Part 18 -> Meet the Grandparents

505 8 0
                                    

Sobrang saya ni Milan kaya maaga siyang gumising. Gusto kasi niyang puntahan ang dati nilang bahay.

"Gusto ko sana pumunta sa PPP city." Sabi niya kay Denmark habang kumakain sila ng umagahan.

"Why?" 

"may gusto lang akong makita."

"Sa AAA city muna tayo."

"Ha? Bakit?"

" May ipapakilala lang ako sayo." Nakangiting sabi ni Denmark.

Tumango naman si Milan. Iniisip niya kung sino naman ang ipapakilala nito sa kanya.
Matapos nilang kumain ay nag byahe na sila papuntang AAA city. Ang ganda talaga sa Italy. Ang tataas ng mga gusali at kakaiba ang disenyo ng mga bahay. Ewan nga niya kung bahay nga ang tawag dun o hotel o apartment o condo. Basta malalaking mga gusali. Ang tataas at ang gaganda. Malayo sa itsura ng mga bahay sa Pilipinas. Kahit pa na malalaki din ang mga bahay sa Pilipinas iba parin ang mga disenyo ng mga bahay dito.

Ilang minuto din ang byahe nila bago nakarating sa AAA city. Mas namangha si Milan pag tapat ng kotse, na nirent ni Denmark, sa isang napakataas at napaka gandang bahay o mansion yata. Pang mayaman ang itsura nito at sure siya na milyon ang halaga nito. Pinagbuksan siya ni Denmark ng pintuan. Nakababa na pala ito ng hindi niya namamalayan. Inalalayan pa siya nito pababa sa kotse.

"We're here. Come." Nakangiti nitong sabi sa kanya.

"Kilala mo ang nakatira dyan?" Manghang tanong niya kay Denmark.

Ngumiti lang ito at iginaya siya papasok. Nabigla naman ang maid ng makita sila. Niyakap ni Denmark ang maid at yumakap din ito sa kanya. Matanda na ang maid na iyon na tantya niya ay senior citizen na iyon pero medyo malakas pa.

"Kamusta po nanay Medring?" Tanong ni Denmark sa katulong.

"mabuti  lang naman ako hijo." Naka ngiting sagot ng matanda.

"Pinoy siya?" Naitanong ni Milan kay Denmark.

Hindi niya maiwasan na itanong. Natawa naman si Denmark sa reaksyon niya maging ang katulong ay natatawa din.

"Oo hija. Ako ang nag alaga sa batang ito noon." Ang katulong ang sumagot.

"Nanay Medring na lamang ang itawag mo sa akin. Halina kayo sa loob at pupuntahan ko ang lolo at lola mo hijo. Siguradong matutuwa sila na makita ka. Biglaan ang pag punta ninyo ng nobya mo. Sosorpresahin mo ba sila?" Dere-deretsong sabi ni Nanay Medring habang nag lalakad sa may bandang unahan nila.

Siniko naman ni Milan si Denmark at bumulong dito.

"Ano ba? Akala niya gf mo ko."

"It's okay." Nakangising sabi lamang nito at nag patuloy sa paglalakad.

Napa "ha?" Na lamang si Milan. Anong okay ka dyan? Okay lang sa kanya na akalain ng mga tao dito na gf niya ako kahit na hindi naman talaga? Ganun ba ang ibig niyang sabihin.?



Napatigil si Milan sa pag iisip ng makarating sila sa living room. Ang ganda. Ang bonggang bongga to the highest level ng mansion na to. Swerte ng mag nanakaw dito. Jackpot!

Ang lawak ng driveway na mukang nasa disney. May water fountain pa sa harap na napapalibutan ng maraming iba't ibang halaman. Hindi katulad ng mga water fountain na makikita sa Pilipinas ang itsura ng water fountain na iyon..

"Wow." Yun na lamang ang nasambit niya.
Hindi kasi niya alam kung ano
ang sasabihin.


Speechless talaga siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Speechless talaga siya. Tapos yung loob ng bahay o mas magandang sabihin na mansion e superb talaga. Sa mga movies lang niya iyon nakikita. Hinawakan ni Denmark ang kamay niya at iginaya siya na maupo. Maya maya pa ay may dumating na matandang babae. Lumapit ito sa kanila at niyakap si Denmark. May sinabi pa ito bago yumakap kay Denmark pero hindi niya naintindihan. Alien word ata. Hehe. Dijuklang.. Halos maluha luha pa ito. Tumingin ito sa kanya matapos humiwalay sa pagkakayakap. Kay Denmark. Nginitian siya nito kaya ngumiti din siya. Nag-usap ang dalawa pero alam niyang siya ang topic dahil napapatingin pa ang dalawa sa kanya habang nag-uusap. Namula naman si Denmark at napapa haplos sa batok. "Ano kaya pinag-uusapan nila?" Maya-maya pa ay lumapit si Denmark sa kanya.

"Aahm Milan this is my grandma and grandma this is Milan." Maiksing pag papakilala ni Denmark sa dalawa.

Niyakap ng matanda si Milan kaya niyakap din niya ito.

"I am very happy to meet you. It seems that you are special to my grand son." Nakangiting sabi ng matanda.

Namula naman si Milan at hindi alam kung ano ang sasabihin o isasagot.

Tumingin siya kay Denmark at napaisip ng talaga ba? Ngumiti ito sa kanya na mukang nababasa ang nasa isip niya. Nag blush siya at nag iwas ng tingin. Mind reader ata ang mokong. Nakita niya na napangiti ang lola nito kaya sure siya na nakita nito na namumula ang muka niya. Nag paalam si Denmark sa kanila ng lola niya at may kukuhanin lang daw sandali. Lumapit sa kanya ang matanda at pinaupo siya. Naupo naman ito sa tabi niya at hinawakan ang kanyang isang kamay.

"Are you two dating?" Nakangiting tanong nito sa kanya.

"Aahm... No... Aahm.... I'm his se..cretary.." Kinakabahan niyang sagot.

Ngumiti ang matanda sa kanya at pinisil ang kanyang kamay.

"You can call me grandma."

"Aaahm... Ga...grand...ma..." Medyo kinakabahan niyang sabi.

Sino ba naman ang hindi kakabahan kung biglaan kang ipakilala ng isang taong importante sayo, naku naman, mahal na nga yata, sa kanyang kamag anak? Tapos yung mokong na yun ay nag paalam saglit lang daw siya pero wala pa hanggang ngayon. Ang laki naman kasi ng mansion na ito kaya baka ilang minuto pa bago pa iyon makabalik. Baka sa labas pa yun pupunta. Napasimangot siya sa kanyang naisip. Napatingin naman sa kanya ang matanda ng may pagtataka. Nakita yata ang pag simangot niya. Napangiti naman siya ng pilit at pinipilit niyang pakalmahin ang sarili. First time niyang maipakilala sa kamag anak ng ibang tao, bukod sa mga friends niya syempre.

"I am Freinzhine Proghern. My husband will be here soon."

Maya maya pa nga ay may dumating na matandang lalaki at kasunod si Nanay Medring na may dalang tray na may juice at cookies.



  ~*~102820~*~


Sorry po wala kasi akong alam na lugar sa Italy. 😅
Tinamad na po ako mag search. ✌🏻

The Game of Love  -Completed (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon