12

333 27 4
                                    

12

Day 2

Madaling araw na't hindi pa rin ako nakakatulog. Pinagmasdan ko ang disenyo ng kwarto ko, ang ganda. Nakakapayapa. Pero bakit hindi pa rin ako makatulog? Mula sa pagkakahiga ay umupo ako at naramdaman ang pagkalam ng sikmura ko.


Sinusumpong na naman ako ng gutom ko.

May adobo pa kayang natira sa niluto ni Manang?


Kasalukuyang naandito si Manang kasama namin, Sinabi ni Denver na kung pupwede ay dito na muna si Manang, gaya ko ay isang linggo lang din dito si Manang. Lumabas ako ng kwarto at naglakad papuntang kusina, habang busy sa paghahanap ng makakain ay nakarinig ako ng mga yapak mula sa likod ko. Hinarap ko iyon at halos pareho kaming atakihin ni Manang sa puso dahil sa gulat.


"Ikaw lang pala, Hija—Nagugutom ka ba?" tanong nito, ipagkakaila ko pa naman din sana nang biglang kumalam ulit ang tiyan ko. Tumawa at napailing si Manang "Sige na, hija. Umupo ka na doon at ako ang magluluto—"


"Hindi na po, ako na po ang magluluto. Kayo nalang po ang maupo sa sala, hahahian ko po kayo pagkatapos." sambit ko, matagal tagal rin bago ko pa man mapapayag si Manang.

Sinimulan ko na ang pagluluto, kinalabit ako ni Manang sa aking balikat at ngumiti. "Kaldereta ang lulutuin mo, Hija?" tanong nito. Tumango ako at humarap kay Manang. "Opo, matagal tagal na rin po kase noong huling luto ko po ng Kaldereta." sagot ko at nag gisa na ng bawang, sibuyas at bell pepper. "Bakit kung ipahayag mo sa akin ay pagkatagal tagal mo ng hindi nailuluto ang putaheng ito?"


Iniabot sa akin ni Manang ang manok at peanut butter "Ah kase po, paborito po itong ulam ng kuya ko." yumuko ako sandali at pinigilang hindi maiyak. "Sabi po niya noon ay dapat siya lang ang lulutuan ko po ng kaldereta.—"


"Oh, bakit nalungkot ka, Hija?" tanong niya at hinagod ang likod ko. "Kase po manang, matagal ko na pong hindi nakikita ang kuya ko. Kaya nasabi ko pong matagal tagal nang hindi ko po naluluto ang putaheng ito." sagot ko at nag simula nang timplahan ang ginigisa ko. 


Nang matapos akong magluto ay pareho kaming kumain ni Manang sa lamesa, naging masaya ang pagkain namin. Puno ng kwentuhan pati na rin ang love story ng asawa niyang si tatay Leonardo ay ikinuwento niya.


Pero isa lang ang hindi ko maintindihan. Wala bang anak si Manang?


Sumubo ako ng kanin at humarap kay Manang. "Eh matanong ko lang po nanay ah. Nasaan po ang mga anak ninyo? Base po sa kwento niyo ay masaya at mahal na mahal niyo po ang isa't isa ni Tatay Leonardo. Imposibleng hindi po kayo nagkaroon ng supling—"


Ngumiti si Manang ng mapait at napatingin sa kawalan. "Mayroon akong limang anak—limang masayahin, naggagandaha't nagpopogiang mga anak." tugon ni manang at tumingin sa akin. "Sobra sobra ang pagkakasundo nilang lima, ni hindi na nga mapaghiwalay ang 'yon." Tumawa si Manang ng mahina tapos ay uminom ng tubig. "Kapag nga may kaaway ang isa sa kanila ay aabangan nila 'yon sa labas ng bahay ng kaaway ng kapatid nila. Hindi nila tatantanan hanggat hindi nahingi ng tawad."


Busy ako sa pakikinig nang makitang pumatak ang luha ni Manang. "Eh nasaan po silang lahat manang?—"



"Iniwan nila ako sa kalsada. Hubad at gutom" naluha ako sa sinabi ni Manang, hindi ako makapaniwala. Paanong nagagawa ito ng mga anak niya sa kanya? "Pero bakit po? Imposibleng naging mahigpit po kayo sa kanila—"


Pinunasan ni Manang ang luha niya at ngumiti. "Hindi naman ako naghigpit. Baka nagkulang ako kaya ganoon. Kakulangan ng magulang kung bakit nagrerebelde ang mga anak nila. Yung akala ng magulang na sapat 'yong ginagawa niya pero para naman sa anak niya ay may malaki pa ring pagkukulang. Sa totoo lang, kasalanan ko ang lahat kung bakit nagkaganito ang pamilya ko." Sunod sunod na pumatak ang luha ni Manang pero minamanage niya pa ring ngumit at pinapakitang okay lang ang lahat.


Back to me (AIWTG book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon