I have a classmate she's name was Abby, lagi ko siyang napapansin na mag isa but this day kakaiba.
Napapansin ko siyang may isinusulat sa papel at ibabato niya ito sa aking guro at pag ito'y pinansin tahimik lamang ito pero hindi tinitignan ng guro namin ang nakalagay dun sa papel basta na lamang niya itong itatapon sa basurahan.
Tuwing uwian lumalapit ako sa basurahan upang pulutin ang papel at tignan ito dahil na cucurious ako ngunit hindi ko maintindihan ang nakasulat.
Sa unang sulat ito ang nakalagay
> ᜑᜒᜎ᜔ᜉ᜔ ᜋᜒ <
Sa pangalawang sulat ito naman ang nakalagay
> ᜊ̊ᜈᜊᜊᜓᜌ᜔ ᜀᜃᜓ ᜅ᜔ ᜃ̥ᜌ ᜃᜓ ᜆ̥ᜎ̥ᜅᜈ᜔ ᜋᜓ ᜀᜃᜓ <Inuwi ko ito sa bahay at pinagaralan ngunit hirap na hirap ako inisip ko na baka isa itong code at kailangan idecode kinakabahan ako dahil feeling ko importante ang sulat na to.
Sa araw araw ganun ang nangyayari sa room she always scolded by our adviser at araw araw ko din kinukuha ang sulat at paulit ulit lang ang nakalagay hanggang sa isang araw hindi ito pumasok.
"Goodmorning class i have a bad news for all of you, Miss Abby Fritz is now dead" mahabang litanya ng aming guro.
Nakakabigla ang pangyayaring ito ngunit mas lalo akong nabigla nang magturo ang aming guro dahil ang topic na iyon ang siyang kasagutan sa aking tanong.
"Alam niyo ba ang baybayin?" tanong nito saamin lahat kami walang kaalam alam kung ano ito
"Ang baybayin ay ginagamit ng ating mga ninuno noon sinaunang panunulat kumbaga" dagdag nito at nag bigay ito ng example laking gulat ko dahil sa kung pano ito isinulat.Sinunod ko at ginawa ko ang tinuro ng aming guro inilabas ko ang mga sulat na gawa ni abby at itrinanslate ko ito sa modernong pagsulat.
Nang matapos ako dito tila'y nanigas ang aking katawan, dirediretsyong tumulo ang aking luha ng di sinasadya at laking pagsisisi ang naramdaman sa sarili.
Sa unang sulat
"HELP ME"
Sa pangalawa at sa susunod pang sulat
"Binababoy ako ng kuya ko tulungan mo ako"Iyan ang mga nakalagay sa kanyang sulat at ito'y ipinabasa sa aming guro, kahit wala na kaming nagawa upang pigilan siya sa kanyang ginawang pagpapakamatay ay gumawa naman kami ng paraan upang mabigyan hustisya ang kanyang pagkamatay.
End
YOU ARE READING
One Shot's Story Compilation
Short StoryA One Shot's Story, every chapter have a new story. The language that I used in My story is Tagalog, English and Taglish. This is a Half True Story and Half Fantasy. My Story That I Write and posted in My Facebook Account Now I Will Publish It. Pl...