Angel pagkakita sa akin.
"Good morning Eliza--" hindi na natapos ni Lily ang sasabihin nang hilahin siya ni Angel paalis. Dahan dahang bumaba ang kamay ko.
Galit pa rin talaga siya sa akin. Hayst! Hindi ko siya masisisi. Kakabalik ko lang galing sa ilang buwan na pagkawala tapos si Alec kasama ko ng isang linggo.
Napabuntong hininga nalang ako. Matagal pa bago ako nakarating sa classroom dahil pahamak ang hagdan! Mukha akong tanga habang umaakyat kanina. Mabuti nalang onte lang ang mga umaakyat at bumababa ngayong oras.
Pagbukas ko ng pintuan ay agad tumahimik ang lahat at napunta sa akin ang atensyon. Woah! Anong meron? Super ganda ko ba ngayon? Ako lang ito guys. Chill.
Pagkaupo ko ay kinalabit ko kaagad si Angel para magtanong.
"Anong meron? Bakit sila nakatingin sa akin?" tanong ko pero hindi man lang ito lumingon sa akin. Patuloy lang siya sa pagsusulat ng kung ano sa notebook niya. Kaya kay Lily na ako nagtanong.
"Hindi ko alam eh" sagot niya. Ano kayang meron? Kumalat ba ang balita na akala nila ako ang pumatay dun sa syam na taong yun kahit hindi naman?! Inosente na dw ako ah! Naayos na ni Alec ang lahat.
Sinusubukan kong kausapin si Angel pero deadma pa rin ako. Yung mga boys naman, feeling ko iniiwasan din nila ako. Lalo na si Leigh. Pagkadating kasi nila, as usual, binabati nila ako pero ngayon hindi eh. Kahit tingin man lang wala rin.
"Good morning Elizabeth!" bati sa akin ni Bruce. Buti pa siya pinapansin ako! Si Lily at Bruce nalang ang pumapansin sa akin. Sila pa itong hindi pa isang taon ko nakasama!
"Morning" bati ko pabalik. Walang good dahil walang good sa morning ko!
Tumahimik na ang lahat nang pumasok na si chem. Tsk! Harold pala ang pangalan niya! Pero chem pa rin tawag ko dyan. Ano kami close para first name basis ang gamitin?!
BINABASA MO ANG
Fighting Love [Fake Boyfriend Part 2]
Novela Juvenil"I'll fight for our love-- your love. So please, kahit pumatay ka pa ng libo libong tao, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko"