Chapter 15
"Shan! Thank you sa regalo mo ah? Grabe hindi ko talaga magawang hawakan yung regalo mo noong binigay sa akin sa bahay. Natatakot nga akong gamitin baka ito pa ang ikatapos ng buhay ko." wika ni Pearl.
Mukang natanggap na niya ang pinadala kong regalo. It was a Hermes handbag and Dior black shoes.
I just nod to her energetic voice. Tamad na tamad akong maglakad paglabas ng room namin. Halos makatulog na ako sa discussion kanina.
"Fuck!" napatapik ako sa nuo ko ng may maalala.
"Bakit Shan?" tanong ni Pearl.
Halos sabunutan ko ang sarili ko sa nakalimutang assignment namin kay sir Michel.
"Shit? Mangongopya nalang siguro ako kay Wen..." bulong ko sa sarili ko habang naglalakad.
I looked at my wrist watch may sampung minuto pa ako para mangopya bago mag simula ang klase namin. For sure may aassignment 'yong madaldal na 'yon plus he's a member ng mathematics club.
"Ha? Bakit kay Wendel pa?"
Napahinto ako at pinitik sa nuo ang nakabusangot na si Pearl.
"Selos ka? Classmate ko siya sa math sub namin ngayon," ismid ko.
Napataas pa ako ng kilay ng irapan niya 'ko. Tinalikuran ko na siya at nag umpisang bumaba sa first floor ng building kung saan ang next class ko.
"Wag mo 'ko tarayan, hindi ka naman maganda. Una na 'ko!" natatawang sabi ko bago siya iniwan doon.
Pagbaba 'ko ng building nakita ko agad si Wen na nagmamadali. Nabitin ang boses ko dahil lumiko sya papuntang canteen. Nabawasan tuloy ng tatlong minuto ang oras ko.
"Need help?" sabi ng baritonong boses sa likuran ko.
Paglingon ko si Castromayor iyon. Fresh clean cut ang buhok habang nakataas ang kilay sa akin.
"Wag mo kong guluhin Castromayor may kailangan akong gawin ngayon." sabi ko sabay talikod at punta kung saan lumusot si Wendel kanina.
I have no time to check our assignment to Mr. Michel and do the long solving problem although his subjects is just easy pero wala na talaga akong oras.
"Sinong hahanapin natin?" bulong ng lalaki sa likod ko.
"Shit! Five minutes nalang!" panay ang tingin ko sa loob ng canteen. Damn it Wendel! mag sisimula na ang klase may plano kapang kumain.
"Hey, what is it babe?"
"Don't talk to me..." wala sa sariling sabi ko.
Iniwan ko siya doon at nilakad ang distansya namin ni Wendel. Nandoon siya sa pila ng turks at mukang bibili pa bago pumasok sa room.
I was about to call his name but Allen Castromayor gripped my hips to stop me.
"Hmm, What do you want from that guy huh?" angil niya.
Kumalas ako sa hawak niya. Kinabahan pa ako na baka may makakita sa ginawa niya. Baka mamaya nasa paligid lang si Lish at Kel hindi na naman ako tatantanan nun.
"Allen I need to talk to Wendel okay? Wala ka bang klase ngayon at nakakarating ka rito?!" kunot nuong tanong ko.
Paglingon ko kay Wendel wala na siya sa pila! Palabas na ulit ng canteen!
"Why are keep looking and following him ba?" he frowned.
"Mangongopya ako ng assignment sa math pwedi ba lumayas ka nga Castromayor. Stop following me! Shit!" umaandar ang oras at maya maya lang ay parating na ang prof namin!
BINABASA MO ANG
His Leaf Green Eyes (ML Series #2)
Fiction générale|ArkAngel ft. SEA GAME| Shanon Torre Venezia-Azarcon hates all ML players in the world like Allen 'Lusty' Castromayor, the team captain of one of the Esports teams in the Philippines. A pro player in Mobile Legends: Bang Bang game, one of the repres...