Kasalukuyan akong nasa Lumang aklatan sa lugar na ito. Nag hahanap kase ako ng mga librong tungkol sa lugar dito. madami akong napapansing kakaiba sa akin nitong mga nakaraang araw, sa tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan ay tila nag iinit ang aking pakiramdam, para bang may gustong kumawala sa loob ko.
hindi ko matukoy kung ano ang nangyayari sa akin, gusto kong makahanap ng kasagutan sa mga nangyayari sa akin ngayon. maging sa panaginip ko ay binabagabag ako nito, i need to know kung ano man ang mga nangyayari.
Gustuhin ko mang sabihin kanila Bernadette ngunit mas minabuti kona munang huwag ipaalam sa kanila. hindi ako nakasisiguro kung ano ang intention nila sa akin dahil sila mismo ang tumanggay sa akin patungo sa lugar nila.
I don't easily trust people around me, ayan din kase ang bilin sa akin ni Mama Ericka nung na bubuhay pa ito. sinabi nito sa akin na huwag mag titiwala agad sa mga tao sa paligid ko, dahil hindi natin alam ang intensyon sa atin ng mga ito kahit mabuti naman ang pinapakita sa atin.
Tahimik dito sa loob, malinis at walang masiyadong tao ang naririto, puro matatanda lamang ang naandito, malamang ay ang isa sa mga matandang naandito ay ang librarian.
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at nag hanap ng librong mag uuganay sa gusto kong mahanap.
Mga nag tataasang lalagyanan ng mga libro ang naririto. mahahalata mong luma na nga ang lugar na ito dahil sa mga librong nasisira na pati narin ang lalagyanan ng mga ito.
Kaonti lang ang upuan dito, kasalukuyan na akong nasa pinaka dulong bahagi ng Library, ilang stall lang naman at mararating muna ang kadulo duluhan.
Kinuha ko ang isang librong pumukaw sa aking atensyon, kulay itim ito na may simbulo ng buwan.
"Moon University" basa ko sa naka sulat sa balat ng libro. pumunta ako sa isang lamesa kung saan malayo sa mga taong nag babasa rin.
Binuksan ko ang libro, mahahalatang pinaka iingatan ito dahil sa maganda parin ang tekstura ng mga pahina.
"Ayon sa mga naka saksi ng ganapin ang ikalawang digmaan sa lugar, isang bata ang isinilang, isang batang siyang magiging Susi sa lahat ng kaguluhan. ngunit ng mawaksi ang kasamaan, nag laho din ang batang ito, isang Prinsesa, Prinsesang inilayo upang hindi matuloy ang delubyo, ipinag palit ng lugar at pwesto, ngunit sa taong nasa handa ng gulang ang mga bata, magaganap ang ikatlong digmaan, dadanak ang dugo, pag mamahal ay iisantabi, kapangyarihan ang hangad----" napakunot ang aking noo dahil tila putol ang kasunod nito.
Ano kayang ibig sabihin ng katagang ito? hindi ko maintindihan, anong digmaan kaya iyon at kailan magaganap? Kunot noo kong binalingan muli ang aklat.
Isinara ko na ang libro at ibinalik kung saan ko ito kinuha, lumabas narin ako doon at nag tungo sa bahay nila Marcus.
"Marcus!" pag tawag ko dito ng makita ko itong nag sasanay muli sa labas ng kanilang tahanan.
"Chandrea! Bakit ka nandito?" tanong nito habang nag pupunas ng Pawis. Lumapit naman ako dito.
"Ahh! may itatanong lang sana ako, maaari ba?"
"Oo naman! ano ba ang iyong katanungan?"
Umupo ako sa kaniyang tabi. "ahh! nasaan ang mahal na Hari at Reyna?" bigla namang kumunot ang noo nito. "ahm... na sabi kase sa akin ni Bernadette na Sila daw ang nag mamay-ari ng Moon University".
"Nasa Kaharian nila syempre" at humagalpak ito ng tawa kaya binatukan ko siya "aray!! Tama naman sinabi ko ahh! at saka matagal na nung huli ko silang nakita" sabi nito.
"Eh ang anak nila?" tanong ko.
Bigla naman itong tumayo at tumalikod sa akin. "matagal ng patay ang mahal na Prinsesa, wag na nating pag usapan pa ito" pag kasabi nito ay iniwan na niya ako. teka anong patay na ang mahal na Prinsesa? ang sabi sa libro ay mag kakaroon ng digmaan kapag nasa wastong gulang na ang Prinsesa? ngunit ang isang batang kalaban ay hindi isinaad ng libro, lalaki ba ito o babae?
YOU ARE READING
Moon University
RandomWelcome to 'Moon University' Where the Imortal's lives. The Place where Chaos is all around. You can't live without Power and Strength. Where Love is the most Powerful of all