5
NAGISING ako na wala na si Khria at Kier sa loob ng kwarto, nakabukas ang pinto kaya naman amoy na amoy ang bango ng niluluto ni Kier. Lumabas ako ng kwarto at agad bumungad sa akin si Khria na may kinakain na pancake at may hawak na gatas. Binati niya ako at hinalikan sa pisngi.
"I love you, mommy. Daddy is in the kitchen po."
"I love you too baby. Kain ka na then paliliguan na kita mamaya ha" she nodded. Lumakad ako papuntang kusina at nakitang nagluluto si Kier. Tinikman ko ang adobong niluluto ay, tumingin ito sa akin at para bang naghihintay ng sagot.
"Ano? tama lang lasa?" tumango ako at tumikim ulit ng isa pa. "Dami mong niluto, magpapafiesta ka?"
"Funny ka, Girl?" sambit niya at inirapan ako. "Common sense, dadalhin natin 'to para may pagkain tayo sa nuvali." Nanlaki ang mata ko, matagal tagal na rin noong huling gala namin. "Oh ang mata mo luluwa, bahala ka."
Tumikim ulit ako ng adobong niluluto niya. Napapalakpak ako dahil sa mangha sa kanya. "Ikaw na talaga Kier, ang sarap mong magluto." tumawa lang ito. "Husband material na ba?"
"Oo, husband material ka na grabe."
"Edi, pwede na ako sayo?" and by that tumahimik ako. He chuckled again at binato ako ng sandok. "Biro lang, magsandok ka na at kakain na rin tayo. Bilis bilisan mo, wag pakupad kupad." tinulak niya ako palabas ng kusina. Gaya ng sinabi nito ay nagsandok na rin ako, tinawag ko na rin si Khria upang kumain pero ayaw na raw niya dahil nabusog na ito sa pancakes.
Sinimangutan ko si Kier nang kaming dalawa nalang ang nasa mesa "Kase naman, agang aga pancake ang pinakain." bulong ko. "Aba, eh yun ang gusto ng bata. Anong magagawa ko?"
"Anong magagawa ko. Natural may magagawa ka! Sino bang mas matanda sa inyo ah—!" natigilan ako ng subuan ako ni Kier ng kanin sa bunganga. "Agang aga bunganga mo agad naririnig ko. Nakakarindi kaya." pagmamaktol niya.
Nginuya ko ang kanin na isinalampak niya sa bunganga ko at tumingin ng masama sa kanya. Nagpatay malisya lang siya na para bang walang ginawang masama!
Habang nginunguya nito ang pagkain niya ay gumawa ako ng orasyon sa aking isipan na talagang nakapag palabas ng aking masamang ngisi.
Mabulunan ka sana
Mabulunan ka sana
Mabulunan ka sana
Mabu—
hindi pa man ako tapos ay agad nabulunan si Kier, wala akong nagawa kundi ang tumawa lang ng sobrang lakas. Nanghihingi rin ito ng tubig pero bigo nang maibigay ko.
Matapos maabot ni Kier ang tubig ay nakainom na rin ito. "Parang tanga, Cia. Nabubulunan ako eh"
"Tama lang yan sayo! Ikaw nga nangsalaksak ng kanin eh. Mas masakit kaya yon!"
MATAPOS naming kumain ay agad kong inayusan si Khria. Nakasuot ito ng isang Blue denim floral print dress at naka braid and kanyang buhok, lalo tuloy bumagay ang suot niya sa kanya, bukod sa maputi at makinis si Khria ay mahaba rin ang buhok nito. Pinakita ko si Khria kay Kier, mangha mangha siya sa itsura ni Khria.
"Grabe, napakaganda naman niyang prinsesa namin na yan." sambit nito at nilapitan si Khria. "Ang ganda ganda ng baby na yan. Pakiss si daddy." yinakap ni Khria ang ama at hinalikan sa pisngi. Words can't express how Kier's reaction when Khria finally kissed his cheeks. Naalala ko pa noon, nagkalagnat si Khria, grabe nalang ang puyat niyang alagaan ang anak. Ayaw niyang ipahospital ito dahil gusto niya siya ang mag aalalag kay Khria.
BINABASA MO ANG
Back to me (AIWTG book 2)
Roman pour AdolescentsHanda ka bang sumugal malaman lang ang totoo? Handa ka bang ibigay ang lahat para sa taong mahal mo? Handa ka bang gawin ang lahat kung ang kapalit ay masayang katapusan? Book 1: Accidentally inlove with the gangster. Make sure to read the book 1 fi...