Part3->Hate at first sight

825 12 0
                                    

"Is this what you called "paranormal activities?"

Napatingin sila pareho ni Mrs. Ortrerra sa nag salita. May hawak itong cellphone at may nag pe-play na video. Nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakikita.

"What the F?" Sigaw  ng kanyang isipan. Namula ang kanyang muka sa kahihiyan. Kitang kita niya sa video kung papaano siya nag sisigaw kanina sa office ni Mrs. Ortrerra at kung paano siya nauntog sa hamba ng pinto at pati mismo yung paglalagay niya ng limang piso sa noo niya. Dinig din niya ang pagkausap niya sa hamba ng pintuan.

Napatingin siya sa lalaking may hawak ng cellphone na may ngiting nakakaloko sa muka. Nakita naman niyang nag pipigil ng tawa si Mrs. Ortrerra dahil sa napanuod nito.

"Who are you jerk? Paano ka nakapasok dito sa company?" Singhal niya sa lalaking tuwang tuwa sa reaksyon niya. Siya naman ay iritang irita dito dahil sa ginawa sa kanya. Videohan ba naman siya.

"Wait, paano mo ko na videohan? Kanina ka pa ba dito? Mag nanakaw ka ano?" Sigaw niya dito at mabilis na nakalapit sa lalaki.

Hindi na niya hinayaang makapag salita ang lalaki at mabilis niya itong naibalibang. Napangibit na lamang ang lalaki dahil sa sakit. Si Mrs. Ortrerra naman ay nabigla sa mga pangyayari. Hindi ito nakapag salita kaagad. Hindi pa nakuntento si Milan at pinilipit pa niya ang braso ng lalaki na hawak hawak niya. Napasigaw sa sakit ang lalaki.

"Aaaah! You bitch! Let me go! Aaah!" Sigaw ng lalaki pero hindi siya binitiwan ni Milan.

Tinapakan pa nito ang likuran niya at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ng lalaki. Nakadapa ang lalaki sa sahig habang hawak ni Milan ang kamay nito habang nakapilipit ang braso sa may likuran. Ang paa ni Milan ay nakatapak pa sa likod ng lalaki.

"Now talk! Who are you and why are you here?" Sigaw niya sa lalaki sabay pisil pa sa kamay nito na nakapilipit dahilan para mapasigaw pa lalo ang lalaki sa sakit.

"Milan stop!" Sigaw ni Mrs. Ortrerra at lumapit kaagad sa kinaroroonan nila ng lalaki.

Napatingin siya dito na may pag tatanong sa kanyang muka.

"He is my son Denmark. Please let him go." Sabi ng ginang.

Napatulala si Milan sa sinabi ng ginang. "Ang mokong na ito ang anak niya?" Naitanong niya sa isip niya habang nakatingin sa lalaki.

"Hey, amazonian woman, let go of my hand!" Sigaw ng lalaki ng hindi pa mandin niya binibitiwan ang kamay nito.

Napaigtad naman siya at kaagad na binitiwan ang kamay ng lalaki. Kaagad itong tumayo at hinimas himas ang kanyang braso at kamay. Nakatitig lamang si Milan sa lalaki habang pinapagpag nito ang suot na damit. Naka polo lamang ito at naka maong jeans pero halatang mamahalin. Napalunok si Milan. "Is he really my next boss?" Napangiwi siya sa naisip.

"Mom why did you hired a body guard?" Kunot noong tanong nito kay Mrs. Ortrerra pero kay Milan nakatingin.

"Hoy lalaki, hindi ako body guard ni ma'am. Im her secretary." Singhal ni Milan kay Denmark.

"What? You are a secretary?" Hindi makapaniwalang sabi nito sabay lingon sa kanyang ina.

"Mom where did you get her? Is she from jungle?" Tanong niya sa kanyang ina na ikinangiti nito.

Si Milan naman ay umuusok ang ilong sa galit. "Ano daw? Galing daw ako sa gubat?" Galit na galit si Milan sa sinabi ni Denmark at akmang magsasalita na sana siya ng sumagot si Mrs. Ortrerra.

"Son she is not from the jungle. She is Milan Santillan your father's secretery when he was still here. She is kind, son." Nakangiting sabi ni Mrs. Ortrerra.


"Mabait talaga ako. Dahil kung hindi ay binali ko na yang braso at kamay mo ng hindi kana makakuha ng video." Asar na sabi niya.

Napatawa naman si Denmark at inakbayan ang kanyang ina. Iginaya na niya ito papasok sa office nito. Kinindatan pa niya si Milan bago tuluyang pumasok sa loob.

"Abat ang gagong yun, huh! Ang kapal. Naku, humanda ka sakin na lalaki ka." Asar na asar niyang sabi. Gigil na gigil na siyang upakan ang muka ng lalaking yun pero hindi pwede, hindi pa..... sa ngayon.

Napangiti ng nakakakilabot si Milan dahil sa kanyang naiisip. Ang hindi niya alam ay nakatitig pala sa kanya si Josie, katrabaho niya, at natakot ito sa kanyang itsura pati sa mala-demonyo niyang aura.

Hindi makalapit si Josie kay Milan dahil kinakabahan ito. Biglang nag iba ang itsura ni Milan ng makita si Josie, ngumiti siya dito. Pero kita niya ang takot sa muka ni Josie na naglalakad na papalapit sa kanya.

"Ano kaba Milan? akala ko kanina sinasapian kana. Nakakatakot yung itsura mo."

"May naiisip lang ako Josie. So, why are you here?"

"Heto yung mga files na hinihingi ni Mrs. Ortrerra kahapon bago kayo umuwi. Naayos ko na lahat." Sabi nito sabay abot sa mga naka folders na files.

"Sige ako ng mag dadala sa kanya mamaya. May impakto pa sa loob eh." Asar na sabi  ni Milan kay Josie.

"Ha? Sino? Ang aga naman nun dito."

"Anak niya, si Denmark. Tss, napaka yabang. Feeling gwapo ni hindi naman pogi. Mukang impakto. Hmmmmp!" Galit sa sabi ni Milan.

Napatawa si Josie sa sinabi ni Milan. Galit na galit ba naman ito na parang umuusok ang ilong at tenga sa galit. Kulang na lang ay mag buga na ito ng apoy.

"Tumigil ka nga Milan. Muka ka ng dragon jan eh. Apoy na hininga na lang ang kulang." Natatawang sabi ni Josie.

Inirapan niya lamang ito. Nag paalam na ito sa kanya at bumalik na sa floor kung saan ang table nito.

"I hate you Denmark Ortrerra. There is no way that I'm gonna fall for you, jerk!"


~*~091320~*~

The Game of Love  -Completed (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon