Chapter 3

68 20 6
                                    

Maaga akong nagising sapagkat ngayon na ako papasok bilang Official Student dito sa M.U (short for Moon University).

Sinuot ko na ang kulay pulang Uniporme ko, para sa mga Beginners lang daw ito, kase may iba't ibang kulay ng Uniporme dito at naka base ito sa iyong kakayanan oh kung sa gaano kana kahusay sa pag gamit ng iyong kapangyarihan.

At dahil nga baguhan pa lamang ako dito ay ito muna ang aking susuotin, sabi naman kase ni Bernadette na every month daw ay may gaganaping Bands-(Battle Grounds) dito, na kung saan ay mag papakitang gilas ang lahat ng mag aaral at dun din masasabi kung tataas ba ang iyong kakayanan at mag iiba na syempre ang kulay ng magiging Uniporme at malilipat nadin ito sa klaseng dapat ay kinabibilangan niya.

Pero imposible naman na maiba ang kulay ng Uniporme ko sa susunod na mga buwan dahil wala naman talaga akong kapangyarihan o kung ano mang salamangka ang tinutukoy nila.

Bahagya akong napabuntong hininga at napapailing na lamang sa mga naiisip.

Maganda naman ang naging Uniporme ko, pares na kulay pulang mga Uniporme, may kumikinang kinang na diyamante ang aking blusa sa bawat laylayan nito at para din binuhusan ng glitters ang Unipormeng ito dahil sa kumikinang ito sa ganda. naiisip ko nga na huwag na lang sumali sa Bands para hindi mabago ang Uniporme ko, well malamang pala na hindi ito mag babago kase wala naman akong kakayahan pag dating sa sinasabi nilang mahika.

Hindi kagaya nila Bernadette na mahusay sa pag gamit ng Mahika.

Wala silang ibinigay na School Supplies at buti na lang ay may naka ready ng bag dito, siguro libre lang ito dito meron ding tinatawag na Meal Cheaps dito na kung saan ay ipapakita mo lamang ito sa Cafeteria at libre na ang iyong pagkain oh! san kapa pasok ka na dito sa M.U!

"Chandrea!" narinig kong pag tawag sa'kin ni Bernadette mula sa labas ng aking Silid.

"Wait lang!" sigaw ko pabalik, syempre sisigaw din ako sapagkat hindi niya ako maririnig kapag mahina lamang ang aking tono.

Malawak naman ang path way sa labas pero maliit lang talaga ang aking silid, kagaya ng sinabi nila Marcus, ang Uniporme at tirahan ay binabase sa kapangyarihang mayroon ka.

At lumabas na nga ako mula sa aking silid, nakita ko siyang suot ang isang dilaw na Uniporme, napaka ganda nito kumikinang kinang na parang isang ginto. i Envy her! She's so beautiful wearing that cute Uniform it's like they are one of the Royalty!

Hindi ko mapigilang hindi mamangha sa taglay na kagandahan ng babae na siyang lalong lumitaw sa suot nitong magandang damit.

"Wow ang ganda naman ng Uniform mo!" manghang sabi ko dito, umikot ikot pa siya sa aking harapan na tila proud na pround sa kaniyang Uniporme.

Nakita ko din sila Marcus at Nicholas na nakasandal sa pader ng Aking silid, kulay ginto din ang kanilang mga suot pero naka pants sila.

"Magandang Umaga!" bati ko sa mga ito.

"Magandang umaga din Chandrea!" sabi ni Marcus sa akin at bahagyang ngumiti. kyahhh! ang pogi niya! Shocks! ano ba ang sinasabi ko, erase erase erase!

"Mas maganda kapa sa Umaga"

"Ano?" tanong ko kay Nicholas ang hina kase ng pag kakasabi niya at hindi ko narinig.

Si Marcus naman ay parang nag pipigil ng tawa dahil nakahawak ang kaniyang mga kamay sa bibig na parang may gustong sabihin at humagikgik ng malakas.

Binigyan ko lamang ito ng isang nag tatakang tingin bago ako bumaling kay Nicholas ng bigla itong mag salita.

"I said let's go" sabi nito ng nakasimangot at na una na namang mag lakad sa amin, napaka sungit talaga ng bipolar na iyon!

Moon UniversityWhere stories live. Discover now