Part5-> stolen first kiss

597 7 0
                                    

Araw araw na lamang na ginawa ng diyos ay nag aaway ang dalawa. Hindi magkasundo. Lakas mang asar ni Denmark habang pikon naman si Milan.

Tumunog ang intercom at sinagot naman yun ni Milan.

"Bring me some food and drink."
Sabi ni Denmark.

Napasimangot naman si Milan. "May ginagawa pa ko. Kainis to. Ayaw mag padeliver nalang." Maktol ni Milan pero no choice siya dahil ito ang boss. May atraso pa nga siya dito kaya para makabawi ay susundin nalang niya ito.

Kumatok si Milan sa pinto ng office bago pumasok. Dala dala niya ang binili niyang pagkain at inumin.

Inilapag niya sa may table sa gilid ang pagkain at inumin na dala niya saka tumingin sa boss niya at ngumiti ng pagkatamis tamis. Napaisip naman si Denmark kung bakit ang ganda ng mood nito ngayon. Kung maka ngiti ay parang nasa commercial ng toothpaste. Tumayo na si Denmark at lumapit sa table kung nasaan ang kanyang pagkain. Napakunot ang kanyang noo ng makita ang pagkain na dinala ni Milan.

"Are you kidding me? I told you to bring me some food."

"Ayan na nga sir. Dinalhan na kita ng pagkain. Ano bang nirereklamo mo pa?" Sagot niya na halatang nag pipigil ng tawa.

"Do you called this a food?" Asar na tanong ni Denmark sa kanya.

Tumango naman siya na may ngiti sa mga labi.

"Now I know why you are smiling the moment you enter my office. You amazonian girl!" Galit na sabi ng boss niya.

Napa hagalpak na siya ng tawa. Kitang kita niya na galit na talaga ito. Corniks ba naman dalhin niyang pagkain saka yung plus na nakalagay sa tetra pack sinong hindi magagalit? Kitang kita niya ang galit sa muka ng boss niya pero hindi na siya natatakot doon. Napag isip isip kasi niya na hindi siya magagawang palayasin nito sa company dahil sa contract agreement na pinapirmahan sa kanya ni Mrs. Maricar Ortrerra. Nakalagay din kasi doon na siya lamang ang may karapatan na palayasin si Milan sa company na iyon kaya kahit itong boss niyang nakakayamot ay hindi siya mapapalayas.

Naisipan ni Denmark na mag padeliver na lamang ng pagkain sa kanyang office. Nag dial siya sa telepono at tumawag sa isang restaurant. Lumapit si Milan sa kanya pagkatapos niyang mag padeliver at ibaba ang telepono.

"Bakit sir hindi mo ba gusto yung dinala kong pagkain? Sana kasi sinabi mo kung anong pagkain. Be specific kasi." Tatawa tawa niyang sabi saka ito tinalikuran.

Papalabas na sana siya ng office nito ng bigla niyang maramdaman ang pag hablot ng isang kamay nito sa kanyang braso. Napaharap siya dito at nakita niya ang boss niya. Nagulat siya ng bigla siyang corner-in nito sa may pader.

"So, you want to play with me? Fine. But I don't think of losing." Nakangiting sabi nito sabay halik sa kanyang labi.

Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nabigla siya sa mga pangyayari. Napangiti naman si Denmark dahil sa ginawa niyang paghalik sa labi ni Milan. Tingnan lamang niya kung hindi ito bumigay.

Nang matauhan si Milan ay naitulak niya ng malakas ang boss niya. Sa bigla ni Denmark ay napalayo siya dito. Nakangisi si Denmark habang tulala naman si Milan..

"What? Don't tell me I'm your first kiss?" Naka ngising sabi nito na naka pameywang pa.

"You stole it!! Magnanakaw ka!!" Mangiyak ngiyak niyang sabi.

First kiss nga niya ang boss niya. Sa sobrang galit niya ay patakbo siyang lumapit dito at dinamba ito. Napahiga naman ang boss niya habang siya ay nasa ibabaw.
Pinaghahampas niya ng kanyang kamay ang muka nito pero naka sangga ang dalawang braso nito kaya hindi niya mahagip ang muka ng sira ulong magnanakaw..... Magnanakaw ng halik.

Tawa lamang ng tawa si Denmark sa ginagawa ni Milan.

"Okay okay. I'm sorry. I don't even know that I'm your first kiss." Tatawa tawang sabi nito.

Lalong nagalit si Milan dahil imbes na mag sorry ito na bukal sa puso ay sa ilong ang labas. Pinag sasabunutan niya ito at napasigaw naman ang boss niya sa sakit. Tumayo na si Milan at umalis sa ibabaw ng boss niya. Ng akmang tatayo na ang boss niya ay saka niya pinag kakalmot ang muka. Napangisi siya ng makitang nakalmot niya ang muka nito. Nag smirk siya saka lumabas ng office.

"What the? You amazonian woman.... You will pay for this!!" Galit na sigaw ni Denmark.

Nakita niyang nakalabas na ng office niya si Milan at kaagad siyang tumayo. Pinagpag niya ang suot niya  at humarap sa salamin.

"Damn! She scratch my face. No one did this to me before. She really a fighter. Tss!" Bulong niya habang tinitingnan ang sariling repleksyon sa salamin.

"Hmmmm, how can I make you pay for this?" Naka ngiti niyang bulong ulit.

Nag hilamos siya ng muka sa cr ng kanyang office at nag palit ng suot dahil nagusot ng husto ang suot niya. Habang si Milan naman ay padabog na kumakain ng kanyang biniling cake. Yamot na yamot parin siya sa boss niya dahil sa pagnanakaw nito sa first kiss niya.

"Sira ulo talaga yun. Mapapatay ko talaga siya. Naku! Hmmmmp!" Galit na sabi niya sabay tusok ng tinidor sa cake.

Maliit na lamang na piraso ang natira sa cake na kanyang nilalantakan at pinag bubuhusan ng galit. Ng isusubo na niya ang huling piraso ay mabilis iyong kinagat ni Denmark sa tinidor na hawak ni Milan at saka mabilis na nginuya at nilunok. Nakuha din agad nito ang iced tea niya at inisang nilagok.

"What the!?" Bulalas niya ng makita ang hinayupak niyang boss.

"What? I'm hungry. You buy me a chip food but you buy yourself a cake? You're un believable amazonian woman." Sabi nito ng may ngiti sa labi.

    ~*~091520~*~

The Game of Love  -Completed (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon