Part 11-> At the Party

544 9 0
                                    

Nasa loob ng kotse ni Denmark si Milan ng mga oras na ito. Papunta na sila sa birthday party pero parang nasa library ang aura sa loob ng sasakyan. Hindi sila nag iimikan ng boss niya. Sa may kalsada ito nakatingin at mukang nag fo-focus sa pag da-drive. Napatingin siya dito. Talagang napaka gwapo nito lalo na ngayon. Kahit ayaw niyang aminin sa sarili niya ay talagang hindi iyon maitatanggi.

Napaiwas siya ng tingin ng tumingin ito sa kanya.

"Do you want to say or ask something?" Tanong nito sa kanya.

Umiling lamang siya bilang sagot.

"Then why are you looking at me? Do you have a crush on me?" Nakangiting tanong nito.

Namula siya sa hiya. Alam pala ng mokong na nakatingin siya.

"So what kung nakatingin ako? May mata po ako for your info. At para po sabihin ko sayo hindi po ipinag babawal ang pag tingin sa tao, sa hayop o maski sa bagay lalo na po at may mata tayo para makakita." Mataray niyang tugon para mapag takpan ang kanyang hiya.

Napatawa ang boss niya. "shit bakit ba ang landi ng tawa niya? Yung tawa ba niya o yung utak ko lang yun?" Para ba naman siyang kinikilig sa tawa ng boss niya. Ewan ba niya kung bakit!? Hindi na lamang niya ito tiningnan. Nakarating sila sa bahay ng mga Luximos. Bahay nga ba na matatawag o mansyon? Ang laki at ang gara. Kulang ang pag describe dito sa salitang maganda, bongga o ano pa man. Basta pang mayaman talaga. Ipinagbukas siya ng boss niya ng pintuan ng kotse. Inalalayan pa siya nito sa pag labas ng sasakyan. Inabot niya ang kamay nitong nakalahad ng wala sa loob niya dahil naka tulala siya sa bahay/mansyon.

Pag pasok palang nilang ay kitang kita talaga na mayayaman ang mga nandoon. Lumapit si Mr. Luximos sa kanila at masayang naglahad ng kamay sa boss niya.

"I'm so glad you came Mr. Denmark Ortrerra." Nakangitiing sabi nito habang nakikipag shakehands sa boss niya.


Tumingin ito sa kanya at nag lahad ng kamay. Tinanggap naman niya yon at nakipag shake hands din siya.


"Who is this beautiful lady? Is she your girlfriend?" Nakangiti parin ito.


Napangiti lang si Denmark sa tanong ni Mr. Luximos sa kanya. Hindi ito sumagot ng hindi at hindi  rin naman sumagot ng oo. Parang ang labo yata nun? Ngiti lang ang sagot ng boss niya?


"I'm his secretary." Magalang na sagot ni Milan dahil malabo ang sagot ng boss niya. Ngiti lang ba naman. Parang sinabi na rin nito na oo dahil sa ngiti nito kaya siya na ang sumagot.


"Hmmmm, you have a beautiful sexytary." Natatawang sabi nito.

Kahit natatawa ito ay obvious na compliment iyon. Napangiti lamang si Denmark. Nag paalam na si Mr. Luximos sa kanila dahil siya ang mag papakilala sa anak.


"May I have your attention everyone? I'm glad that you are all here tonight to celebrate with us the 18th birthday of my one and only daughter. My beautiful unica hija. Anastaxia Concepcion Luximos."


Matapos banggitin ni Mr. Luximos ang pangalan ni Anastaxia ay biglang namatay ang ilaw at ang center light lamang ang nag bibigay liwanag sa lahat na nakatutok naman sa second floor ng bahay. Nandoon nakatayo si Anastaxia habang suot ang napaka ganda, napaka garbo at talagang mamahalin na gown. Napakaganda ng gown nito parang yung may suot lang. Ang ganda rin. Talgang anak mayaman ang itsura.

Parang slomo pa ang pag baba nito sa hagdan. Nag papalakpakan ang lahad habang bumababa ito ng hagdan. Nagliwanag muli ang buong paligid ng nakababa na sa huling baitang ang celebrant. Nag umpisa ng mag sayawan pero si Milan ay sa pagkain pumunta. Gutom na siya. Kaya kumuha siya ng pagkain at pumunta sa isang table kung saan medyo tago at may kalayuan sa mga iba pang bisita. Na O-OP kasi siya hindi naman kasi siya anak mayaman. Yung boss niya ay hayun at nagsasayaw kasama si Anastaxia. Kung todo ngiti pa ang mokong.


Matapos kumain ay naisipan niyang mag lakad lakad muna. Maraming bisita pero busy lahat sa pakikipag usap sa bawat isa.



Napakunot ang noo ni Denmark ng mapansin niyang wala ang amazona sa paligid. Saglit lamang siya nakipag sayaw kay Anastaxia pero nawala kaagad ang amazona na yun. Saan kaya nagsuot yun? Nakita niya si Milan sa di kalayuan. Napaka sexy nito. Nilapitan niya ito at medyo nagulat pa ito sa kanya. Iginaya niya ito sa gitna upang makipag sayaw sa kanya. Idinikit niya ang kanyang katawan dito. Napakislot ito sa ginawa niya. Tingnan lamang niya kung hindi ito tablan ng karisma niya.


Nakatitig siya sa mga mata nito habang nagsasayaw sila. Nakatitig din lang ito sa kanya.


"It's time to make a move." Napangiti síya at dahan dahan niyang inilapit ang ulo niya sa may tenga ni Milan.


"You smells great and delicious." Bulong niya dito sa mapang akit na tono.

Namula si Milan. Sigurado siya na nilalandi lang siya ng boss niya para bumigay siya at upang matalo siya nito. Hindi maaari iyon. Alang alang sa salary increase niya ay hindi siya papatalo. Nginitian niya ito at bumulong din dito.


"Sa amoy ko pa nga lang nasarapan kana. Pano pa kaya kung matikman mo pa?" Sabi niya sa mapang akit na tono with matching mapang akit na ngiti.


Napalunok ang boss niya. Lust ang makikita sa mga mata nito. Napakagat labi si  Milan at kung todo sa pang aakit dito.


"Fuck!" Bulong nito.


Kasabay niyon ay ang pag tíim bagang nito.


"Are you seducing me? Do you want to try me?" Bulong nito sa kanya.


"Ano? Nilalandi kita hindi kita inaakit!" Pabulong niya din na sabi dito.



"But  for me it was more seductive." Mapang akit ulit nitong bulong sa tenga niya.






  ~*~092820~*~

The Game of Love  -Completed (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon