Chapter 11

0 0 0
                                    


Ng makarinig ako ng boses ay pinilit kong imulat ang aking mga mata. Agad naman akong nasilaw sa liwanag na aking nakita. Tila nasa loob kami ng mahiwagang lugar.

"Buti ikaw ay nagising na!" Sabi ni Kidlain na agad akong niyakap.

"Ano ang nangyayari?" Taka kong tanong dito habang unti unting umaayos sa pagkakatayo.

"Marahil ay kagagawan ito ng kung sino mang nilalang ang gumambala satin kanina. Ikinulong tayo sa loob ng kaniyang kapangyarihan" sabi ni Lightera.

Inikot ko naman ang aking paningin at nahagip ng aking mga mata si Mildred at Nicholas na parang inuusisa ang kapangyarihang nakapalibot samin habang nag uusap.

"K-kung ganon Baka may masamang nangyayari sa Unibersidad kaya tayo nakakulong dito!?" Tanong ko sa mga ito.

"Huwag naman sana dahil kung umatake man sila ngayon, tiyak na kukulangin ng kapangyarihan ang mga kapanig natin. Nandito si Nicholas pati narin si Mildred, Chandrea" sabi ni Lightera. Hindi ko mapigilang hindi kabahan sa kung ano mang pwedeng mangyari habang naandito kami sa loob ng mahikang ito.

"Kung ganon pano tayo makakalabas dito! Kailangan nating makalabas sa lalong madaling panahon!" Hindi kona mapigilan ang aking sariling mag panic.

"Hindi tayo makakalabas dito hanggang hindi pinuputol ang mahikang inilagay dito" sabi ni Nicholas kaya napa tingin kami dito.

"Kung ganon ay mananatili tayo dito hanggat hindi napapasawalang bisa ang mahikang inilagay dito?" Tanong ni Kidlain. Agad tumango si Nicholas at napabuntong hininga na lang sa sitwasyon namin ngayon.

Agad kaming nakarinig ng kaluskos kung saan. Wala kaming makita dahil liwanag ang nakaharang sa amin dito.

"N-narinig niyo yon?" Tanong ni Kidlain. Agad naman akong tumanggo dito.

"Baka hangin lang yun sa labas Kidlain" sabi ni Lightera. Pa anong hangin? Hindi papasukin ng malakas na hangin ang loob ng silid aklatan. Kung pwera na lang ang Salamangkerong nag kulong sa amin dito ang siyang gumagawa ng ingay sa labas kagaya ng ginawa nito sa amin kanina upang makulong kami dito?

Maya maya lamang ay isang malakas na hangin ang pumalibot sa amin kasabay ng napakalakas na liwanag.

"A-anong nangyayari!?" Sigaw ni Kidlain sa aking tabi. Wala akong makita dahil hindi ko maimulat ang aking mga mata.

"A-aray!" Daing ko ng biglang sumakit ang aking kaliwang braso. Para itong pinapaso.

"Chandrea!" Pag tawag sakin ng kung sino. hindi kona matukoy ang kanilang mga boses dahil sa sakit na nararamdaman ng aking braso.

Unti unting nawala ang liwanag at ng mag mulat ako ng aking mga mata ay nakalabas narin kami sa salamangkang pinag pasukan namin. Agad na lumapit sa akin si Nicholas. Bahid sa mga mata nito ang pag aalala at takot ng makalapit ito.

Tinulungan nila akong makatayo habang hawak ko parin ang aking braso.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Mildred sa akin. Agad naman akong tumanggo dito.

"Ang braso mo..." napa tingin kaming lahat kay Kidlain na nasa tabi ko. Tinggal kona rin kase ang pag kakahawak ko sa aking braso dahil nawala rin naman agad ang sakit dito.

Napa tingin ako sa tinitignan nito at napansing lumitaw na ng maliwanag ang hugis buwan sa aking braso. Tila ba ito'y umiilaw.

Agad namang lumapit sa akin si Mildred at tinalian ng panyo upang matakpan ang nasa aking braso. Agad naman akong nag taka sa ikinilos nito.

Moon UniversityWhere stories live. Discover now