Part 17-> Trip to Italy

536 9 0
                                    

Halos mapanga-nga si Milan sa kanyang nakikita. Oo nga at alam niyang mayaman ang mga Ortrerra pero hindi niya lubos maisip na may private plane ang mga ito at makakasakay siya. Ang laki ng eroplano talo ang bahay nila. May mga nag bitbit ng gamit nila papasok ng private plane pero hindi niya iyon pansin dahil namamangha siya sa ganda at laki ng eroplano na nasa harapan niya.


"Wow naman. Ang ganda at ang laki naman nito. Sayo ba to?" Hindi niya mapigilan ang sarili na magtanong kay Denmark.

Ang saya niya dahil first time siyang makakasakay sa eroplano. Ang ganda pala ng loob nito at ang komportable umupo sa upuan nito.

"This plane is for family use." Nakangiting sagot ni Denmark sa kanya.

"Ang ganda grabe. Nakasakay na nga pala ako ng eroplano dati pero hindi ko na masyadong matandaan kasi bata pa ako noon. Kaya feeling ko first time ko parin sasakay." Masayang kwento niya kay Denmark.

Masaya si Denmark ng makita niyang nakangiti si Milan at masayang nag kwe-kwento sa kanya. Hindi ito galit sa kanya. Bibihira niya itong makita ng ganito, masaya, naka ngiti at hindi galit sa kanya. Tinititigan lamang niya ito habang parang bata na tuwang tuwa dahil sa mga nakikita sa himpapawid.

"Nga pala may sasabihin ako sayo. Dapat sa tuwing mag uusap tayo ay mag tatagalog ka dahil kung hindi ay......"

"Sige. Walang problema."
Nakangiting sabi ni Denmark.

Pinutol na nito ang sasabihin niya. Napatitig naman siya dito.

"Loko ka. Marunong ka pala mag salita ng tagalog? May pa english english kapa."

"Nakasanayan ko na kasi."

Ilang oras din ang byahe nila. Nakatulog na si Milan sa byahe habang siya ay nakatitig lamang dito. Kung kanina ay mag kaharap sila, ngayon ay mag katabi na. Tinabihan niya ito sa upuan nito at isinandig ang ulo sa balikat niya habang ito ay tulog na tulog. Niyakap niya ito ng mahigpit. Hinalikan niya sa may noo at hinaplos ang buhok. Ang saya niya dahil kasama niya ngayon si Milan.

Matapos ang mahabang byahe ay narating na rin nila ang Milan, Italy. Ginising na niya si Milan dahil bababa na sila sa eroplano. May private car na naghihintay sa kanila at dadalhin sila nito sa hotel na tutuluyan nila pansamantala. Kahit na pagod sa byahe papuntang Italy ay hindi parin maiwasan ni Milan na mahumaling sa ganda ng bansa. Kahit gabi ay kitang kita niya ang ganda nito dahil sa liwanag na nag mumula sa mga ilaw ng bumbilya.


"Maya maya lang parating na yung pagkain na inorder ko."


"Naka order kana?"

"Yes. Why? Meron ka bang gustong kainin?"


"Aaahm...... Wala. Hehe. Ang bilis kasi naka order ka kaagad."



"Busy ka kasi kaya hindi mo namalayan."



"Ang ganda kasi. Gala tayo bukas."


"Sure!"



Ilang minuto lang ay dumating na ang pagkain na inorder ni Denmark. Pagkakain ay sinabi niya kay Milan na sa kabilang kwarto ito matutulog. Nagpaalam na ito kay Milan. Mabilis nakatulog si Milan maging si Denmark. Napagod sila sa byahe....






~*~102420~*~






Sorry lugaw pa utak ko.
Madalas kulang sa tulog. 😅
Bawi ako next time.... 😊

The Game of Love  -Completed (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon