Chapter 7

44 7 1
                                    

Naging abala ang mga Estudyante maging ang mga Guro ng naturang Unibersidad ng inanunsiyo ng Head Mistress ang aming natuklasan nung nakaraang araw.

Tila lahat ay nangamba sa maaaring mangyari sa mga araw na mag dadaan. tanging babala lamang ang binigay ng kabilang panig kaya hindi nasisiguro kung kailan mag sisimula ang sinabing digmaan.

Ngunit may ngingilan na natuwa sapagkat alam nila na malapit ng mag balik ang nawawalang Prinsesa. maraming umaasa na ito ay buhay pa at natuklasan na ito ng kabilang panig kaya sila ay nag bigay na ng babala.

Kung ganon, maaaring tama ang naka lagay sa librong aking nabasa. malapit na sa wastong gulang ang Prinsesa at mag babalik ito sa kaniyang kaharian, ngunit may isang lalaki ding sadyang pipigil sa gagawing hakbang ng Prinsesa, hindi ko na alam ang susunod na pahayag na naka lagay sa libro sapagkat ito ay putol.

Dali dali naman akong pumunta sa bahay nila Bernadette para alamin kung alam ba nila ang pahayag na naputol sa libro na iyon.

Ilang beses ang ginawa kong pag katok sa kanilang pinto. sumilip pa ako sakanilang bintana ngunit hindi ko sila nakita, malamang ay busy din sila sa pag hahanda sa nalalapit na digmaan kaya minabuti ko na umalis na lang at bumalik sa hating gabi upang madatnan ko sila sa kanilang tahanan.

Nag tungo naman ako sa aming silid Aralan. maging kami nila Kidlain at Lightera ay kailangan ding mag insayo para dito. hindi namin matutukoy kung magiging ligtas ba kami sa araw na iyon kaya lahat kami ay kailangang maging handa para sa aming sariling kaligtasan.

"Chandrea!" pag tawag ni Kidlain habang ito ay lumalapit sa akin. may mga armas na nakalatag sa lapag kaya pakiwari ko ay itinuturo na sakanila kung paano gumamit ng iba't ibang uri ng armas.

"Nag uumpisa na kayo?" tanong ko dito ng tuluyan na itong makalapit sa akin.

"Hindi pa naman, inilapag muna ni Ms.Jessa ang mga Armas upang matignan natin. lumabas muna siya para kumuha ng mga taong maaari nating makalaban para sa pag sasanay" sabi nito.

"Pero... hindi pa naman tayo sanay sa pag hawak ng Armas, bakit kailangan na nating lumaban?" tanong ko dito.

"Practice lang naman ito Chandrea, at saka para din naman ito sa atin. ang alam ko ay malalakas ang mga taga kabilang panig kaya ginagawa talaga ito para mas maging handa tayo sa araw na iyon" tugon nito sa akin.

"Halika na kayong dalawa dito at tignan na natin ang mga Armas, baka dumating na sila Ms.Jessa" pag tawag sa amin ni Lightera, nag katinginan naman kami ni Kidlain bago kami lumapit kay Lightera.

Dala ko naman ang napili kong Armas noon kaya ito na lamang ang gagamitin ko para sa pakikipag laban mamaya.

Magaganda ang mga Armas na ipinakita sa amin ni Ms.Jessa, ang tatalim nito kaya pakiwari ko ay ginagamit ito ng mga magagaling na sa pakikipag laban.

"Wow! Ang gaganda ng mga Armas!" tila tuwang tuwang wika ni Kidlain habang tutok na tutok sa mga Armas na nakalatag sa lapag.

"Kumpleto na pala kayo" sabay sabay naman kaming napa lingon kay Ms.Jessa, tila lalo akong kinabahan ng makita ko kung sino ang aming magiging kalaban para sa pag iinsayo ngayon araw.

"Napag alaman ko na kayong tatlo ang siyang nakakita sa Itim na Ibon. sabi ng Head Mistress ay dapat na ang pinaka magaling ang siyang mag turo sainyong tatlo sapagkat hindi natin natitiyak kung kayo ba ang unang tatargitin ng kabilang panig dahil kayo ang unang nakita nito. ngunit natitiyak ko ding magiging magandang tulong sainyong tatlo kung ang Top 3 ng Royal Class ang mag tuturo sainyo. alam kong Beginners lang kayong tatlo at malabo ang ganitong set up, ngunit isipin nyo na lamang na ito ay gantimpala dahil sinabi niyo agad ang inyong natunghayan" mahabang wika ni Ms.Jessa.

Moon UniversityWhere stories live. Discover now