Elizabeth's POV:
Nasa loob na kami ng bus pauwi at fvck! Nasa dati nanaman akong pwesto ko! Late nanaman kasi ako at ako nalang ang hinihintay. Ugh! Mabagal ba talaga akong tao? O sadyang ang sarap lang talaga ng tulog ko? You can't blame me kapag matagal ang tulog ko kasi sobrang pagod ako! Charot. Tulog mantika lang talaga ako.
Nakasimangot akong nakaupo while listening to some music in my earphones. Ayoko nang matulog katabi sila! NEVER! Baka magkaroon pa ng pangalawang picture and I don't want that to happen again!
I literally survived that kahit antok na antok ako!
"Hindi ka ba natulog?" tanong sa akin ni Bruce. Sinamaan ko naman ito ng tingin bago bumaba ng bus. It's 2 in the afternoon nang makadating kami at pupunta dw muna kami sa court ng school bago umuwi.
"I won't sleep again kapag katabi ko kayo. Who knows baka magkaroon pa ng picture #2" irap ko sa kaniya. Nauna na akong pumunta sa court. Class hours kaya walang masyadong estudyante sa labas. Mabuti naman.
Pagdating namin sa court ay may sinabi si coach na hindi ko naman masyadong inintindi. Gusto ko na kasing umuwi. I also texted Alexander na susunduin ko na si Babe. Isa rin kasi siya sa mga namiss ko.
"That's all, dismiss" pagkasabi ni coach nun ay naglakad na ako palabas. Pero dumaan muna ako sa locker para kumuha ng gamit. Pagkatapos ay kasabay ko lang ang lima palabas ng school.
Nasa likod ko lang sila at nasa unahan naman nila ako. Nagjojoke si Josh at hampas at batok lang ang binibigay ng tatlo sa kaniya. Kung sa akin din siya nag joke ay baka nahampaz ko na ito ng libro. Ayoko silang makasabay kaya mas binilisan ko ang paglalakad ko.
Malapit na ako sa gate nang may sumigaw ng pangalan ko. Napatingin ako sa may gate nang may batang tumatakbo palapit sa akin habang sinisigaw ang pangalan ko. Napalaki ang mga mata ko kasabay ng pagtigil ko sa paglalakad at sinalubong ito ng yakap.
"Babe!"
Mahigpit na yakap ang binigay ko sa kaniya, ganun rin siya.
"Mommy!"
Kumalas ako sa pagyakap namin at tinignan siya sa mukha. Nagulat ako nang umiiyak ito kaya pinunasan ko ang mga luha na dumadaloy sa pisngi niya.
"Why are you crying Babe?" nag aalala kong tanong with matching pout.
"I-I miss you mommy!"
Napangiti naman ako sa sinabi nito. Sasagot na rin sana ako nang bigla nalamang sumingit si Josh.
"Child abuse yan Elizabeth!" sinamaan ko ito ng tingin. Saang parte naman naging child abuse toh?!
"Kaya pala ayaw mo na kay master kasi may babe ka na" for the nth time ay sinamaan ko nanaman ito ng tingin at inirapan. Iniisip ba nilang kaya babe ang tawag ko sa kaniya dahil boyfriend ko siya? Eh paano na ang tawag sa mga baby? Edi boyfriend/girlfriend nila iyun kasi diba isa ding endearment ang baby?
"It's his name" sarcastic kong sagot sa kaniya.
"Who are they mommy?" nagtatakang tanong ni Babe habang nakatingin sa kanila. I was about to say something nang may sumingit nanaman.
"Hello Babe, I'm Bruce, your daddy" nag wink ito kay Babe. Inapakan ko ang paa nito kaya napangiwi siya sa sakit. Ew! He's the daddy?! Eh ako nga ang mommy and daddy ni Babe eh!
"Babe, this is Matt, Zack, Josh and Leigh, my classmates" ... And enemies. Pagpapakilala ko sa kanila.
"Nice to meet you po" cute na pagkakasabi nito. Dun ko lang biglang narealize. Bakit nandito si Babe?!
BINABASA MO ANG
Fighting Love [Fake Boyfriend Part 2]
Novela Juvenil"I'll fight for our love-- your love. So please, kahit pumatay ka pa ng libo libong tao, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko"