Part1->Contract Agreement

2.1K 15 0
                                    

Naranasan nyo na ba na ma-inlove?

Naloko na ba kayo ng taong mahal nyo? Napaglaruan?

Masarap ma-inlove kasabay nun ay ang sakit. Mag kakamabal talaga siguro ang saya at lungkot kapag nag mamahal ka.

~*~

"Good morning ma'am." Bati ni Milan sa kanyang boss.

"Good morning din miss Santillan." Nakangiting bati din sa kanya ng kanyang boss.

May meeting sila ngayong araw sa isang makapangyarihang business man hindi lang dito sa Pilipinas kundi pati narin sa ibang bansa.

Graduate ng business management si Milan pero mas gusto nyang mag trabaho bilang sekretarya ng isang maganda, mayaman, at mabait na si Mrs. Ortrerra.

Maimpluwensya ang asawa ni Mrs. Ortrerra na si Mr. Magno Ortrerra ngunit namatay ito sa sakit sa puso. Kahit talaga gaano kayaman ang isang tao, kapag oras mo na, oras mo na.

Si Mr. Ortrerra talaga ang nag hire kay Milan sa kanilang kumpanya. Nakita kasi nito na may potential siya nung mga panahon na nag O-OJT palang ito. Kaya pagka graduate ni Milan ng college ay kinuha na sya ni Mr. Ortrerra bilang sekretarya. 20 years old palang noon si Milan.

After mamatay ni Mr. Ortrerra ay si Mrs. Maricar Ortrerra na ang nangasiwa ng kumpanya. Kaya ito na ang bago nyang boss. 4years na sya sa kumpanya kaya naman gamay na gamay na nya ang mga pasikot sikot dito.

Mabait ang mag asawang Ortrerra pero ang sabi sabi ay kabaligtaran daw ng ugali ng mag asawa ang ugali ng anak ng mga ito. Si Mark Ortrerra na sa Amerika nakatira kasama ang mga magulang ni Mr. Ortrerra dahil mas gusto at mas sanay si Mark sa klima doon. Sa Amerika kasi ito ipinanganak at doon na rin nag tapos ng pag aaral.

After ng meetings nila Milan ngayong araw ay isang katerbang paper works ang haharapin nya.

5pm na at pauwi na si Milan ng may maalala sya, kaarawan nga pala ng mama nya kaya bumili muna sya ng cake bago umuwi.

Masaya nilang nai-celebrate ang kaarawan ng kanyang mama kahit wala ang kanyang ama. Apat silang mag kakapatid at siya ang pinaka panganay, puro sila mga babae

Sumakabilang bahay na ang kanyang ama noong tatlong taong gulang palang ang bunsong kapatid niya.

Masamang masama ang loob niya sa lalaking iyon dahil sa ginawang pang iiwan sa kanila. Noon pa man ay alam na ng kanyang mama na may kabet ito pero hindi ito kumikibo. Ang iniisip kasi ng mama nya ay wala siyang trabaho kaya hindi sila mapapakain nito kung makikipag hiwalay siya sa asawa niya. Masakit man isipin pero ng mga panahong iyon ay wala parin syang magawa para matulungan ang kanyang ina.

Pero ngayon ay meron na. Nabilhan na nya ng pang negosyo ang kanyang ina. May sarili na silang grocery store at sa kabutihang palad ay malakas ang kita nila dahil sila lang ang may grocery store sa loob ng kanilang subdivision. Sa kanila na nag gro-grocery ang mga nakatira sa loob ng subdivision. Hindi na rin nag trabaho sa ibang bansa ang mama nya dahil iyon ang hiniling niya dito. Para din may mag asikaso sa kanyang mga nakababatang kapatid.

Sabado ngayon at naisipan ni Milan na mamasyal sa mall. Isinama nya ang kanyang mga kapatid, ang mama nya ay nasa grocery store kaya hindi na niya pinilit na isama. Mas gusto kasi nito na siya mismo ang mamahala ng kanilang kabuhayan.

Masaya silang mag kakapatid habang nag gagala sa loob ng mall. Ng mapagod at nagutom ay sa may fastfood chain, sa loob ng mall, sila kumain.

Hapon na ng makauwi sila. Masaya naman sila kahit wala ang kanilang ama.

Tuwing linggo ay sama-sama silang nag sisimba. Iyon ang nakalakihan nila.

Lunes at papasok na ulit siya sa trabaho. Busy nanaman siya. Sa loob ng apat na taon nyang nag tra-trabaho dito ay marami na rin ang nanligaw sa kanya na katrabaho nya pero walang pinalad. Ayaw nyang mag boyfriend. Focus sya sa pagtulong sa kanyang ina sa pag bibigay ng suporta sa kanyang mga kapatid at pang gastos araw araw. Ayaw din kasi nya sa mga lalaki. Kung mag bo-boyfriend sya ay gusto nya na iyon na din ang mapapangasawa nya. Kaya hindi siya nag mamadali. Ayaw nyang ang lalaking mamahalin nya ay katulad din ng kanyang ama na lakas na mag sugal, pabaya pa sa pamilya at higit sa lahat ay always stick to five.

Mag aalas tres na ng hapon ng pinatawag sya ng boss nya.

"Milan may ipapakiusap sana ako sayo. Sana pumayag ka." Sabi ni Mrs. Maricar Ortrerra sa kanya.

"Ano po yun ma'am? Basta po ba kayo ko ay walang magiging problema." Naka ngiting sabi nya sa boss nya.

"Itong company, ang anak ko ang mag ma-manage na nito. And I want you to be his secretary. Ikaw ang naging sekretarya ng aking yumaong asawa at ikaw din ang naging mabait kong sekretarya kaya naman gusto kong ikaw din ang maging sekretarya ng anak ko." Mahabang litanya ng kanyang boss.

"Bakit po ma'am?" Iyon lamang ang nasabi nya.

"Dahil gusto ko na mag libot libot sa buong mundo Milan. Iyon ang pangarap naming mag asawa na hindi namin nagawa. Pero kahit wala na siya ay tutuparin ko parin ang pangarap namin." Nakangiting sagot nito sa kanya.

Napabuntong hininga na lamang siya. Pagkatapos ay ngumiti sa boss nya.

"Okay po ma'am. Mas pag bubutihin ko pa po ang pag tra-trabaho dito kahit hindi na po kayo ang boss ko." Masiglang sabi niya sa ginang.

Masaya ang ginang sa naging sagot niya kaya inilabas nito ang isang brown envelope.

Iniabot sa kanya ng ginang at kanya namang kinuha. Binuksan niya at kinuha ang papel na nasa loob.

"Working contract agreement."

Naka sulat sa itaas na bahagi ng papel. Tatlong pahina iyon pero ang tumatak sa isipan niya ay ang mga katagang, "don't hesitate to fall inlove with your boss."

Napataas sya ng tingin kay Mrs. Ortrerra na may pagtataka sa kanyang mukha. Ngumiti lamang ito.

~*~ 091120~*~

The Game of Love  -Completed (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon