16

68 2 0
                                    

CHAPTER 16

I face palm watching my ankle treating by our personal doctor. Dinampian iyon kanina ng cold at hot compress may nilagay din na ointment at binendahan.

This morning I accidentally twist my ankle pagbaba ko ng hagdanan. Mom and I had a little fight dahil na naman sa pinipilit niyang pagpapakasal.

"Wag magsyadong pwersahin ang paa mo Shan baka mas lumala iyan. Mahirap din mag suot ng sapatos na may heels habang masakit pa iyan. Siguro ay mag suot ka muna ng comfortable shoes while attending your school."

I nod to the doctor. Hindi na ko uminda ng sakit habang ginagamot iyon kanina. Nakatulala lang akong tiningnan kung saan umalis si Mommy. She didn't even stepped inside my room to check me.

I think she's not interested to watch her daughter in pain. Maybe she knew I'm already a big girl and I can handle myself, right Shanon?

Napansin siguro ng doctor ang bigat ng pinakawalan kong hininga.

"Are you fine Miss Shan? Do you want me to call your mother or brother?" tanong niya.

Umiling ako at sinubukan ng tumayo. Sa kaliwa ko binibigay ang bigat ko para hindi masaktan ang masakit kong paa.

Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana habang nagdadrive si Manong Jes. Mabilis akong nilapitan ni Lish at Kel ng makita ako sa JPL Hall.

"Oh what happened to you Shanny baby?"

"Hindi ka namin kanina nakita sa room mo balak pa naman namin makiseat-in. Napano yang paa mo?"

Pinaliwanag ko sa kanila ang nangyari. I can feel their worried about me na hindi ko naramdaman sa aking ina. I was getting emotional I took a deep breath and smiled to my two friends to assured them na ayos lang ako kahit na may kirot sa dibdib ko.

I feel like I want to cry but I can't and I shouldn't.

"I still have one class before lunch break. Kita nalang tayo mamaya okay? Bayleaf lunch?"

Lumiwanag ang muka nila sa akin.

"Shoot Shanny baby!"

Kel bore her eyes to me. Parang alam niya yung naramdaman ko pero hindi lang niya sinasabi.

"Ingat ka Shan, sunduin ka nalang namin mamaya, okay? Wag kana lumabas ng room!"

It's Wednesday kaya classmate kami ngayon ni Pear. As usual tahimik lang siya sa gilid at mukang may nirereview.

Na upo ako sa upuan ko. Mabilis siya nag angat ng tingin sa akin. Nakanguso at malamlam ang mga mata.

"Are you fine Shan? Bakit ka may benda sa paa? Hindi ka siguro nag iingat noh?" sermon niya pero bakas ang pag aalala. "Naku Shan...kahit gaano pa kayaman ang isang tao o katalino kung hindi inaalagaan ang kalusugan baliwala pa rin
" aniya.

"I just slipped on the stairs Pearl. I am fine one week lang ayos na ulit itong paa ko. At hindi ako nag papabaya ng kalusugan ko okay? Ang OA mo, para kang si Wendel." sabi ko at umayos na ng upo dahil pumasok na ang prof.

Hindi na ako kinibo ni Pearl pagkatapos wala rin naman akong samod magsalita. Palabas na ako ng room pero nandoon pa rin siya sa upuan niya at busy kakatipa sa luma niyang cellphone.

Hindi ko pa rin nakikita na gamit ni Pearl ang binili kong sapatos sa kaniya. I tried my best kaya na pumili ng simple lang para sa kaniya. Siguro ay takot pa rin gamitin iyon at baka raw ikamatay niya kapag suot iyon.

"Bakit hindi mo iniingatan ang sarili mo gayung ingat na ingat ako sa 'yo?" the deep baritone voice said from the back.

Pag aalala ang nakabalot sa muka. Sumama lang ang tingin sa paa kong nakabenda na parang tinuturing niyang kaaway iyon.

His Leaf Green Eyes (ML Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon