"KEN NABALITAAN MO NA BA?" tanong saakin ni dave kaibigan ko.
"Ang alin? Ito nagiging chismoso ka na this past few days HAHAHA" biro ko dito sabay hampas ng mahina sa balikat at tumawa.
Ngunit napahinto din ng makitang seryoso ang mukha nito at tila malungkot.
"ehem ehem" nagkunyaring umubo at nag seryoso na din "Ano ba ang nabalitaan mo?" tanong ko.
"Si hans p-patay n-na" maluha luhang sambit nito.
"Wag ka ngang magbiro ng ganyan" pasinghal kong sagot dito.
Tila nanigas ang aking katawan sa sunod niyang sinabi sa kadahilanang akala ko'y nagbibiro lamang siya.
"Nakita siya sa isang abandonadong bahay putol putol ang kanyang katawan para bang chinopchop ito katulad ng ginagawa sa baboy"
At dahil sa aking narinig bigla akong napadaing sa sakit ng ulo napahawak ako dito ngunit hindi ko pinahalata nagkunwari lamang akong nagkakamot ng ulo.
"Sinong walang hiya ang gumawa nun sakanya?! Nasan siya?! Gusto ko siyang makita samahan mo naman ako sakanya" mahabang litanya ko dito.
"naicremate na ang kanyang mga labi hindi kinaya ng pamilya niya na makitang lasog lasog ang katawan ni Hans"
Wala akong nagawa kundi ang maupo na lamang sa upuan nandito kami ngayon sa sala ng aming bahay, napagdesisyunan naming magtungo kung saan nakaburol si Hans nag bigay na din kami ng kaunting tulong sa pamilya nito.
Kinabukasan ginising ako ng aking kapatid na si Ann, iyak lamang ito ng iyak ng magising ako.
"Bunso anong problema? Bakit ka umiiyak? May umaway ba sayo?" sunod sunod kong pagtatanong dito.
"K-kuya d-diba p-patay na si k-kuya h-hans?" tanong nito pabalik saakin na pautal utal.
"Oo ano meron? Naiiyak ka ba dahil wala na siya halika dito sa tabi ko dalawa na lamang tayong magkadamay" saad ko at hinimas himas ang likod nito para matigil na sa pagiyak.
"H-hindi kasi k-kuya si kuya d-dave kasi p-patay n-na d-din" sambit nito na nakapagpahinto sa aking ginagawa.
"A-ano? Kelan pa samantalang magkasama lang kami kahapon" tanong ko na may halong pagtataka.
"N-nakita nila ang b-bangkay n-ni kuya d-dave dun sa b-bahay kung s-saan nakita si k-kuya h-hans"
Bigla na naman akong nakaramdam ng kirot sa ulo ng sabihin niya iyon.
'kahapon ko pa ito nararamdaman ano bang meron bakit parang may kakaibang nangyayari?' tanong ko sa isipan ko.
"Halika magtungo tayo kay kuya dave mo"
Katulad ng ginawa ko kahapon nung kasama pa si dave ay nagbigay din ako ng kaunting tulong sa pamilya ni dave.
Walang ibang ginawa si Ann kundi ang umiyak ng umiyak lamang hindi na halos kumain at nakatulog na lamang siya sa sofa dahil sa pagod kakaiyak.
*knock knock*
"Luke pare buksan mo to si Kael to!" sigaw nito na nakaagaw pansin saakin.
Pinapasok ko ito sa aming bahay puno ng pagtataka dahil napaka layo ng bahay nito sa aming tirahan o marahil dumalaw ito sa dalawa kaya nagtungo na din dito.
"Nagpunta ka sa burol nila? Saktong sakto naparito ka pupuntahan na sana kita bukas" saad ko dito habang nakangiti isang ngiti nakakaiba at nakakatakot.
"Ahh oo kagagaling ko nga lang doon bilis ng pangyayare pare" pag sisimula nito ng kwento at tila pinipigilan nito ang mga luhang nagbabadyang pumatak.
Kumuha ako ng dalawang alak tig isa kami at pinainom sakanya, nang makitang wala na itong kalaban laban sinimulan ko na ang dapat gawin.
"Luke masaya ka ba dyan sa ginagawa mo?" tanong ng kamukha kong lalaki na nasa salamin.
Alam kong hindi ako iyan kamukha ko lamang ngunit ibang iba ako sakanya.
"Anong pinagsasabi mo? Ikaw ang may gawa ng lahat ng to!" pagalit at mahinang pagsigaw ang ginawad ko dito.
"Luke naman wag mong kalimutan na ako ikaw at ikaw ay ako"
"K-kuya" isang mahinang pagtawag ang nakaagaw pansin sakin na nagbigay takot at matinding kaba "s-sino ang iyong k-kausap?" dagdag pa nito.
Hindi ako nakasagot dahil naunahan ako ng takot na dahilan upang maibalik ako sa tamang pagiisip.
"K-kuya diba si kuya k-kael y-yan? B-bakit t-teka ikaw a-ang p-pumatay sakanila?" sunod sunod nitong tanong saakin.
Agad akong napatingin sa hawak hawak kong itak at ang ulo ni kael na nakahiwalay na sa katawan nito.
"a-anong dahilan mo k-kuya a-akala ko ba ayos n-na?" tanong nitong muli.
"Isa ka lamang bata pitong taong gulang hindi mo pa alam ang mga bagay na ito pag pasensyahan mo na kapatid ko dahil ang hustisya dito sa pilipinas ay tila walang katotohanan kaya ako na lamang ang gumawa"
Isinilid ko na ang putol putol na bangkay ni kael sa sako at ng masigurong ayos na ay itinuloy ko na ang pagpapaliwanag sa kapatid ko.
"Alam kong isang kasalanan ang aking nagawa ngunit hindi ko mapapatawad ang mga taong bumaboy at pumatay sa ating ina tapos binugbog at pinatay pa nila ang ama natin sa harap ni ina samantalang ikaw sa edad mong limang taon pinagsamantalahan ka nila"
Binuhat ko na ang sako at inilagay sa likod ng sasakyan ko bumalik ako sa loob ng bahay upang magpaalam na aalis lamang saglit.
"Sa ngayon hindi mo pa naaalala ang nangyari dahil nabagok ang iyong ulo dahil sa kagagawan nila, aalis na muna ako babalik ako din agad ako" mahabang litanya ko.
Nang makasakay na ako agad kong pinaandar ang makina at nagtungo sa abandonadong bahay.
Bago ako bumaba pinagmasdan ko muna ang bahay na iyon at inalala ang masasayang panahon na kasama ang pamilya.
Bumaba din ako agad at inilagay ko ang sako sa loob ng bahay ang bahay kung saan kami dati nakatira ang bahay na puno ng saya at kung saan hinalay at pinatay ang aking ina at ama kasama ang aking kapatid na pinalad mabuhay.
End
YOU ARE READING
One Shot's Story Compilation
Short StoryA One Shot's Story, every chapter have a new story. The language that I used in My story is Tagalog, English and Taglish. This is a Half True Story and Half Fantasy. My Story That I Write and posted in My Facebook Account Now I Will Publish It. Pl...