HUGOT

330 5 0
                                    

"Class alam niyo naman yung hugot diba?"

Hugot? Madali lang to.

"Yes maam!"

"Ok ganito ah gusto kong gumawa kayong lahat ng hugot, kahit para saan pwede sa pagibig, pagkain, bagay o kahit sa magulang nasa sainyo kung anong gusto niyo ilagay niyo sa 1 whole sheet. Now start"

"Oyy seth? Tungkol saan sayo?"

"Sa taong mahal ko ikaw?"

M-mahal? May mahal na siyang iba? Ang sakit naman may nakauna na sa puso niya.

"Uyy michelle bakit parang nalungkot ka?"

"Ah wala, wala to seth ano tungkol to sa crush ko pero may mahal ng iba"

"Oh sino naman yun?"

"Seth! Michelle! Gumagawa ba kayo ng pinapagawa ko?"

"O-opo maam" sabay naming sagot

"Ok class gusto kong basahin niyo yang gawa niyo dito sa harapan, any volunteer?"

"Maam! Ako na una" saad ng kaklase kong si beatriz.

"Takot kang mawala ang taong mahal mo, eh ang kalikasan? Takot ka din bang mawala siya"

"Napakahusay beatriz, sino sunod?"

"Maam!" Tawag pansin sakanya ng aking kaklase na si mark.

"Oh mark cge ikaw naman"

"Dati ang PUSO ko ay MURA lang. Pero nung simula ng dumating ka NAGMAMAHAL na ito"

"Napakahusay naman sunod naman para matapos agad tayo"

"Maam dela fuenta ako naman po" si Seth na, ayan na masasaktan na ang aking pusong umiibig.

"isa kang hiling na di ko alam kung kailan mapapasakin mahirap mang umamin ngunit aking Michelle Rivas kahit sobrang hirap ako'y makikipagsapalaran para lamang sa iyo"

Hugot ba talaga yun? Parang di naman? Ang corny ah pero teka ano daw? Nabingi ba ko o sadyang narinig ko talaga ang pangalan k---

'Yieeeee'
'Michelle love seth'
'Ang sweet kahit parang hindi hugot'
"Michelle gusto kita"
'Waahhhh umamin siya kay michelle'
'Ang daming langgam!! Shoo shoo layo'

Ang ingay nila jusme.

"Ehem miss Rivas sabi ni mister mo Vergara mahal ka niya may sasabihin ka ba?"

Tumayo ako at tumabi sakanya habang hawak hawak ang gawa ko para sakanya, ang taong pinapangarap ko ay mahal ako pakiramdam ko nagblublush na ko ng sobra.

"Ehem ehem mr. Vergara, ang pagibig sinimulan ni adan at eva, sinalaysay ni florante't laura at ngayon shempre itutuloy nating dalawa" hingang malalim buga ng hangin, hanu daw? "And yes mr. Vergara mahal din kita"

'Owemjiii'
'Kakilig'
'May goshhhh'
'Can't breath damn'

At dun nagsimula ang aming relasyon pero shempre walang forever kaya ayun ang ending break na kami, 3 yrs na pagsasama namin sa hiwalay lang pala hahantong.

~END~

One Shot's Story CompilationWhere stories live. Discover now