Chapter 10

53 5 1
                                    


"W-what the hell!" Bigla na lang akong nangilabot sa aking nasaksihan. isa itong Salamangkero, ngunit hindi pa ako sigurado dito, hindi na kase maaninag pa ang mukha nito at tanging ang kasuotan lang nito ang mag pupruweba ng katauhan nito.

Ganon paman ay madaming mga Estudyante ang na tigil sa pag iinsayo para makita ang nangyari sa lugar.

Isang tahimik na umaga ngunit naging magulo dahil lang sa di inaasahang pangyayari.

"Mag si tabi kayo!" Sigaw ng kung sino man. nag hawian ang mga Ito at saka ko lang nakita na ang Head Mistress pala ang dumating.

"Isa itong babala" bigkas nito na siyang pinag mulan ulit ng ingay sa lugar. mangilan ngilan din ang na takot ngunit ang iba naman ay hindi natinag sa sinabi ng Head Mistress.

"Isa siyang Salamangkerong inimbitahan ng Hari para pangalagaan ang lugar" ani ng kadarating lang na si Kidlain.

"Kung ganon. tama nga ang sinabi ng Head Mistress na isa itong babala?" Tanong ko dito. diretso lamang ang tingin nito.

"Ganon na nga. ito ang ginawa nilang pangalawang babala sa atin. wala pa ang mga Royals, kaya gumagawa na ng hakbang ang kabilang panig" Lightera said. napag gigitnaan nila ako ni Kidlain, hindi ko alam kung kanina pa sila diyan dahil nag focus ako kanina sa krimen na naganap.

"Saan ba nag tungo sila Bernadette?" Tanong ko sa mga ito.

"Hindi rin namin alam. ngunit may sabi sabi na hinahanap daw ng mga ito ang Mahal na Prinsesa" Kidlain said. Hindi ko mapigilang hindi isipin ang kinaroroonan nila Bernadette.

Sa tagal kona silang hindi nakikita dito sa University ay nakapag tataka na. Alam ko namang may mga tungkulin silang ginagampanan ngunit hindi ko mapigilang hindi mapaisip at makuryoso sa kanilang pakay.

Inaalis na ang namayapang Salamangkero sa lugar. nandon nadin ang mga bantay at unti unti ng umaalis ang mga tao sa lugar. maging ang Head Mistress ay nag mamadaling umalis narin.

Nag mamadali ito at malamang ay iaanunsiyo na nito ang kaniyang mga Plano sa lahat ng mga Officials at sa mga Estudyante sa Unibersidad.

"Tara na sa loob" aya ni Lightera sa amin. tumanggo kami dito at sabay sabay na umalis at pumasok sa loob ng Dormitoryo.

Dumiretso kami sa Cafeteria. Hindi gaanong kadami ang tao sa loob, malamang ay nakikibalita parin ang mga ito sa nangyari kanina o kaya naman ang iba ay nag sisimula na agad mag ensayo.

"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko" biglang sabi ni Kidlain habang nakayuko sa lamesa.

Napabaling ako dito.

"Bakit?" Nag tataka kong tanong.

"Nag aalala ang Pamilya ko sa labas ng M.U, Chandrea" She said habang hawak ng dalawa niyang kamay ang kaniyang mukha.

"Nabalitaan naba nila kung ano ang magaganap dito?" Tanong ko.

"Kalat na sa buong Nayon ang balitang iyan. hindi delikado sa labas ng M.U, dahil ito ay laban lamang ng dalawang panig. ang mga Itim na Salamangkero at ang mga Nilalang na sakop ng Unibersidad na ito" Lightera said.

"Nag simula ang lahat ng paalisin ng Mahal na Hari ang kaniyang kapatid na si Nellior sa M.U dati itong payapang lugar na pinangangalagaan ng mga Royalty, walang labang nagaganap at napaka ayos ng buhay dito.

Hanggang sa nangyari nga ang hindi inaasahan, maraming dinala si Nellior sa lugar niyo Chandrea, at lahat ng iyon ay may mga Itim na mahika.

Nag tayo ito ng isang kaharian, walang nakakaalam kung saan.

Moon UniversityWhere stories live. Discover now