Part 15-> Childhood First Love

530 7 0
                                    

Nagtataka na si Georgia sa ikinikilos ni Milan. Hindi naman ito tahimik na klase ng tao. Pala-kwento ito at masayahin. Pero ngayong mga nag daan na mga araw palagi itong tulala na tila malalim ang iniisip at palaging tahimik na tila napaka bigat ng problema. Upang matulungan ang anak ay naisipan niyang kausapin ito.


Kumatok muna siya sa may pinto ni Milan. Pinagbuksan naman siya nito.



"Bakit po mama?" takang tanong ni Milan sa ina.



"Wala naman anak. Pwede bang pumasok?"



Kahit na nagtataka ay pinapasok niya ang ina sa loob ng kanyang silid. Naupo ito sa kama at tinapik nito at katabing parte ng kama. Hudyat na pinapaupo siya nito sa kanyang tabi. Naupo naman siya sa tabi ng kanyang mama.



"Naaalala mo pa ba noong tatlong taon ka palang? Nasa Italy pa tayo noon. Doon kita ipinanganak. Kaya nga Milan ang pangalan mo. Doon din nakatira sila mama at papa. Kamusta na kaya sila? Sana napatawad na nila ako. Alam mo naman na nagalit sila sa akin noon ng mabuntis ako ng papa mo. Naaalala mo paba si Den-den? Yung batang kalaro mo noon? Dalawang taon ang tanda niya sayo hindi ba? Nakakatuwa kayo noon. Palagi kayong mag kasama maglaro ni Den-den. Takot na takot ka na lumayo sa bahay natin noon kaya pinupuntahan ka nalang ni Den-den sa bahay para doon kayo maglaro. Tapos isang araw nainip ka kasi wala pa si Den-den kaya nag pasama ka sa akin na lumabas ng bahay. Tapos nakita mo siya may ibang kalaro. Umuwi ka dito ng umiiyak. Sabi mo ayaw mo ng kalaro si Den-den. Natatawa ako sayo noon kasi pakiwari ko ba nagseselos ka. Imagine anak 3years old ka palang nun. And then kinaumagahan nag punta dito si Den-den hinahanap ka, sigawan mo ba naman na galit ka sa kanya. Naawa ako sa bata anak kasi kita ko sa muka niya ang lungkot. Araw araw siyang nag papabalik balik noon sa bahay natin hanggang sa hindi ka nakatiis kasi nakita mo may bandage ang isang tuhod niya. Tinanong mo siya kung anong nangyari sa tuhod niya. Sinabi niya na nag dapa siya nung papunta siya sa bahay kaya napaiyak ka. Tapos niyakap ka niya. Tapos natuklasan ng lolo at lola mo na hindi ako nag aaral at may apo na sila sa akin. Itinakwil nila ako kaya pumunta tayo dito sa Pilipinas kasi tiga rito ang papa mo. Nung nag paalam ka kay Den-den nakita ko kung paano siya umiyak tapos hinalikan ka niya sa labi. 'Hinding hindi ako mag aasawa hanggang hindi kita nakikita ulit. Pangako Bela kapag malaki na ako hahanapin kita.' Sabi niya pagkahalik niya sa labi mo habang ikaw tulala. Nag papahid siya ng luha noon tapos tumakbo paalis. Pag balik niya may dala siyang stuff toy na hanggang ngayon ay heto at katabi mo parin sa pagtuglog mo."



Biglang nanumbalik sa isip ni Milan ang kanyang first love dahil sa kwento ng kanyang ina. Bata pa nga siya noon pero nangako na siya sa sarili niya na hihintayin niya si Den-den. May mga nanliligaw na sa kanya pero naaalala parin niya ang pangako sa kanya ng first love niya. Alam niya sa sarili niya na mahal niya si Den-den kaya iningatan niya ang pangako nito sa puso niya maging ang stuff toy na bigay nito. Alam niya na para siyang tanga na umaasa sa taong mukang nakalimutan na ang pangako sa kanya. Minsan nga naiisip niya na baka may sarili ng pamilya iyon o kaya ay baka nakalimutan na siya nito maging ang pangako sa kanya. Oo nga at ayaw niyang magkaroon ng nobyo dahil takot siya na baka manloloko ang lalaking kanyang mamahalin pero isa lamang iyon sa dahilan. Dahil hanggang sa ngayon kasi ay pinanghahawakan parin niya ang pangako ng batang kalaro niya noon.



Napayakap siya sa kanyang ina. Yumakap naman ito pabalik sa kanya.



"Anak kung may problema ka ay pwede mo naman sabihin sa akin. Malay mo makatulong ako."

Ipinagtapat niya ang lahat sa ina pati ang mga namagitan sa kanila ng boss niya. Napaiyak siya habang nag kwe-kwento. Hinahagod lamang ni Georgia ang likod ng anak upang kumalma ito. Batid niya na mahal na ng anak niya ang boss nito.



"Mama galit ka po ba?" Umiiyak na tanong ni Milan.



"Hindi anak. Mahal mo ba siya?"



"Hindi ko po alam mama."


"Anak isipin mo kung makikita mo siyang may kahalikan na iba, anong mararamdaman mo?"



Naalala ni Milan ang eksena sa panaginip niya. Napahagulgol siya ng iyak na parang bata habang nakayakap sa ina. Masakit, sobrang sakit kapag naiisip niyang may ibang hinahalikan ang boss niya. Lalo sigurong masakit kung makikita niya ng personal at hindi panaginip.





"Anak kung mahal mo siya wag mong pigilan ang nararamdaman mo. Inalok ka pala niya ng kasal ibig sabihin may chance na mahal ka sin niya."



"Pero mama natatakot po ako."


"normal lamang iyan anak. Kapag nag mahal ka dapat handa ka din masaktan dahil sa love hindi puro saya at sarap. Nandyan din ang lungkot at sakit."



"Salamat po mama. Gumaan ang pakiramdam ko."



"Wala yun. Anak kita. O siya, may gagawin pa ako ha. Wag kana malungkot okay? Nakakapangit yan."


Napangiti siya sa sinabi ng ina. Gumaan nga ang kanyang pakiramdam dahil sinabi niya sa mama niya ang bumabagabag sa kanya.



"Pano kaya kung makita ko ulit si Den-den? Pero mahal ko na si Mark. Anong gagawin ko? Haaay! Sabi ko na nga ba hindi dapat ako ma-inlove." Maktol niya habang nakahiga sa kama niya.




~*~101320~*~

The Game of Love  -Completed (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon