4
"Salamat sa paghatid." sambit ko at bumaba na sa kotse ni Denver. "Ano ka ba, wala 'yon. Kulang pa to sa itinulong mo sa akin noon." ngumiti lang ako bilang response sa pasasalamat niya. Halo halong kaba ang nararamdaman ko ngayon. Magsasalita pa sana ako nang lumabas si Kier sa bahay, lumapit ito sa amin.
"Kier" sambit ko, hindi ito tumingin sa akin bagkus ay binati nito si Denver. "Bro, dito ka rin pala nakatira?" tanong ni Denver, tumango si Kier bilang sagot niya. "Teka lang ha, tatapon ko lang tong basura."
"Hindi mo naman sinabi na sa iisang bubong pala kayo nakatira." bungad nito.
"Mommyyy! Yey! nakauwi ka na." sinalubong ko si Khria at binuhat ito. Napatahimik muli si Denver. "Mommy, why you took so long? We've been wait for you for a long time po kaya." Dahil sa sobrang makasarili ko ay hindi ko na naisip pang may nagiintay rin pala sa aking umuwi. "O-oh, tanda ko na. Siya y-yung batang kasama mo noong last visit mo diba?" tanong ni Denver, kinuha niya sa aking si Khria at binuhat. Sumimangot lang si Khria at nag crossarms ito. Tumawa lang si Denver sa inasal ng bata sa kanya.
"Chill kiddo, hindi ako bad guy." he said then he chuckled. "Akala ko ba, hindi kayo ni—"
"Yes, hindi naman kami. And Khria is our adopted child." singit ni Kier. Kinuha ko si Khria kay Denver, sinabihan ko itong pumasok na muna sa loob at sinunod din naman niya agad. "Oh." ang tanging nasambit lang ni Denver. "Totoo yun, pare." tumabi ako kay Kier at hinawakan ang braso nito. Tumingin sa gawi namin si Denver, speechless. "Sige na, papasok na rin ako. Magusap na muna kayong dalawa." saad ni Kier at akmang paalis na nang mahawakan ko ito sa kanyang t-shirt.
"Hindi mo ako aantayin?"
"No, why would I? You're not even mine." tila nabuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niya. Bakit? Alam ko namang may kasalanan ako, pero hindi naman niya ako tinuturing na ganito. Pumasok na sa loob si Kier at naiwan kaming dalawa sa labas ni Denver.
Tumikhim sandali si Denver para mawala ang katahimikan sa paligid. "Bakit naman hindi mo sinabi sa akin?" ani ni Denver. "Hindi naman dapat pag usapan ang ganoong mga bagay, Denver." sambit ko, "Sige na, salamat sa paghatid ha. Umuwi ka na at gabi na oh." pagpapatuloy ko pa.
"Sige, uuna na rin ako. Maraming salamat rin." Pumasok na si Denver sa kotse niya at iniistart na ang engine. Inantay ko na muna itong umalis bago pumasok sa bahay namin. Pagtapak ko pa lang sa harapan ng pinto ay nadama ko na ang katahimikan ng bahay. Although naglalaro si Khria at bukas ang t.v. Nahagip ng mata ko si Kier na nakaharap sa kanyang laptop at may hawak hawak na papeles. Lumapit ako sa kanya pero hindi naman niya ako pinansin.
"Kumain ka na?" tanong ko, tumango lang ito, tutok pa rin ang mata nito sa kanyang laptop at hindi manlang ako tiningnan maski na sulyap. "Ahh, ano yang ginagawa mo?"
"Naglalaptop at tinitignan ang papeles ng bahay." tipid nitong sagot. "G-galit ka ba?"
"No, I'm not." napabugtong hininga ako, hindi ako sanay. "No, you're not but you treating me like i did something wrong?!—"
"Yan! That's the problem with you, I know you knew that you did something wrong! Sino bang hindi magagalit?" tumigil ito sandali at isinara ang kanyang laptop. "We've been waiting you for almost 4 and half hours for Pete's sake! Hindi mo manlang naisip yung bata? Kahit sana yung bata nalang eh!" sigaw ni Kier, "Hindi mo manlang ba naisip? Cia, galing sa school yung bata! tapos ikaw kumekerengkeng ka jan sa boss mong walang maalala?—" Huli na ng makita kong lumapat na pala ang kamay ko sa pisngi ni Kier. Natigil ako at tila napipi. "Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan, Kier! Tandaan mo, hindi tayo, hindi kita asawa at lalong wala kang karapatang husgahan ako bigla!" biglang bumuhos ang luha ko, "I didn't expect na ikaw pa yung TAONG mang gaganito sa akin, Kier! You know how badly i want to see and talk to Denver, yet you judging me like you didn't know me?"
Napasabunot sa sariling buhok si Kier at itinapon ang papeles na hawak hawak nito kanina pa. "Puro ka Denver! Ang liit liit ng problema kanina tapos biglang umabot sa ganito? Palibhasa kase gusto mo ikaw yung laging iniintindi, wherein hindi manlang sumagi sa isip mo ang pangalan ko, where infact, hindi naman talaga ako mahalaga sayo." humikbi ako, totoo naman eh. Sa lahat ng taong pagkakasama namin ni Kier, wala na akong naging ibang bibig kundi sa Denver.
"Mommy, daddy" tawag sa amin ni Khria "W-why a-are you f-fighting po?" sambit nito at biglang umiyak. Umatungal ito at lumapit sa amin.
"P-please don't fight na po mama" yinakap ko si Khria, ganoon rin ang ginawa ni Kier sa akin. Hinalikan ako nito sa ulo "Sorry, I didn't mean to say those trashy words towards you. Nainis lang ako kase...Kase pinagantay mo kami ng ganoong katagal sa labas ng office niyo."
"Sorry din, I'm so sorry." sambit ko, humarap sa amin si Khria at yinakap kaming pareho ni Kier. "Bati na po kayo mommy at daddy ah. No more fights na po ha." Pareho kaming napatango ni Kier
"Mommy, Saturday na po bukas. Gala po natin yun, wag na po kayo mag aaway ah." sambit ni Khria at pareho kaming hinalikan sa pisngi ni Kier. "Yes baby, hindi na po." sagot ni Kier at hinalikan naman nito sa noo ang bata. "Yey!" humarap si Khria kay Kier at nagpuppy eyes ito. "Daddy, pwede pong sa kwarto mo po tayong lahat matulog?" nanlaki ang mata ni Kier sa request ni Khria. "S-sa kwarto ko?"
"Opo daddy! Please?"
"A-ah eh, s-sige." utal na sagot ni Kier, tumingin ito sa akin na para bang nag aabang ng sagot. "Oh? bakit ka tumingin sakin?" tanong ko.
"Sipon mo labas na oh." sambit nito, hinawakan ko ang ilong ko at tila ba namula ako na parang kamatis mang makapa ang malapot ng likodo sa aking ilong.
Tumawa ng malakas si Khria at pumalakpak pa "Mommy, may sipon ka nga po HAHAHAHAHAH" halakhak nito, inabutan ako ni Kier ng tissue "Kadiri ka naman, kung kelan tumanda tsaka nagkaganyan." saad nito.
SUMAPIT ang hating gabi at gising pa kaming dalawa ni Kier, kasalukuyang nasa balcony kami ng bahay nag uusap ng masinsinan.
"Sorry talaga, Cia." ulit nito at hinawakan ang kamay ko. "Wala yon, tsaka mali ko rin naman. Masyado akong nag enjoy sa paguusap namin ni Denver."
"Eh, anong pinagusapan niyo ni Denver kanina?"
"Tungkol sa nangyare sa kanya—ay teka, pwede bang maghire ng secret psychiatrist ang ganoong may issue sa memory?" usisa ko, napakamot sa ulo si Kier dahil sa tanong ko. "Secret or personal psychiatrist?" tanong nito
"Personal pala" agad kong sagot. "Hmmm, in that case, pwede naman" tumigil ito sandali "But, pwede yun kung may family issue sila. Like, kinakahiya nila yung sakit ng anak nila." sambit nito at nagelaborate pa.
"Grabe naman sa ikakahiya" sagot ko at naihampas ito sa braso. Umaray ito at hinimas himas ang braso niya
"Pero, Cia." natigilan ako nang maging awkward ang atmosphere. "Paano kung bumalik si Denver sayo?"
"Ha? hindi na yon no. Tsaka may girlfriend yun." sagot ko, hala, bakit naman ganito ang tanong ng taong to.
"May lalaki bang maghahatid ng ibang babae lalo't may girlfriend to?" hindi ako nakapagsalita. Speechless. "See? diba wala. So, paano? paano kung bumalik siya sayo?"
I sighed. "Hindi ko alam, Kier." ang tanging nasagot ko. "Tatanungin ulit kita sa mga susunod na araw" Tumayo ito at tumingin sa kawalan. "But, mark my word, Cia. Hindi ako ganoon kadaling sumuko."
___________

BINABASA MO ANG
Back to me (AIWTG book 2)
Genç KurguHanda ka bang sumugal malaman lang ang totoo? Handa ka bang ibigay ang lahat para sa taong mahal mo? Handa ka bang gawin ang lahat kung ang kapalit ay masayang katapusan? Book 1: Accidentally inlove with the gangster. Make sure to read the book 1 fi...