26
NANG makarating kami sa bahay nila Sean ay agad kaming nagtungo sa opisina ng kuya nito.
"Oh? kayo pala, aba iba na 'to. Si Cia na ang nabisita sa akin at hindi na ako—"
"Anong ineexpect mo? Ako nga dadalaw sayo noong mga nakaraang taon habang tulog? Unexpected talaga 'yon." pamimilosopo ko at tuluyan nang pumasok sa loob ng kanyang opisina kasama si Sean. "Eh ano bang maipaglilingkod ko sayo, Ms. Cia?"
Umayos ako ng upo at humarap sa kanya. "About sa aksidente ko, Clyde—Clinton pala, punyeta. Ahmm yeah, about doon sa involved."
"Hmmm, anong sumapi sayo at naging interesado ka?" tanong niya at nagsimula nang maghanap. "Oh, here." saad niya at ibinigay sa akin ang mga papeles. Parang certificate record ito ng mga patients. Ibinalik ko iyon sa kanya dahil nahihilo ako sa amoy at sa sulat. "P-pwedeng pakisabi nalang sa akin? Ayoko ng amoy eh."
"Mabilis siyang mahilo sa ganyang matapang ang amoy kuya." rinig kong tugon ni Sean mula sa likuran ko. "Atsaka kuya, patient mo siya dati for almost 3 years kaya dapat ay alam mo ang mga bawal sa kanya...Gaya ng alikabok, may allergy siya don." agad umupo si Sean at may iniabot na panyo sa akin. "Gamitin mo muna ito, makakatanggal ng tapang ng amoy galing sa papel yan. Kukuha lang kita ng tubig ha." sambit nito at umalis na. "Grabe alagang alaga ka ng kapatid ko. Nainggit tuloy ako" pabirong tugon nito. "About the patients, Doctor."
"Oh, yeah. About the patients. To be honest, hindi kami pwede magbigay ng names or identity ng isang pasyente kahit na kanino. Not unless kung gusto ng pamilya, o pumanaw ang pasyente...But in your case, nasesence kong may gusto kang malaman."
Huminga ako ng malalim. "Yeah, possible bang makagawa ng panaginip ang isang pasyenteng nacoma?" agad tumango si Clinton sa tanong ko. Sobrang tumahimik ang paligid na sa sobrang tahimik ang tanging naririnig na lamang namin ay ang tunog ng wall clock nito. "Yes, it is possible..."tumigil ito sandali. "If... your brain functions well. Kung brain dead ka ay talaga imposible yon...Pero basically, ang brain nag nagsisilbing computer ng pagkatao natin, so habang natutulog, doon lamang nagrereboot ang utak natin." rinig naming pumasok si Sean sa loob ng kwarto. Inabutan ako nito ng tubig.
Lumapit si Sean sa kanyang kuya at iniabutan ito ng kape. "Thank you bro." sambit nito at inilagay sa lamesa. "So as i said, ang panaginip ay may dalawang uri. Una ay ang prophetic at ang isa ay predictive..."
"So ibigsabihin, possible talagang makagawa ng panaginip...But, what if yung mga nasa panaginip ko ay kasama sa incident, pwede bang mangyari ang isang 'yon?" umiling si Clinton at sumimsim ng kape na iniabot ni Sean. "Wala pa akong naeencounter na ganyan eh—" agad tumayo si Clinton, sinundan ko ito ng tingin at nakitang kumuha ito ng papel at ballpen. "Pwede mo bang sabihin sa akin kung sino ang mga natatandaan mo sa panaginip mo? Then sabihin mo rin sa akin ang natitirang alala mo sa kanila, ugali, at behavior"
Ipinikit ko ng ulit ang mata ko. Bukod kay Kier, Khria at Denver ay wala na akong maalala. "It's okay, hindi kita pinepreasure, alalahanin mo lang."
Nagsimulang mangilid ang mga luha ko. "A-ahmm. First is, K-kier Lance Park."
"Okay, Kier Lance Park. What's your relationship with this guy?" tanong nito ngunit hindi iniaalis ang tingin sa papel. "H-he's my husband, my friend, my everything."
"Ah-huh, eh ang kanyang ugali?"
Huminga ako ng malalim, ramdam kong hinawakan ni Sean ang kamay ko. "Breath in, breath out ka muna, Cia." sambit nito. Tumango ako bilang pagtugon. "Kaya mo yan."
![](https://img.wattpad.com/cover/235372215-288-k332566.jpg)
BINABASA MO ANG
Back to me (AIWTG book 2)
Fiksi RemajaHanda ka bang sumugal malaman lang ang totoo? Handa ka bang ibigay ang lahat para sa taong mahal mo? Handa ka bang gawin ang lahat kung ang kapalit ay masayang katapusan? Book 1: Accidentally inlove with the gangster. Make sure to read the book 1 fi...