Part 19-> Sign

464 6 0
                                    

Umupo ang matandang lalaki sa tabi ng matandang babae.


"Milan this is my husband. Groefaurd. Oh! By the way you can call me grandma France and you can call my husband grandpa Greece." Nakangiting sabi ni grandma France sa kanya.

"Who are you young lady?" Nag tatakang tanong ni grandpa Greece sa kanya.

"She is Milan your grandson special girl." Nakangiti at masayang sagot ni grandma France sa asawa.

Habangsi Milan naman ay tahimik lang at medyo naiilang sa mag asawa ng matanda. "Where are you na ba? Gosh! Naligaw ata siya!?" Naiinip na siya. Kanina pa umalis si Denmark pero hanggang ngayon ay wala parin ito. Hindi na niya alam kung ano ang isasagot niya sa tanong ng mga to. Akala yata nila na may relasyon sila ng boss niya. Yung relasyon na espesyal.


"Who are you young lady?" Tanong ulit ni grandpa Greece kay Milan..


Nakailang paulit ulit na ng sagot si grandma France pero maya maya lang ay itatanong ulit nito sa kanya kung sino siya at kung ano ang ginagawa niya dito at kung sino ang kasama nila.

Napapangiti na lamang siya dahil kahit na makakalimutin na si grandpa Greece ay hindi nagagalit si grandma France at paulit ulit na sinasagot ang mga tanong ng asawa ng may ngiti sa labi. Kitang kita na mahal na mahal nila ang isa't isa. Mag ka-holding hands pa nga sila.


Ilang minuto pa ay dumating na si Denmark. Nakangiti ito sa kanila at niyakap ang lolo niya. Nag usap ang dalawa at tulad kanina ay alien words nanaman. Kamag anak yata nila si kokey at ET. Hehe. Napangiti si Milan sa naiisip. Buti na lamang ay busy ang mga iyon sa pag uusap dahil kung nakita siya na pasimpleng natatawa ay baka isipin ng mga iyon na nababaliw na siya at mag isang tumatawa.



Umupo si Denmark sa tabi niya matapos makipag usap sa lolo niya at nginitian siya. Binigyan naman niya ito ng saan ka galing look. Napangiti ito sa kanya at mas lumapit pa. Bumulong ito sa kanya.



"I'm sorry kung ngayon lang ako nakabalik."

Napakunot ang noo niya."Mind reader nga yata ang mokong na to ah." Kung todo ang ngiti nito sa kanya. Yung tipong ngiting tagumpay. "Parang may ginawang kababalaghan ang mokong." Masarap kausap ang dalawang matanda. Ang sweet pa nga nila sa isa't isa.

"She is the only one that I can't forget." Sabi ni grandpa Greece sabay halik sa likod ng palad ng asawa.

"Oooh! You are so sweet at your age." Nakangiting panunukso ni grandma France sa asawa.

Napapangiti na lamang sila ni Denmark sa kulitan ng mag asawang matanda. "Sana all may jowa na sweet. Ganito din kaya si mokong?" Naisa isip ni Milan habang nakatingin sa boss niya na tuwang tuwa panuorin ang kanyang mga lolo at lola. "At sana all mahal ng mahal niya." Napa iling na lamang siya sa kanyang mga naiisip. Doon na sila inabot ng gabi kaya doon na din sila nag hapunan. Doon na nga din sila pinapatulog ng mag asawa pero tumanggi si Denmark. Nag byahe na sila pabalik sa hotel na tinutuluyan nila. Pag pasok ni Milan sa kwarto niya ay napahiga siya sa kama. Napagod siya sa byahe dahil malayo layo din ang bahay ng grand parents ng boss niya.


"Nakakainggit sila. Huhu. Mey ghed lord. Asan na si mahal ako? Ang andito lang kasi e si mahal ko. Sana all hindi one sided love. Sana po magbigay naman kayo ng sign na siya na nga." Si Denmark ang tinutukoy niya. Feeling kasi niya na inlove ang mokong sa kanya kaya dinadaan siya nito palagi sa pa marry me marry me sa kanya. "Haaays! Sana kasi hindi ko lang feeling yun. Sana totoo. My gudness lord. I'm inlove. Please po give me a sign.



Napabalikwas siya ng bangon ng may narinig na katok mula sa pinto ng kanyang kwarto. Pagbukas niya ay nakita niya ang isang babae na mukang tiga linis sa hotel na nakatayo. nakasuot iyon ng whit t-shirt at maong pants. Napatingin siya sa nakasulat sa white t-shirt nito. "He is the one" ang nakasulat at may arrow pa. Sakto naman na dumating si Denmark at sakto ang pwesto nito sa arrow. Napatulala si Milan.

"May problema ba?"

"Sir naiwan ko po kasi yung walis tambo sa loob ng kwarto ni ma'am." Sagot ng tiga linis.

Si Milan naman ay nag iisip parin at nakatulala parin sa t-shirt ng babae. Alam niyana tiga linis iyon doon kahit hindi naka uniform dahil iyon ang nag linis at nag palit ng bed sheet kaninang umaga. Naka civilian na nga lang ngayon ito at mukang pauwi na.


"Aaahm... Okay sige, wait lang.,.. Kukuhanin ko. San mo ba naiwan?" Medyo alanganin niyang tanong sa babae.

Matapos niyang makuha ang walis tambo ay iniabot na niya sa babae. Nag paalam na ito sa kanila. Nakita pa niya na namumula ang muka ng babae. Crush yata ang boss niya. E ang yummy kaya. Naka sando lang kasi ito at naka pajama. Nakaligo na din ito. Obvious naman dahil may hawak pa itong twalya at basa ang buhok.





~*~102920~*~

The Game of Love  -Completed (Un-edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon