Part 21 -> Tragedy

471 6 0
                                    

Maagang nagising si Denmark. Alam kasi niya na maaga ulit magigising si Milan. "Sure ako maaga nanaman gigising un. Mabuti na lamang at maaga ako nagising kahapon dahil kung hindi ay baka iniwan na ako nun dito sa hotel at nag gala mag isa. Ang babaeng yun. Atat sa gala. Tsk!" Napapangiti siya habang nag sisipilyo ng ngipin. Ngayon pa lang parang buo na ang araw niya. 6am palang kaya alam niyang hindi pa iyon nakakaalis. Habang naliligo siya ay parang bigla aiyang kinabahan. Parang bumigat bigla abg pakiramdam niya kaya nagmadali na siya sa sa paliligo para makapag bihis na. Pagkabihis niya ng damit ay agad niyang isinukbit sa katawan niya ang bag niya. "What? Bakit ko ba kinuha tong bag ko? Tsk! Ang weird ko naman ngayon." He grab his cellphone at tinawagan niya si Milan. Nakailang ring na pero hindi parin ito sumasagot. Naisip niya na baka tulog pa ito o baka naliligo. Napatingin ulit siya sa bag niya. Nasa loob nito ang mga papeles nila ni Milan. Napabuntong hininga siya at isinukbit na niya ito sa katawan niya. Tinawagan ulut niya si Milan and this time sumagot na ito.


"Bakit ang tagal mo sagutin ang tawag ko?"

"Sorry nasa byahe kasi ako kanina."

"What? Asan ka? Bakit hindi mo ko hinintay magising?"

"Nandito ako sa bahay ng mga lolo at lola ko. Hehe. Sensya na hindi ko nasabi agad na balak kong pumunta dito."

"Saan yan pupuntahan kita?"

Galit na ang mokong niyang boss. Naisip kaai niya na agahan ang alis at wag na isama ang boss niya. Alam kasi niya na galit ang lolo at lola niya sa mama niya at ayaw niyang kung mapag sabihan man siya ng mga ito ng masasakit na salita ay marinig pa ng boss niya. Kaya napag desisyunan niya na umalis na lamang mag isa. Tinawagan niya ang mama niya kanina sa video call para ang mama niya ang makipag usap sa taxi driver. Hindi kasi siya marunong mag italian. Hehe.

"Wag na. Kaya ko naman makabalik e. Saglit lang ako promise."


"No! Where is that place? Tell me!!" Galit na sabi ni Denmark sa kabilang linya.

Napa buntong hininga na lamang siya. Sa totoo lang ay gusto niya talaga na may kasama dahil baka hindi niya makayanan ang mga masasakit na salita na sasabihin ng kanyang mga lolo at lola. Sasabihin na sana niya pero biglang may narinig siyang sumabog.


"Denmark? Ano yun?" Kinakabahang tanong niya.

"Iajbxbsbxjka jajhf nancjif" sabi ng kausap niya sa kabilang linya.

Hindi niya naintindihan ang sinabi nito. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib niya. "Shit!" Sigaw niya sabay takbo at hinarang na niya ang nakita niyang taxi kaya naman napahinto ito. Muntik na siya masagasaan nito. Tinawagan ulit niya ang mama niya at ito ulit ang nakipag usap sa driver. Kinakabahan na talaga siya. Hindi na niya namalayan na umaagos na pala ang luha niya.

"lord please po. Wag nyo po pabayaan si Denmark. Mahal ko po yun." Umiiyak na panalangin niya.

"Anak kumalma ka lang dyan. Walang mangyayaring masama sa kanya." Sabi ng mama niya mula sa kabilang linya.

Sa sobrang kaba niya ay nakalimutan na niya na tinawagan nga pala niya ang mama nya. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya. Nang medyo kalmado na siya at pinunasan niya ang kanyang muka at pinilit niyang ngumiti sa mama niya.

"Don't worry ma, okay na ako. Pasensya na po at hindi ko nakausap sila lolo at lola." Pilit na ngiting sabi niya.

"Ayos lang anak. May iba pang pagkakataon. Ang importante ay makarating ka kaagad sa boss mo para malaman mo kung ayos lang siya."

"Opo ma. Salamat po."

"At saka nga pala anak, tama na ang taguan ha."

"Ano pong taguan?" Kunot noo na tanong niya sa mama niya.

"Taguan ng feelings anak. Naku ikaw din. Sige ka. Baka hindi mo na makita ulit yang boss mo at magsisi ka na hindi mo nasabi sa kanya na mahal mo siya."

"Ma naman e."

"Ang akin lang anak. Hindi masama sumugal. Ganyan naman talaga sa love. Kailangan mo sumugal. Hindi ka mananalo kung hindi mo susubukan. Malay mo diba mahal ka din niya."

"Wala pa yung magic word mama. Hindi pa niya sinasabi." Malungkot na sabi niya.

"So? Di ikaw na mauna. Kayong dalawa talaga. Halata naman na may gusto din sayo yun. Kung makatitig sayo ang lagkit. Daig pa glue." Tatawa tawang sabi ng mama niya.

Tama ang mama niya. Dapat na niyang sabihin ang feelings niya para sa boss niya. Nag paalam na siya sa mama niya at pinindot na niya ang end button sa phone niya. "lord please po. Iligtas nyo lang po siya pakakasalan ko na po ang mokong na yun sa ayaw man niya o sa gusto niya." Dasal niya habang nasa byahe. Nang makarating siya sa hotel ay kitang kita pa niya ang malakas na apoy na pilit inaapula ng mga bumbero. Maraming mga guest ang nag tatakbuhan palabas. May mga bumbero naman na nag tatakbuhan papasok para tingnan kung may tao pa sa loob. Pilit na hinahanap ni Milan si Denmark sa mga taong nag tatakbuhan palabas ng hotel pero wala. "Shit! Nasan kana ba na mokong ka?" Hindi na napigilan ni Milan na sumigaw. Naagaw niya ang atensyon ng ibang tao. Pinipigilan siya ng mga pulis na makapasok. May mga media na rin doon.

May nakita siyang babae na umiiyak at mukang nahingi ng tulong. Pilipina ito. Nilapitan niya ito habang inaakay ng isang bumbero papunta sa ambulansya.



  ~*~110320~*~

The Game of Love  -Completed (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon