Part 8-> un expected kiss

525 12 0
                                    

Monday morning. Maaga pumasok si Milan para maayos na niya ang mga documents na kailangan ng boss niya. Sabi ng guard ay wala pa ang boss nila kaya naman makakapag trabaho siya ng walang istorbo. Habang loading pa ang PC niya ay sumisimsim siya ng kape na tinimpla niya. May bigla siyang naisip. Tumayo siya at lumapit sa may pintuan ng office ng boss niya. Dahan dahan niya itong binuksan. Pumasok siya sa loob niyon. Inalala niya ang video niya na kuha sa cellphone ng boss niya.


"Saan ba siya naka pwesto noon na at nakuhanan niya ako ng video ng hindi ko siya nakikita?" Tanong niya sa sarili niya ng may maalala siya.

Natampal niya ang noo niya dahil nakalimutan niyang i-check noon ang kwarto. May kwarto nga pala dito sa office. Kwarto iyon ni Mr. Magno Ortrerra noong ito pa ang boss niya. Doon ito nag papahinga kapag nakakaramdam ng liyo at pagod. May isang malaking kama sa loob at maliit na lamesita sa gilid. Pumasok siya sa kwarto at sigurado siya na doon siya kinuhanan ni Denmark ng video. May cr din sa loob ng kwarto. Naupo siya sa may kama at pakiramdam niya ay dinalaw siya bigla ng antok. Napahiga siya at pumikit.



Naglalakad na si Denmark papunta sa office niya ng mapansin niya na wala si Milan sa table nito. Bukas ang PC nito at may nakapatong na kape ngunit malamig na. Pumasok siya sa office. Napansin niya na bahagyang naka bukas ang pintuan ng kwarto at bukas ang ilaw. Sumilip siya at nakita niyang natutulog doon si Milan.



Lumapit siya dito. Napangiti siya at kinuha ang cellphone niya sa bulsa. "Nice view. Hehe."


Mabilis niyang naitago sa bulsa ang phone niya ng kumislot si Milan at nag mulat ng mata. Nag kumusot pa ito ng mata habang dahan dahan naupo. Bigla itong napatayo ng mapansin siya at kaagad siya nitong nahablot sa may braso at akmang ibabalibang na siya nito ng mahawakan niya ang mga kamay nito at mabilis na naisandal sa pader.

Nabigla naman si Milan sa bilis ng pagkilos ni Denmark. Ilang minuto silang nag tagal sa ganoong posisyon.


"Ang bilis niya. Pano niya nagawang hawakan ang kamay ko? Napigilan niya ako." biglang bumalik sa isip ni Milan na nasa kwarto siya, sa office ng boss niya. Nanlaki ang mga mata niya. Nakalimutan niya na wala siya sa kwarto niya at kaya nandoon ang boss niya ay dahil office niya iyon at nasa kwarto siya nito.



"So, it seems that you notice now what have you done?" Sabi nito habang seryoso ba nakatingin sa kanya.


"Hehe. Sorry po sir. Nakatulog po ako dito." Nahihiyang pagsabi niya ng despensa.



Binitiwan naman ni Denmark ang kamay niya.


"8am. Start your work now but before that, bring me some coffee. Don't sleep again at working hour."


"Sir hindi naman po oras ng trabaho kanina. Maaga pa po kaya."


"Are you going to argue with me again? I'm your boss, you are my employee so you need to respect me or you want to lose your job?." May galit na sa pananalita ng boss niya. Nakita din niya na naiinis na ito sa kanya. Pero hindi siya nag patinag. Hindi siya matatakot sa playboy na lalaking ito.


"Excuse me sir. I am an employee here at ikaw ang boss ko pero hindi mo ako matatanggal dito. Si Ma'am Maricar lang ang makakapag paalis sakin dito." Mataray niyang sagot.


Lalong nadagdagan ang kunot sa noo ng boss niya. Ang makapal nitong mga kilay, na bumagay sa mahaba at makakapal nitong mga pilik mata, ay malapit ng mag kadikit. Ang panga nito, na bumagay sa hubog ng muka nito, ay halatang nag pipigil ng galit. Nakatikom din ng mariin ang mapupula nitong mga labi na bagay na bagay sa maganda at matangos nitong ilong. Ngayon lamang niya natitigan ng matagal ang muka ng boss niya na kahit galit ay talagang gwapo parin. Hindi iyon matatakpan ng mga mag kasalubong nitong mga kilay. Yung labi nito na natikman na niya. "Eeeer! You mind! Will you shut up!?" Saway nanaman niya sa isip niya. Nakikipag titigan siya sa boss niya at nakikipag matigasan maigi.



Talagang sinasagad ng babaeng ito ang pasensya niya. Talagang malayo sa maamong muka nito ang ugali nito. Napaka tapang na animo tigre na handang ilabas ang mga kuko sa oras na may kalaban.



"How can you be so sure that I can't fire you amazonian woman?" Galit na tanong niya.



"Dahil ang namayapa mong ama ang nag hired sakin dito at siya lang ang may karapatan na mag tanggal sakin dito at dahil patay na siya, naku sir Magno pasensya na nadamay kapa, kasabay ng pag aantanda niya, ay hindi mo ako mapapaalis dito. Dito na ako forever. Sa ayaw mo man o sa gusto mo. Forever ako dito. Forever mo akong makikita at makakasama dito. Gets mo!?" Nakapameywang niyang sabi sa boss niya. Sinadya niyang bigyang diin ang katagang "forever" para mas tumatak pa ito sa isipan ng boss niya. Maging ang huling sentence niya ay binigyang diin din niya.



Sinagad na nga ni Milan ang pasensya ni Denmark ng mga oras na iyon. Kumulo ang dugo niya sa galit dahil sa pag sagot sagot sa kanya ng sekretarya niya. Bakit ba napaka lakas ng loob nito na sagut-sagutin siya? Siya ang boss at empleyada lamang ito. Sa galit niya ay mabilis niya itong hinatak sa kamay at sa may ulo nito at mabilis na siniil ng halik. Inangkin niya ang mga labi nito. Nag aalab na mga halik, nag aalab hindi sa galit kundi dahil sa init. Hinalikan niya ito ng mapusok.



Nabigla si Milan dahil bigla siyang hinatak ng boss niya at hinalikan ang labi niya.... Nanaman... Hindi siya nakakilos agad at para siyang biglaang naubusan ng lakas. Parang may kung anu sa kanya na hindi niya mawari. Natauhan lamang siya ng tumigil ito sa paghalik sa kanya dahil siguro sa kinulang na ang supply ng hangin sa baga nito. Nakatitig ito sa kanya, wala na ang galit nito sa mga mata at halata ang pag hahabol sa sariling hininga. Siya naman ay ganun din.


Nagtangka ulit itong halikan siya pero mabilis niyang naiiwas ang muka niya.








~*~091920~*~

The Game of Love  -Completed (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon