Dahilan

55 3 0
                                    

"ANG DAMING KABATAAN ANG NAGPAPAKAMATAY NGAYON" saad ng aking ina.

Kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian habang nanonood ng balita, ipinalabas dito ang isang babaeng ang edad ay kinse na nagpakamatay.

Kumuha ako ng maiinom ng muling magsalita ang aking ina "Sinasayang lamang nila ang mga buhay nila, hindi na lang sila magpasalamat sa kung anong meron sila"

Tinitigan ko lamang siya habang ako'y umiinom ng tubig nang bigla itong magtanong sa akin.

"Bakit ba sila nagpapakamatay?" buntong hininga lamang ang naisagot ko.

"Sagutin mo ako" saad nito.

"Depression, nagpapakamatay sila dahil dun" sagot ko dito.

Tinitigan lamang ako nito tila'y binabasa kung ano ang aking iniisip muli itong nag salita.

"Kaya lang naman sila na dedepress hindi kasi nila kayang ayusin ang problema nila, napaka simple lang ng problema sila lang din ang gumagawa upang lumala ito" mahaba nitong litanya.

"Sayo na nga mismo nang galing ma, hindi nila kayang ihandle ang problema nila dahil walang tumutulong sakanila, sa dami ng problema na meron sila hindi na nila alam ang dapat unahin"

"Ano ba pangunahing dahilan bakit sila nagkakaganun?" tanong nito.

"Unang una magulang broken family o di kaya strict yung parents dahil sa kanila kaya nagkakaganun ang mga kabataan ngayon high expectations, ewan ko ba sa ibang magulang hindi na lamang nila tanggapin na hanggang dun lang ang kaya ng kanilang anak" Sagot ko na mababatid mo dito ang pagkainis.

"Pangalawa sa school puro projects, assignments etc. naiintindihan ko naman na responsibilidad namin yun ang sakin lang ang iba kasing mga guro walang puso at kung makapag bigay ng project sandamakmak, puro din sila print o pa xerox buti sana kung mayaman yung mga studyante" tinititigan lamang ako nito habang nagsasalita.

"Pangatlo kaibigan, papano naging problema yan? Kasi hindi lahat ng kaibigan mo totoo yung iba kaya ka lang naman nila kinaibigan dahil may kailangan, imbis na tulungan ka nila pa angat sila pa ang hihila sayo pababa para sila ang maka angat"

"Huling dahilan yang relasyon, halos lahat ng kabataan ngayon ay puro relasyon na inaatupag, kaya to kasama sa mga dahilan kaya sila nagkaka depression kasi karamihan sa mga nandito puro manloloko mapababae man o lalaki, tanging hangad lamang ng pumapasok dito ay isang tunay na pagmamahal na hindi maipadama ng magulang, kamaganak lalo na ng kaibigan" Mahabang litanya ko dito.

Matapos sabihin ang mga ito ay pinagmasdan ko lamang ang reaksyon nito, sinusubukang basahin ang nilalaman ng kanyang isip dahil natahimik ito at hindi na nakasagot.

"Meron pang iba hindi lamang yan ang mga dahilan, kaya yan lang ang aking sinabi dahil yan ang mga napansin ko sa pag oobserva ko sa mga tao sa paligid ko" pahabol ko dito at isinubo na ang natitirang pagkain.

END

One Shot's Story CompilationWhere stories live. Discover now