"Palpak! Palpak! puro palpak naman itong mga article na ito hindi lang iyon puro pa common ang mga paksa mo," saad ng aking boss habang tinitignan ang mga ginawa kong article.
"Wala ka man lang ginawang maganda, lagi ka na lang gumagawa ng palpak na article hindi na ako magdadalawang isip na tanggalin ka sa trabaho!" galit na turan nito sa akin. At ibinato ang aking usb.
"P-pasensya n-na po h-huwag niyo po a-akong t-tanggalin kailangan ko po ng t-trabaho," pautal utal kong sambit.
"Bibigyan kita ng huling pagkaka-taon kapag palpak pa ang mga ito mag hanap ka na ng bagong kumpanya na papasukan mo," Napayuko lamang ako sa sinambit nito. "Makaka alis ka na," dagdag pa nito.
Agad akong lumabas sa kanyang office at nag tungo sa canteen, bumili ako ng kape at naupo sa isa sa mga upuan nila doon. Maya maya pa ay nakita ko ang aking mga katrabaho na nagbubulungan.
"Alam mo ba napagalitan na naman si Clyde kanina," ani ni Pia.
"Lagi naman siyang napapagalitan kaya wala nang bago dun, papaano ba naman kasi hindi siya papagalitan ng boss natin kung ang mga ginagawa niyang article ay yung mga common na," ani naman ni Red.
Hindi ko mawari kung nagbubulungan ba talaga ang mga ito o sinasadya pang iparinig sa akin ang mga pinagsasabi nila. Umalis na lamang ako sa loob ng canteen at umuwi.
Kakahiga ko pa lamang sa aking silid tulugan ng tumawag sa akin ang aking kaibigan agad ko ito sinagot at kinausap.
"Oh pareng Harry napatawag ka?" bungad kong tanong dito.
"Meron kasi akong lupa sa Marinduque baka interesado ka," saad nito.
"Probinsya iyon hindi ba?" tanong kong muli.
"Oo, kailangan na kailangan kasi namin ng pera dahil malapit ng manganak si misis kaya naisipan namin na ibenta yung lupa doon," paliwanag nito sa akin.
"Ako ba ninong ng anak mong niyan?" natatawa kong tanong dito.
"Sus ikaw pa shempre kumpare kita," saad nito.
"Isend mo sa akin ang address pare titignan ko at para makapag bakasyon din stress masyado sa trabaho,"
"Sige sige, kapag ikaw nagtungo doon andun naman ang nanay ko para asikasuhin ka, maraming salamat." turan nito.
Pagkatapos ng aming paguusap ay agad nga nitong sinend ang address ng lugar na tinutukoy nito. Sinubukan ko itong isearch sa laptop ko at inalam kung papano makapunta doon.
"Una sasakay muna ako ng jeep papunta sa sm Fairview, sunod ay sasakay ako ng bus papuntang Baclaran," pagkausap ko sa aking sarili.
'Tama ba kaya ito?' tanong ko sa aking sarili.
Nag search ako ng nag search para sa mga dapat kong sakyan papunta sa Marinduque at kung ano anong mga tungkol sa probinsya na iyon. Ayon dito sa isa sa aking nabasa ang Marinduque ay ang tinaguriang Heart of the Philippines.
Tuwang tuwa ako sa aking mga nabasa tungkol dito kaya't hindi ko na napansin ang oras. Inayos ko muna ang aking mga damit at gamit na aking dadalhin. Nang matapos ako ay tinignan ko muna ang oras sa aking relo.
"2:21 AM na pala," bulong ko.
Agad akong natulog at gumising ng alasais ng umaga. Pagka-gising ay agad na akong nag asikaso ng sarili at nang matapos ay bumiyahe na ako patungo doon.
Pagka-rating ko sa lugar ay agad kong tinawagan ang kumpare ko. "Hello? pare?" tawag ko sa kabilang linya.
"Napatawag ka?" tanong nito.
YOU ARE READING
One Shot's Story Compilation
Short StoryA One Shot's Story, every chapter have a new story. The language that I used in My story is Tagalog, English and Taglish. This is a Half True Story and Half Fantasy. My Story That I Write and posted in My Facebook Account Now I Will Publish It. Pl...