11
Day 1
PAGISING ko ng umaga agad akong dumeretso sa kusina. Inihain ko ang mga lulutuin ko at napansing wala nang pancake sa cabinet "Kier, mamalengke ka nga. Wala na na tayong pancakes dito" sigaw ko, habang nagsasangag ng kanin "Kier! Lumabas ka riyan sa kwarto mo! Wala nang pancake si Khria-"
"Hindi lalabas si Kier, kase ako ang kasama mo, Cia." natahimik ako sandali. Akala ko, panaginip lang. "S-sorry." sambit ko at ipinagpatuloy ang pagluluto, naramdaman kong lumapit siya sa likod ko, Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagluluto.
"Ganon ba talaga kahirap sayo? Akala ko ay ayos na tayo kagabi." sabi nito at umupo sa lamesa. "Sorry talaga, akala ko kase-a-akala ko panaginip lang. P-pasensya na Denver."
He chuckled "Ayos lang, pero sana h'wag mo naman ipamukha na ayaw mo talaga sa akin, Cia. Pinayagan na nga kita makausap siya kahit anong oras mong gusto. Sana naman hindi mo rin nalilimutan na ako yung nandito at wala si Kier sa tabi mo." i became speeches. What am I going to do? Hindi ko na alam.
I sighed at tinapos ang pagluluto ko, umalis si Denver sa lamesa at pumunta sa sala nanood ng balita.
"Hustisya ang hinaing ng ilang pamilyang namatayan sangkot sa mga grupong nag amok sa hospital ng Calamba, ayon sa mga saksi ang isa sa kanila ay may kinidnap pang isang inosenteng babae at umalis, naiwan ang ilang kalalakihan at sinimulan nang pagbabarilin ang mga inosenteng pasyente't mga doctor. Hanggang ngayon ay iniimbestigan pa ng mga pulis ang nasa likod ng pag aamok na ito. Tatlo sa kanila ang nahuli na at nag ngangalang, Joseph Brew, Martine Might, at Josh Clortz. Ang iba sa kanila ay kasalukuyang pinaghahanap pa't-" Inilipat ni Denver ang channel at natigil sa Nickelodeon. "Damn that! Susuko naman ako, bakit hindi sila makapag-intay? Fuck those-" natigil ito ng binato ko siya ng sandok.
"What the fuck?!-"
"If you want me to stay here, you shall do what I say." sambit ko, habang sapo sapo ang kanyang noo ay pinilit nitong makinig sa sasabihin ko. "May mga rules kang susundin!" tugon ko at itinutok sa kanya ang sandok. "Rule number 1! Bawal magmura-"
"What the-"
"What?" tanong ko at iniambang babatuhin siya ng sandok. "What the-Bakit kase hindi pwedeng magmura? Alam mo bang hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi nakakapagmura? Favorite expression ko ang tangina, fuck, damn at madami pang iba. Hindi ako 'to pag hindi moko pinagmura" mabilis na sagot niya at nagtago sa likod na sofa. "Basta hindi pwede!" singhal ko at binato pa rin ito ng sandok. Naglakad ako palayo sa kanya at hinanap ang tambo.
"Pag naman hindi ka pa nadala dito eh."
Naglakad ako papalapit sa kanya at ipinalo ang tambo sa mesa. "Pangalawang rule!" Tumayo sa pagkakatago si Denver at umupo sa sofa. "Hindi ka pwedeng magalit!-"
"Are you serious?" tanong niya na para bang hindi makapaniwala. Kita ko rin sa mukha niya na ayaw niya sa rules ko. "Tao rin ako at ang mas worse, hindi ko alam kung paano hindi magalit, anong ineexpect mo saken?" tumawa ito ng mahina "Kapag sinuntok ako ng kung sino ay dapat ko lang itong ngitian at pasalamatan kase sinuntok niya ako?" napapikit ako at napahawak sa sentido, pinalo kong muli ang tambo sa lamesa, tumigil ito sa pagtawa. Tumingin sa ako kanya ng masama. "Joke lang, sabi ko nga ay dapat hindi ako magagalit." bigla bawi nito at ngumiti. "Yan, nagkakaintindihan tayo." tugon ko "At pangatlong rule."
![](https://img.wattpad.com/cover/235372215-288-k332566.jpg)
BINABASA MO ANG
Back to me (AIWTG book 2)
Teen FictionHanda ka bang sumugal malaman lang ang totoo? Handa ka bang ibigay ang lahat para sa taong mahal mo? Handa ka bang gawin ang lahat kung ang kapalit ay masayang katapusan? Book 1: Accidentally inlove with the gangster. Make sure to read the book 1 fi...