"Pare kilala mo ba yang babaeng yan?" tanong sa akin ng kaibigan ko.
Tinuro niya ang babae na di kalayuan naman, nakaupo ito at kinakausap ang sarili.
"Hindi pero lagi ko yang nakikita dito palakad lakad kinakausap ang sarili," Saad ko.
"Ano yun nabaliw?" tanong nito muli.
"Ikwento ko na lang para hindi ka tanong ng tanong," naupo ako sa isa sa mga dampa dito. "Mabait daw iyan lalo na noon nung hindi pa siya ganyan," tinitigan ko ng mabuti ang babae.
"Tapos? huwag kang pahinto hinto ako'y nabibitin," saad nito sabay tawa.
"Ganito na nga, siya si Eliza nagkaron ito ng kasintahan mahal na mahal nila ang isa't isa ika nga nila ngunit ang kasintahan nito ay may masamang ugali at balak hindi alam ni Eliza na pinagpustahan lamang siya na kung makakaisa itong lalaki kay Eliza ay mananalo ito sa pustahan kung hindi naman ay matatalo ito." huminga ako ng malalim bago ipagpatuloy ang kwento. "At dahil mahal na mahal ni Eliza yung lalaki ay may nangyari sa kanila at nagkaron ito ng bunga, nanalo sa pustahan ang lalaki iniwan niya si Eliza hindi kinaya niya ito kinaya lalo na makalipas ang ilang linggo nalaman nito na nagkaron ng bunga ang kanilang ginawa." nahiga ako sa dampa at ginawang unan ang aking braso.
"Nang panahong iyon wasak na wasak si Eliza hindi siya kumakain, hindi lumalabas ng kwarto laging nagmumukmok, hindi nakikipagusap. Ilang beses din itong nahuli ng kanyang magulang na sinasaktan nito ang sarili at ang mas malala sinubukan nito na mag bigti, dahil dun naapektuhan ang pinagbubuntis nito. Mas lumala pa ito nung ang anak nito ay nawala naipanganak niya ito pero nawala lamang talaga ang anak nito ibinenta at ang perang nakuha ay sinubukan ipambili ng gamot sakanya." mahabang salaysay ko dito.
"Grabe naman pala yung nangyari sakanya, may pamilya pala siya pero bakit lagi siya nasa lansangan ngayon?" tanong nito.
"Oo nga't nabaliw siya pero sa tingin ko ay matino pa ito kunting gamutan lang ay babalik na ito sa dati, ang magulang nito ay namatay na at wala itong kapatid solong anak lamang," paliwanag ko.
"Satingin mo ano na kaya ang nangyari sa lalaki?" tumingin ito sa akin at kita sa kanyang mga mata na naaawa ito sa babae.
"Kahit ako ay wala din alam sa nangyari sa lalaking iyon," saad ko.
"Inaabisuhan po ang lahat ng mamamayan na asikasuhin na ang mga importanteng kagamitan at magsi likas na sa kadahilanang ang bulkang Taal ay nagbabadya ng sumabog," sabay kaming napalingon sa lalaking opisyal.
Agad kaming kumilos at umuwi sa aming tirahan upang makapag ayos ng kagamitan. Sa hindi inaasahan biglang pumutok ang bulkang Taal. Ang mga tao ay nagkakagulo ang iba ay naguunahan sa paglikas ang iba naman ay nagdadasal. Halos lahat ay natataranta ngunit nahagip ng aking paningin ang babae nabubunggo at naaapapakan na ito ng mga tao wala silang pake alam kung may masaktan ba sila o wala ang mahalaga ay makaligtas.
Nagtungo ako kung nasaan man ito at agad tinulungan. "Halika lumikas na tayo," saad ko dito.
"S-sino ka?" tanging na sambit niya.
Hindi ko na sagot ang kanyang tanong ng makita ko ang kumukulong putik o lava na padausdos na pababa at malapit na sa kung na saan kaming dalawa. Hinila ko ito ngunit ayaw nitong maglakad, nanginginig ito sa takot kaya't binuhat ko na lamang. Dahil sa pag mamadali ay hindi ko napansin ang isang bato sa aking dinaraanan kaya't nadapa natapilok ako dito. hindi ko naibalanse ang aking katawan kung kaya't pareho kaming tumalsik.
Tumayo ako at lumapit dito agad. "Ayos ka lang ba? Pasensya ka na hindi ako nagingat," saad ko.
Binuhat ko itong muli at nagsimulang tumakbo. Habang tumatakbo bigla itong nag salita. "Bakit mo ako tinulungan?" tanong nito.
Tinitigan ko lamang ito at nagpatuloy lamang sa pagtakbo, nagtutulakan ang ibang tao kaya umiiwas ako sa mga ito ngunit may isang ale ang umapak sa aking tsinelas kaya't nadapa kaming muli. Sa hindi inaasahan may isang malaking bato ang gumugulong pababa sa direksyon ni Eliza tinulak ko ito ng bahagya upang hindi siya matamaan ngunit ako naman ang nadaganan nito.
Sinubukan nitong itulak o gawan ng paraan ang bato na naka dagan sa akin ngunit hindi niya kaya dahil sa bigat. "Tulong! Tulungan niyo kame!" Sigaw nito ngunit kahit isa wala man lang ang tumulong.
"Tumakbo ka na iligtas mo ang iyong sarili!" sigaw ko dito.
"Ngunit paano ka?" tanong nito sa akin.
"Iligtas mo na lamang ang sarili mo bilisan mo," saad ko.
Tumingin ako sa direksyon kung na saan na ang kumukulong putik at ibinalik ang tingin kay Eliza. "Mangako ka na kapag nakaligtas ka ay magpapagamot ka at kapag nasa maayos ka ng kalagayan ay hanapin mo ang aking pamangkin, nakikiusap ako sayo Eliza iligtas mo na ang iyong sarili malapit na rito ang kumukulong putik." saad ko dito.
"N-nangangako ako maraming salamat," huling sambit nito at agad tumakbo.
Makalipas ang limang minuto naramdaman ko na ang kumukulong putik unti unti ako nitong nilulusaw kasabay nito ang pag sigaw ko dahil sa sakit.
END
YOU ARE READING
One Shot's Story Compilation
Storie breviA One Shot's Story, every chapter have a new story. The language that I used in My story is Tagalog, English and Taglish. This is a Half True Story and Half Fantasy. My Story That I Write and posted in My Facebook Account Now I Will Publish It. Pl...