Mahimbing ang aking pagkakatulog ng bigla akong mapabalikwas dahil sa ingay na nangyayari sa labas ng aming silid tulugan.
"Lintek ka buksan mo yang selpon mo!" galit na utos ng aking ina sa aking ama.
Nagtungo ako sa pintuan ng aming silid tulugan at mula doon ay tanaw ko ang kanilang ginagawa. Ang aking ina ay may hawak hawak na martilyo at pilit pinapabuksan ang tatlong selpon ng aking ama.
Kahit ako nagtataka dahil ang alam ko isa lamang ang kanyang selpon kaya't nakakagulat na tatlo pala ang selpon nito.
"Bubuksan mo iyan o babasagin ko yan?!" sigaw muli ng aking ina.
Pilit naman kinukuha ng aking ama ang martilyo na hawak ng aking ina na umiiwas naman sakanya.
"Nay? Tay? Anong nangyayari?" tanong ko sakanila.
Sabay silang lumingon sa akin, ang aking ina ay agad kinuha ang mga selpon at itinago sa kung saan hindi makikita ng aking ama at dumiretsyo ito sa akin.
"Matulog ka na muna doon naguusap lamang kami ng iyong ama," paliwanag nito.
Sinunod ko ang turan ng aking ina ngunit kahit anong pilit ko hindi ako makatulog, maya maya pa ay narinig ko na naman muli ang kanilang sigawan.
"Kung hindi pa kita pupuntahan na g*go ka sa pinagiinuman niyo hindi ko pa malalaman na may babae ka!" saad ng aking ina.
Nang marinig ko iyon tila gumuho ang aking mundo isa lamang akong musmos na bata apat na taong gulang pa lamang at akin iyon narinig. Kahit na ganito pa lamang ako ka-bata ay alam ko ang kanilang tinutukoy.
Sumilip akong muli sa pintuan at tinignan ang kanilang ginagawa. Ang aking ina ay umiiyak na habang may hawak na isang itak at gusto ipang taga sa aking ama, pero mahahalata mo naman dito na tinatakot lamang niya ito at hindi niya gusto na patamaan ang ama ko.
Tumakbo ako sa aming kama at nagtaklob ng kumot umiiyak na lamang dahil wala akong magawa, hindi ko alam ang dapat gawin. Nakikinig lamang ako sa kanilang sigawan ng biglang pumasok sa aming silid tulugan ang aking ina.
"Anak gumising ka riyan tulungan mo akong ayusin ang ating kagamitan," saad nito.
Sumunod ako rito at pagkalabas ng aming silid tulugan ay nagpalinga linga ako hinahanap ang aking ama ngunit hindi ko ito makita.
"Tupiin mo ang mga damit na ito," utos nito sa akin.
Habang ako'y nag tutupi ng damit ang aking ina naman ang naglalagay nito sa isang malaking bag.
"Lumabas ka nga tanungin mo ang ama mo kung hahayaan lamang niya ba tayong umalis,"
"Nasaan po ba si itay?" tanong ko dito.
"Nasa labas andun nakaupo sa duyan,"
Nagtungo ako roon at tinanong nga ang aking ina ngunit hindi ko maiwasan na masaktan dahil imbis na sagutin ang aking katanungan ay ako pa ang kanyang tinanong.
"Kanino ka sasama? sa akin o sa iyong ina?" sambit nito.
Masakit pumili dahil pareho silang mahalaga sa akin pero mas pinili ko ang aking ina sa kadahilanan na takot ako sa aking ama.
"Lumayas na kayong dalawa dito sa pamamahay ko ayoko nang makita pa kayo," saad nito na mas lalong ikinadurog ko.
Hindi ko na napigilan na maiyak, nagtatakbo ako patungo sa aking ina at sinabi dito lahat ng nangyari. Sa galit ng aking ina ay pinuntahan niya ang aking ama doon muli silang nagtalong dalawa.
Maya't maya ay bumalik na ang aking ina akala ko'y maayos na ang lahat ngunit akala lamang pala talaga.
"Halika na umalis na tayo!" sambit ng aking ina at kinuha ang mga gamit naming dalawa.
Bago kami tuluyan lumabas ng bahay ay tumingin muna ako sa aking ama na nakahiga na sa duyan. Hindi man lang to nag aksaya ng oras para tignan kaming dalawa o di kaya para pigilan man lang.
Nang makalabas na kami ng aking ina ay akin itong tinawag. "Inay? Saan tayo pupunta ngayon?" tanong ko rito.
"Sa tito mo muna tayo," sagot nito.
"Paano si tatay? Sino ang kanyang kasama sa bahay? Mag isa lamang siya doon inay?" sunod sunod kong tanong.
Hindi ito sumagot tinitigan ko ito at nakita kong may tumulong luha sa mga mata nito. Naglakad kaming dalawa patungo sa bahay ng aking tiyuhin. Pag karating doon ay nagulat sila ng kanyang asawa na makita kaming dalawa ng aking ina na may dala dalang gamit.
Pinapasok nila kami, pinakain at agad ako pinahiga sa bakanteng silid tulugan. Ako'y nagtulog tulugan lamang kaya't rinig ko ang kanilang pinaguusapan. Ang aking ina ay humahagulgol ramdam mo dito na sobra itong nasasaktan.
"H-hiwalay n-na k-kami n-ni n-ninoy," sambit ng aking ina.
Hindi pa ito nakakapag paliwanag pero grabe na ang iyak nito, nauuna pa ang kanyang mga luha bago siya makapag paliwanag. Masakit marinig na ganun ang aking ina.
"Inom ka na muna ng tubig ate," saad ng aking tiyuhin.
"N-nahuli ko i-ito n-nakikipag inuman k-katabi n-niya y-yung b-babae niya n-naka akbay p-pa ito sa b-babae," pautal utal na paliwanag ng aking ina dahil hindi ito makahinga ng maayos.
"T-tatlo a-ang selpon n-ni ninoy d-dun s-sa d-dalawa n-niyang s-selpon yun a-ang k-kanyang ginagamit p-para s-sa b-babae n-niya,"
Akala ko yun na ang lahat, akala ko wala ng mas sasakit pa sa kwento ng aking ina pero akala lang akala lang pala.
"B-buntis yung b-babae s-siya a-ang a-ma." pag ka rinig ko nito tila sinaksak ang puso ko ng kutsilyo dahil sa sobrang sakit.
'Ano pa ba ang aking dapat malalaman?' tanong ko sa aking isipan.
Kinabukasan nagulat ako dahil pinagbibihis ako ng aking ina, akala ko'y uuwi na kami ngunit sa baranggay kami nagtungo at doon nakita ko ang aking ama kasama ang lola ko.
Pumasok silang lahat sa isang bulwagan at may isang pulis doon at mga kawani ng baranggay. Hindi ako pinayagan na makapasok sa loob kaya't nasa labas lamang ako kasama ang aking tiyahin. Maya maya pa ay lumabas sa loob ang isang miyembro ng baranggay at lumapit sa akin.
"Ineng?" tanong nito.
"Bakit po?" tanong ko din pabalik.
"Kanino mo gusto sumama sa iyong ina o sa iyong ama?" hindi ko alam pero bakit pa kailangan mamili.
"Sa aking ina po," saad ko.
Bumalik ito sa loob at lumabas doon ang aking ama kinausap ako nito.
"Anak ayaw mo ba kay tatay?" tanong nito na ikinadurog ko.
Hindi ako nakasagot dahil hindi ko malaman ang tama at dapat na isagot.
"Magiingat ka lagi ha dalawin mo minsan si tatay sa bahay mag isa lamang ako doon, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni tatay hindi magbabago yun," saad nito sabay halik sa aking noo.
Pumasok na ito sa loob at muli silang natagalan wala akong ka-alam alam sakanilang pinaguusapan kaya't puro ako tanong sa aking tiyahin kung ano ba talagang nangyayari sa loob ngunit kibit balikat lamang ang sagot nito.
Biglang bumukas ang pintuan, doon lumabas silang lahat. Lumapit ang aking ina sa akin ganun din ang aking ama hinawakan nila ako sa mag kabilang kamay. Nakahawak sa kaliwa kong kamay ang aking ina sa kanan naman ang aking ama.
At doon naghiwalay ng daan kung pano nila ako hinawakan ay yun din ang daan na tinahak nilang dalawa. Ako kasama ang aking habang ang ama ko na mag isa.
END
YOU ARE READING
One Shot's Story Compilation
Short StoryA One Shot's Story, every chapter have a new story. The language that I used in My story is Tagalog, English and Taglish. This is a Half True Story and Half Fantasy. My Story That I Write and posted in My Facebook Account Now I Will Publish It. Pl...