Part 22-> the Magic Words

454 8 0
                                    

"Yung lalaki sa loob. Tulungan ninyo siya! There's a guy inside who helped me and the other guest earlier. Please help him." Pagmamakaawa ng babae.

Pagkarinig ni Milan sa sinabi ng babae ay halos matumba siya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya. Pinilit parin niyang marating ang kinaroroonan ng babae habang ginagamot ng isang paramedic ang galos nito.

"Aaahm miss. Pwede ko bang malaman kung ano ang itsura ng lalaki na sinasabi mo?" Kabado at halos mangiyak na niyang tanong sa babae.

"Gwapo, matangkad at curly ang buhok. Mukang foreigner siya. Sa tingin ko ay hindi hihigit sa 30 ang edad niya. Kilala mo ba siya? Oh god! Please help him. He saved me." Biglang humagulgol ng iyak ang babae.

Halata ang takot sa boses nito. "Ako man ay parang anytime ay mag co-collapse na. I need to see him. Lord please po gabayan po ninyo ang mahal ko." Tears are flowing from her eyes. Hindi na siya makapag isip pa ng maayos. Nag pa-panic na hinawi niya ang mga tao na naroroon. Pati ang mga reporter ay hinawi din niya. Pero hinarang siya ng mga pulis. Hindi siya pinayagan na makapasok. Laking tuwa niya ng makita niya ang mga bumbero na may akay na lalaki.

"Si Mark!..... Mark!.... Mark i'm here." Sigaw niya.

Laking tuwa niya ng tumingin ito sa kanya at ngumiti. Tumakbo siya papalapit dito ng paupuin ito ng isang paramedic sa isang silya upang i-check ang kalagayan nito. Atat na atat na si Milan na yakapin ito. Ng matapos ang paramedic ay agad niyang sinunggaban nv yakap ang lalaking mahal na mahal niya. Sinabi ng paramedic na maraming nalanghap na usok si Denmark kaya kailangan parin nitong madala sa ospital para mas ma-check up pa ito. First aid lang ang ginawa nito. Ginamot lang ang mga galos ni Denmark at saka sila pinasakay sa ambulansya para madala na ito sa ospital. Hawak hawak niya ang kamay nito. Ayaw muna niyang mag tanong kung ano ang nangyari. Maraming oras para doon. Hindi sila umiimik buong byahe. Nang makarating sa ospital ay agad na dinaluhan sila ng mga nurse na naandoon.

After a few minutes ay sinabi ng doktor na pwede ng ma-discharge si Denmark bukas ng umaga. Dito na lamang daw ito pag pahingahin sa ospital sa buong mag damag. Laking tuwa ni Milan sa kanyang narinig. Nang makalabas na ang doktor ay saka niya ito niyakap ng buong higpit.

Hinagod ni Denmark ng kanyang palad ang likuran ni Milan at saka gumanti ng yakap dito. Humiwalay si Milan sa kanya at tumayo ng tuwid sa harap niya.



"Loko ka. Bakit hindi ka lumabas kaagad?" Sabi niya dito sabay hampas sa braso nito.



"Wag ka ng magalit. Wala naman masamang nangyari sakin." Nakangiting sagot na lamang niya.



"Nag alala ako sayo. Akala ko kung napaano kana. Ang sama mo." Umiiyak ng sabi niya.



Bumangon si Denmark at saka niyakap si Milan. Pinapakalma niya ito dahil alam niyang napag alala niya ito ng husto. Nang medyo kalmado na ito at saka siya humiwalay ng yakap at pinaka titigan ang muka nito.


Nginitian niya ito sabay sabi ng "i love you" with matching sweet charming smile. Na freeze naman si Milan at mukang loading pa ang peg. Shocks! Natulala siya sa narinig niya. The magic word that she was longging to hear ay narinig na niya ngayon. Tears are fallen from her eyes. Pero hindi iyon katulad ng mga luhang pumatak kanina. Kung ang mga luha kanina ay dahil sa sobrang pag aalala niya kay Denmark, ngayon naman ay luhang tuwa at galak.




~*~110920~*~



The Game of Love  -Completed (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon