Chapter 4

59 18 5
                                    

This is my 3rd day here at M.U, naka sanayan ko na rin naman dito, kaso ngalang hindi ko parin maiwasang hindi magulat sa mga iba't ibang bagay na nakikita ko dito sa loob ng M.U (Moon University).

Nasa dorm na ako ngayon at kasalukuyang nakahiga, nakakapagod kase ang mga naging klase namin, puro about sa pag papalabas lang naman ng kapangyarihan.

Napabuntong hininga ako ng maalala na naman ang mga pinag daanan ko kanina lamang at dahil sa pagod ko, nakatulog narin agad ako.

__________

Sa bilis ng mga araw, pang 4th day ko na dito at syempre may pasok parin kaya naman nag ayos na ako ng aking sarili at ng handa na ako sa pag pasok at lumabas na ako, muntik pa nga akong atakihin sa puso ng makita ko ang nakakatakot na mukha ni Nicholas, nakakunot kase ang Noo nito at ang sama ng titig sa akin.

Sa paraan ng pag titig niya ay aakalain mong palagi kang may ginawang masama sakaniya!

"B-bakit ang sama ng titig mo!?" nauutal na tanong ko dito.

"Napaka bagal mo! Anong oras na at kanina pa ako nag aantay dito!" sigaw nito sa akin at lalong sumama ang titig nito na kaagad naman ikinakunot ng noo ko.

"E-eh b-bakit hindi ka kumatok! at saka asan ba sila Bernadette!?" tanong ko dito, hindi ko kase nakita sila Bernadette dito sa labas ng aking silid.

"Ako na nga ang nag mamalasakit mag sundo sa iyo! Iba pa ang hinahanap mo! Diyan ka na nga!" sabay walk out.

"T-teka!" at humabol ako sakaniya, ang bilis kase niyang mag lakad kaya hindi tuloy ako makasunod!

"Sorry na! Hindi ko naman kase alam eh! Asan naba sila?" tanong kopa ulit dito habang nag mamadaling sumunod sakaniya.

"Hindi sila makakapasok ngayon dahil may ipinag utos sa kanila ang Mahal na Reyna" sabi ni Nicholas, teka Reyna!? Agad naman akong nagulat ng binigkas niya iyon! Teka! May royalty pala talaga dito!

"May Reyna dito!?" manghang tanong ko sakaniya.

"Malamang" maikling sagot nito na mukhang bored na bored pa sa pag sagot ng maikling salita na iyon.

"Tsk! sungit!" bulong ko pero mukhang narinig niya kaya tumigil siya sa pag lalakad at syempre napatigil narin ako.

"What did you just say!?" He said, mediyo natakot ako ng bahagya dahil sa tingin niya sa akin kaya agad akong tumunggo dahil hindi ko matagalan ang kaniyang mga titig.

"W-wala sabi ko bilisan natin at baka tayo ay malate na sa klase!" sabi ko.

"Tsk" at nag lakad na ulit kami, ng dumadami na ang mga Student sa Hall way ay titig na titig sila sa amin ni Nicholas, kulang na ngalang ay bumaon na kami sa aming nilalakaran, ang sasama pa ng mga titig sa akin ng ibang mga Student's dito.

"Sabay na tayo mag Lunch mamaya, kakaunin kita" sabi ni Nicholas ng makarating nakami sa harap ng aking Silid Aralan.

"Ahh!"

"Wag ka ng mag reklamo, bilin iyon ni Bernadette" sabi pa nito at tuluyan ng lumakad paalis.

"Oyy bakit hinatid ka ni Prince Nicholas?" tanong ni Kidlain sa akin ng ako ay makaupo.

"Ipinag utos daw kase ni Bernadette" tugon ko.

"Ahh! buti hindi kana paso" sabi naman ni Lightera, agad na napakunot ang aking noo sa kaniyang turan.

"Bakit dapat ba akong Mapaso?" tanong ko dito, bahagyang nag tataka.

"Oo! napaka Hot kaya ni Prince Nicholas!" sabi ni Kidlain at halatang kinikilig pa! Napairap naman ako sa hangin ng sinabi niya iyon.

Moon UniversityWhere stories live. Discover now