Chapter 1

98 22 9
                                    

Kasalukuyan akong nag aayos ng aking buhok habang naka tingin sa Salamin, ngayon kase ang unang araw ng klase namin! 4th year High School na ako sa 'Levos Academy'

Nang matapos akong mag suklay ay pinuntahan ko na ang aking Ina sa kusina, nakita ko ito na busy sa pag-aayos ng aming pang almusal, naka Apron pa siya at pawis na pawis.

"Ma! magandang umaga po" bati ko dito.

"Magandang umaga Anak, ika'y kumain na dito, asan na ba ang Kuya mo?" tanong ni Mama Erika sa akin habang nag hahain siya ng aming pang umagahan.

"Ewan ko po Ma, baka nasa kaniyang silid pa din po ito" tugon ko dito at na upo na sa upuan at nag simulang sumandok ng pagkain.

Kumuha ako ng pinggan at nag lagay ng sinangag at itlog, napaka simple lang ng aming buhay dito, hindi kami mayaman pero nakakakain pa din naman kami ng tatlong beses sa isang araw, minsan nga ay higit pa sa tatlo.

Scholar lang ako sa 'Levos Academy' kaya naman nag pupursigi ako para mag patuloy lang ang aking Scholarship, hindi kase namin kaya ang ganoong kalaking Tuition Fee, madalang ang kita ni Mama Erika sa pag lalabada at pag bebenta ng kaniyang mga ginagawang tinapay.

"Oh! kumain kana Carlo" baling ni Mama kay Kuya ng makita niya itong papalapit sa amin.

"Opo" sagot naman nito at na upo sa aking tabi.

Nang matapos kaming kumain ay nag paalam na kami kay Mama Erika at tumunggo na sa aming Paaralan, tahimik lang kaming nag lalakad ni Kuya, parehas ang Eskuwelahang aming pinapasukan kung kaya'y lagi talaga kaming nag kakasabay sa pag pasok, pero pag uwian ay hindi ko na inaantay pa si Kuya dahil anong oras pa ito lumalabas sa kanilang silid Aralan.

Nang marating namin ang naturang Paaralan ay nag pa-alam na kami sa isa't isa at nag tunggo sa aming Silid Aralan, malayo ang Classroom nila Kuya sa amin dahil iba ang building nila, High School sa amin at Senior high naman si Kuya.

Ano pa ba ang pinaka nakaka-asar na bagay tuwing unang araw ng pasok? Syempre ang pag papakilala isa-isa sa harapan! kahit kilala na namin ang Pangalan ng isa't isa ay ganito parin ang pinapagawa sa unang araw ng klase.

Section A ako at lahat ng Section A ay matatalino, 'daw' well hindi pala lahat kase yung iba nakaka tapak lang sa Section na ito dahil sa Pera nila, iba na talaga ang nagagawa ng pera sa panahon ngayon, hindi naman sa sinasabi ko na mukhang pera ang School na ito pero, ganon naman na talaga ang nagiging kaso sa panahon ngayon, pera na ang ginagamit upang makaalis kalang sa posisyong iyon o kaya naman maipag patuloy mo lang ang na simulan mo kahit hindi ka nag pursigi upang matapos o makuha ito.

And now it's my turn...

"My Name is Chandrea Celestre Chavez, 17 years of age" pag papakilala ko sa harapan ng klase at pag katapos nito ay umupo na ako sa aking upuan.

Tahimik lang ang aking buhay, hindi ako na papansin ng mga Estudyante dito, para bang isa akong invisible sa lugar na ito, may dalawa naman akong kaibigan, sila Gabby at Danna, parehas silang makulit! at parehas din silang nasa last section.

Kaya eto lagi akong lonely dito sa Section namin, tanging mga Teacher's lang ang napansin sa akin dito, Active ako pag dating sa mga Activities o kahit sa discussion ng mga Guro, kailangan kong mag pursigi sa Pag-aaral dahil libre lamang itong ibinigay sa akin at ayokong masayang lamang ang oportunidad na ito upang makamtan ko ang aking pangarap.

Pero mas gusto ko na ang ganitong buhay kesa naman yung lahat ng mga mata ay na katingin sa'yo, lahat ng lumalabas sa mga bibig nila ay tungkol sa'yo.

Ayokong pag mulan ng chismis dito, oo madaming may galit sa akin dito dahil napaka sip-sip ko daw sa mga teacher's, well ginagampanan ko lang naman ang tungkulin bilang isang mabuting mag-aaral, masama ba iyon?

Moon UniversityWhere stories live. Discover now