Chapter 8

31 6 1
                                    

Kasalukuyan kaming nasa loob na ng Silid Aralan namin. kami lang ni Kidlain ang nasa loob. wala padin si Lightera at hindi naman din ito sumabay sa amin kanina.

Malamang ay nag tampo siya dahil sa pinag hihinalaan namin siya kagabi, hindi naman sa wala kaming tiwala sakaniya ngunit sa panahong ito ay kakailanganin natin ng mas madaming impormasyon para masiguro natin ang mga bagay bagay.

"Time na pero wala parin si Ms.Jessa" Kidlain said. Nakapangalumbaba pa ito sa lamesa.

"Kaya nga eh, malay mo parating nadin sila. wala padin si Lightera"

"Maybe She's in her secret place again" She said.

"Good Morning" bungad ni Ms.Jessa sa amin ng makapasok ito sa loob ng silid.


"Good Moring din po Ms.Jessa" sabay na sabi namin ni Kidlain. Umupo nadin ito sakaniyang upuan sa harap.

"So parang kulang kayo ng isa?" nag tatakang tanong nito. malamang ay mapapansin niya na kulang talaga kami kase tatatlo lang naman kami dito.

"Ahm... wala pa po si Lightera" Kidlain said.

"I see... as you can see, wala din dito ang ilan sa mga Royalty na siyang nag sanay sainyo kahapon. madami silang ginagawa ngayong araw kaya naisipan kong kayo na lamang ang pumunta sa Area nila at doon mag insayo" Ms.Jessa said.

"P-pero--"

"Wala ng pero pero, sumunod kayong dalawa sa akin" at tumayo na ito mula sa kaniyang pag kakaupo. nag katinginan naman kami ni Kidlain at sumunod na kami kay Ms.Jessa.

Malayo layo din ang aming nilakad bago kami makarating sa Royalty Area. pinag titinginan na nga kami dito kaya nahihiya na ako, hindi tuloy ako makalakad ng ayos.

Baka kase isipin nila na isa kaming basurang napapadpad dito, napaka ganda talaga ng Area nila Bernadette.

"Here they are!" nabaling naman ang atensiyon ko kay Ms.Jessa ng mag salita ito, naandito na pala kami sa harap nila Bernadette.

"Chandrea!" pag tawag nito sa akin bago ako nilapitan.

"B-bernadette..." hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko pero...

"Mag start na kayo" Ms.Jessa said.

"Ako na lang ang kapartner mo!" masiglang wika nito. tumanggo naman ako sakaniya at pumunta sakaniyang harapan.

"Y-you look...."

"W-wag mo na akong pansinin" at bigla itong nag iwas ng tingin. bakit ganon, mukha siyang pagod na pagod at wala pang tulog. binaling ko naman ang tingin kay Marcus at Nicholas at maging ang mga ito ay mababakasan ng pagod at kulang sa pahinga.

Nag taas ako ng kamay para mapukaw ko ang kanilang atensiyon bago ako tumingin kay Ms.Jessa.

"Yes Chandrea?"

"A-ahm Ms.Jessa, pwede po bang sa bahay na lang po nila kami mag insayo?" Tanong ko sa Guro.

"At bakit naman?" naka kunot noong tanong nito.

"A-ahm... mas madami po kaseng pwedeng pag praktisan sakanila at saka po..." tumingin naman ako sakanilang tatlo "Ang dami po kaseng naka tingin sa amin dito.... hindi po ako makakapag focus" at napakamot pa ako sa aking ulo. nice try Chandrea! Kailangan nalang ay maniwala si Ms.Jessa.

Moon UniversityWhere stories live. Discover now